chapter 17

240K 1.6K 88
                                    

"Damn it! Damn it! Damn it!!!!!" Paulit ulit na sambit ni Jin habang nagmamaneho. Si Anya naman ay nakacross arms lang sa passenger seat. Akala siguro ni Jin matatakot si Anya sa ginagawa nya. Kung galit si Jin pwes naiinis din sya!

"How dare you flirt with other guy while i was watching?!" Galit na singhal ni Jin. Halatang galit nga ito dahil namumula na ang mukha nito at sobrang higpit pa ng hawak nito sa manibela.

"Mawalang galang na po Boss.. How dare me? Eh kayo po kaya ang nauna? How dare you flirt with other girls not just one but two infront of me?!!!" Galit na ibinalik nito ang tanong.

"I'm your boss! You don't have the right to question me!" Galit na sigaw ni Jin. "Baba!" Utos nito na sasagot pa sana si Anya. Hindi na kasi namalayan ni Anya na nasa parking lot na pala sila ng condo ni Jin.

"No boss you don't do that to me! You don't make me jelling jelling!" Sabat ni Anya nang makababa sya ng sasakyan. Lintik lang! Napapa english tuloy sya. Leche!

"What?!" Napakunot si Jin. Tinalikuran sya ni Anya at akmang lalayasan sya nito.

"Hey hey hey! Where are you going?!!!" Agad na hinawakan nya ang braso ni Anya para pigilan ito.

"I'm going home boss!" Singhal nya dito. Taas noo! Stomach in! Chest out! Walang pakelamanan basta may chest sya!

"Bakit pinapauwi na ba kita?!" Tanong pa ni Jin.

"Pero gabi na po boss. Kaya uuwi na ako." Inirapan pa nya ito. Aba kapag ganyang nakainom si Anya lumalakas ang loob nya. Hindi naman sya lasing pero atleast nakatulong ang alak kaya confident nyang nasasagot ang boss nya ngayon.

"Hindi pa tayo tapos!" Galit na sabi ni Jin.

"Tapos na!" Pilosopong singhal ni Anya.

"Do you wanna get fired??" His voice is damn serious. At sa mga katagang iyon ay nagising ang diwa ni Anya. She can't lose her job. Kailangan nya ang sweldo nya. Mula sa pagkakatalikod ay nagpapapadyak si Anya. Maya maya ay huminto na sya at dahan dahang humarap sa boss nya sabay ngiti. Nagtampisaw din sya palapit dito sabay sabing...

"Grabe ka boss ha... wag kang magjoke ng ganun!.. halika na nga at pagsisilbihan pa kita!" Sabay feeling close na hinatak sa braso ang boss nya.

...

...

...

"Ano kaya pa?!" Nakangising tanong ni Jin habang pinapanood ang PA nya na ilipat ang kama mula sa sala papuntang kwarto ni Jin. Kasi nga diba ang kama ni Jin ay ipinalabas nya noon kay Anya papuntang sala at kung ref at couch naman ay nasa kwarto nya.

"Oo naman boss.. kayang kaya!" Nakangiwing sabi ni Anya habang hinahatak yung kutson. Mabuti nalang na-a-assemble ang kama ng boss nya. Kailangan lang ng tulong ng screw driver. Na-assemble na nya ang kama sa loob ng kwarto, nalabas na din nya ang ref. Naayos na nya lahat and for Pete sake 3am na ng madaling araw!

"INAANTOK NA KO.." pag aanunsyo ng hari. Anya glare at her boss. What a Jerk right? "Boss.. tulungan nyo na po kaya ako para mabilis?" Di napigilang sabat ni Anya. Hello? Sino ba ang hindi inaantok di ba? Idagdag mo pa na halos walang pahinga si Anya kagabi.

Napatingin lang si Jin kay Anya. Hindi makapaniwalang inuutusan sya nito. Aba't kanina lang ay sinagot sya nito tapos ngayon uutusan pa sya.

"Antonia Antonia Antonia... sino ba ang boss at sino ang PA sa ating dalawa?!" Nangiinis na tanong ni Jin. Basta ang alam nya naaasar sya ngayon sa PA nya. How could she flirt with other guy? Hindi ba sya makapaghintay na matapos ang kontrata nila?

"Hehehe Joke lang ikaw naman boss... di ka na mabiro." Palusot ni Anya saka hinatak na ang kutson at pabagsak na ibinaba sa ibabaw ng kama.

"Tsk! Tama na nga yan!" Sabi ni Jin na nilapitan pa si Anya sabay binigyan ng puting robe. "Magshower ka na at matulog." Utos pa nya dito.

"Dito ako matutulog?" Inosenteng tanong nya dito.

Tinuro naman ni Jin ang couch sa sala. "Doon ka matutulog. Dito ako sa kwarto ko." Sabi ni Jin sabay sarado ng pinto ng kwarto nya na sakto naman sa harap ni Anya. Konting lapit lang nya sa pinto malamang tumama na iyon sa mukha nya.

"What a jerk!" Inis na bulong nya at saka tinungo ang bathroom.

...

...

...

Antok na antok na si Anya feeling nya konti nalang ay magcocolapse na sya. Wish lang nya ay matuyo ang damit nyang nilabhan. Isinabit nya iyon sa banyo. Nadumihan kasi nang husto dahil nga naglinis pa sya ng condo, mahihiya ang construction worker sa sakit ng katawan ni Anya. Idagdag pa ang exhibition nila ng boss nya noong isang gabi. Ay napepeste nanaman ang nagmamalinis nyang utak! Kailangan ng pesticide! Hindi nanaman siguro sya mamanyakin ng boss nya dahil malamang tulog na ito ngayon kaya malakas ang loob nyang mag robe lang. Naiinis talaga sya! Kayaaaaahhh!!!!

"What took you so long?" Isang husky na boses ang sumalubong kay Anya, naramdaman pa nyang pumulupot ang mga braso nito sa bewang nya mula sa likuran. How long is he waiting just outside the bathroom?

She felt those familiar shivers down her spine nang maramdaman ang mga labi ni Jin sa puno ng tenga nya.

"Please... stop...." takte! Demonyo talaga tong boss nya! Isa syang tukso! She's trying to fight those familiar sensation. Oh my ghad! He can't do this again!

"Antonia... what are you doing to me?" Parang batang iniharap ni Jin si Anya. He's wearing only his boxers. Ewan ba ni Jin pero hindi sya makatulog. Malaking parte ng katauhan nya ang gustong angkininin ang PA nya lalo na at alam nyang pinto lang ang pagitan nila.

"No... what are YOU doing to me boss?" Pilit nyang pinapatatag ang boses nya. Ang gusto nyang maging tono noon ay yung tipong nangkukwestyon dahil ayaw nya ng ginagawa nito sa kanya. Na mali ang gusto nitong mangyari sa kanila. But why does it feel so right? Specially when his lips finally met hers..

.. to be continued...

It's Him! My Jerk Boss!Where stories live. Discover now