Nagkakagulo na ang lahat! Dumating ang mga tanod, pulis, ambulansya at bumbero.. mabuti nalang walang media!

30minutes later..

"waaaaaaahhhhhhh T0T paano na ako ngayon, hindi naman kasi sinabi nila kuya na ngayon na pala kukunin ng bangko ang bahay at mga gamut namin! mabuti nalang nabawi ko yung kabinet ko, nandoon pa naman ang Calvin Klein na underwear ni Mr. Stranger!" palahaw ni Anya..

Binatukan naman sya ni Lenny

"Aray! ano ba! umiiyak na nga yung tao eh!" reklamo ni Anya.

"Mageemote ka lang yung kalandian mo pa inuna mo! langya! bakit naman kasi di mo sinabi sa amin na may ganito pala kayong problema?!" Kasalukuyan silang nasa bahay nila Lenny..

"Oo nga! nakipagkalmutan, hatakan at bulyawan pa kami sa mga tauhan ng bangko! nakakahiya no! mabuti nalang di tayo inaresto nung mga pulis! kainis ka talaga!" nagpapapadyak pa si Rae, nagalusan kasi sya, isang sirena kasi pala yung nakalmot nyang lalaki kaya ayun kinalmot din sya tapo sinabunutan pa sya, mas babae pa nga kung makasabunot eh..

"Pano ka na ngayon Anya? gusto mo samin ka nalang?" alok ni Yuko

"Hindi na *sniff* nakakahiya naman sa inyo, kaya nga hindi ko na sinabi sa inyo kasi alam kong may mga problema din kayo.. isa pa may lilipatan na naman talaga ako eh.. kaya nga sila kuya wala na sa bahay, nasa farm na sila, ako lang ang naiwan kasi nagaaral pa ako.." sentimyento ni Anya.. "pero bago pala ako umalis.. Lenny?" bumaling sya sa concern na concern na kaibigan.. namumungay ang mga matang tiningnan nya ito at sinabing "Pwede bang makikain? makikiligo na din ako tapos pautang naman! wala na akong pamasahe eh.."

TOIKS!

..

..

..

Mula sa eskwela ay umuwi si Anya sa bago nyang tirahan.. sa dati nilang dorm ni Yuko.. tutal mag isa lang naman sya kaya imbes na apartment ay sa dorm nalang sya titira.. nagaayos sya ng gamit nya ng tumunog ang cellphone nya..

"Hello? Kuyaaaaahh!!! T^T" walang iba kung hindi ang kuya Patrick nya ang tumawag..

(ANTONIA! ano itong nabalitaan ko na inaway nyo daw na magkakabarkada yung mga tauhan ng bangko ha?!!) bungad ng kuya nya..

"Nabigla lang kami kuya!*sniff*"

(Tsk, sinabi ko naman na kasi sayo na sa dorm ka na magstay eh.. ) lumambot ang boses ng kuya nya, halatang naawa sa kapatid na ngayon ay nag iisa.

"Mas nalulungkot kasi ako dito sa dorm eh.. namimiss ko na kayo, tsaka si ate Ban! kamusta na sya?!" tanong ni Anya habang nagpupunas ng luha, totoo namimiss na nya ang mga ito, kahit pa ang hipag nya na si Ban Jacelyn Heart ang dahilan ng paghihirap nila ay mahal parin nila ito.. mabait kasi at sweet ang ate Ban nya, Yun nga lang ayaw ng pamilya nito sa kuya nya kaya ginigipit sila ng magulang ng ate Ban nya, ganun pa man ay nanatiling sikreto ang lahat sa ate Ban nya, ayaw kasi nila na sisihin nito ang sarili nya sa nangyayari sa Ismael Family.

(She's ok.. nakakapag adjust nanaman sya dito sa farm. she's learning, kaso minsan alam mo na maarte talaga..--) hindi naituloy ni Patrick ang sinasabi bigla kasing inagaw ni Ban ang cellphone.

(yaahh! what are you saying! I'm not maarte!!!!) narinig pa ni Anya ang ate Ban nya kaya natawa sya.. ang cute kasi ng ate nya mainis.. isa pa ngayon lang sya nagkaron ng ate.. (Hello? Bunso? waahh Bunso! I so missed you! hayaan mo dadalawin kita sa dorm mo and magshashopping tayo kapag may free time ako ha! busy kasi dito sa farm eh..)excited na sabi ni Ban..

"Yes ate! sure! miss ko na din kayo!" sabi nalang ni Anya, natatawa sya sa ate nya, shopping talaga? wala na nga silang pera eh, pero syempre hindi iyon alam ng ate nya..

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon