Untitled Part 1

998 5 2
                                        



Binnadangan festival. 

Isang masayang araw para sa mga taga-Roxas, Isabela. 

Nagtatayuan ang mga stalls sa daan na nagbebenta ng mga kakanin. Maraming turista ang nagliliwaliw para bumili ng mga masasarap na pagkain. 

Mag-aalas otso na at anumang minuto ay darating na ang gobernador ng probinsiya nila.

"Mga madam! Mga Ser! Bili kayo ng biko namin, o ireng sinuman namin! Masarap ang mga itu!"

"Nakow madam, ser. Dine na lang kayo sa amin bumili."

"Maam, ser, ito tikman niyo."

Boses ng mga tinderang inaalok ang mga taong bumili ng mga paninda nila. 


Nahawi ang kumpol ng mga tao sa daan dahil may dumating SUV na may nakasunod na dalawang van.

"Mga kababayan! Maari ho bang bigyan natin daan ang ating mahal na gobernador!" Magiliw na simula ng host sa stage na nakaayos sa harap ng municipal hall ng Roxas.

Excited namang tumingin tingin ang mga tao. Masisilayan ulit nila ang gobernador nilang kahit aktibo sa mga pista sa bayan nila ay iilan lang nila makita ng personal.

Bumukas ang isang van at lumabas ang maraming body guard ng gobernador. Agad nilang hinawi ang daraanan ng gobernador papunta sa stage.

May isang body guard ang bumaba sa passenger seat at binuksan ang back seat. Doon lumabas ang gobernador. Na agad kumaway sa mga tao. Umatras ng konti ang gobernador at inalalayan ang isang babae na bumaba.

Sabay silang naglakad patungo sa stage habang malalaki ang ngiti at kumakaway.

"Mga kababayan! Ang ating mahal na gobernador! Si Governor Armando Santiago at ang kanyang maybahay na si Madam Leticia Santiago!" Pakilala ng host sa gobernador ng Isabela. 

Sa edad na 57, kahit paminta at asin na ang buhok, hindi maikakaila na gwapo pa rin si Armando Santiago. Ito na ang ikalawang termino niya bilang gobernador ng Isabela, tumakbo ulit siya sa nakaraang eleksyon at nanalo siya. 

Hindi rin kumukupas ang ganda ng misis niya kahit nasa edad 55 na ito. Tulad niya, maalaga rin sa katawan si Leticia, lalo na at may reputasyon silang inaalagaan. 

Kinuha niya ang mikropono sa host upang magbigay ng mensahe ngayong pista ng nmRoxas pagkatapos makipag-kamay sa alkalde.

"Magandang araw sa inyong lahat mga kapamilya, mga kapatid at mga kapuso." Simula niya at nagtawanan ang lahat.

"Tayo ulit ay nandidito upang ipagdiwang ang isa sa mga malalaking pista ng Isabela, ang ating bayan. Tiyak na ngayong araw ay mapupuno ang ating araw ng saya, sigla at busog. But first, I would like to commend the mayor," saad ni Armando at tumingin sa direksyon ng alkalde ng Roxas, "Mayor Nonie Lozano, for his preparation for this festival and also, commend all people who worked alongside with him. Dahil talagang napakaganda ng kinalabasan ng araw na ito." Dagdag niya.

Inilibot niya ang tingin sa madla at nasiyahan ng marami siyang nakitang naggagandahan at nagseseksihan na mga babae. 

"Bueno. Hindi ko na papatagalin ang aking mensahe. Umpisahan na natin ang kasiyahan!" Huling sabi niya. Palakpakan ang mga tao. Bunalik ulit siya sa upuan, sa kabila ang asawa at sa kabila naman ang alkalde. 

Masaya nilang pinanood ang mga sumayaw ng tradisyunal na tugtog. Napuno ng kagalakan ang stage. 

Tumingin si Armando sa puno ng mga body guards niya na si Roy, na agad ding tumango. 

Pag-aariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon