“Imposible!” hindi makapaniwalang sigaw ni Mitsuo.

“Saan namin hahanapin yang babae na yan! Sa buong mundo ng mortal world walang makakagaya sa kapatid ko!” tuloy na sigaw ni Mitsuo. Pinakalma naman sya ng kanyang ama’t ina. Nananahimik lang si Miyasaki sa isang tabi nang bigla nyang maalala yung babae.

‘Hindi kaya… sya yun…’ wika nya sa kanyang isipan. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang mga gods and goddesses ng may maalala sila. Sabay sabay pa nga silang nagkatinginan at umiling sa isa’t isa. Gusto man nilang sabihin na nakita na nila ang babae ngunit hindi nila alam kung paano sisimulan.

---

Nagising ng maaga si Tristan habang ang kanyang asawa ay tulog na tulog pa sa kanyang bisig. Napangiti nalang sya’t hinalikan ang ulo ng asawa.

“Morning wife,” umungot lang ang asawa. Naghanda na sya ng kanyang sarili at gusto nyang ipagluto ang asawa ng mga pagkaing alam nyang paborito nito.

Sinabi kasi ni Merlin sakanya ang madalas kainin ng asawa sa umaga lalo na ang fresh milk na sobrang lamig. Ngunit nang makababa palamang sya ng hagdan ay napakunot ang noo nya ng may mga tao sa baba at masama ang kanyang kutob sa mga ito. Lalo pa’t may mga armas sila.

“Sino ka!” hindi naman nakasagot si Tristan sa sigaw na yun. Nagtataka pa sya pero nang makita nya ang mga ito ay masasabi nyang mga hunters ito.

“Who the hell are you at anong ginagawa mo sa bahay ng apo ko!” mabilis namang umiwas si Tristan sa mga bala.

“What the fuck is this?!” sigaw ni Margaux. Natigil naman ang matandang lalaki sa pagbaril nya kay Tristan at napatingin kay Margaux na puno ng galit.

“Sino ang hayop na to?!”

“How dare you! He is my husband!” mariing sigaw ni Margaux.

“Your husband huh?! Well let’s see!” magsasalita na sana si Margaux ng makarinig sya ng pagkasa at ang sunod sunod na putok.

“Tristan!” sigaw ni Margaux at bigla nalang nagsibagsakan ang mga kasamahan ng matandang lalaki kaya natigil ang pagbaril ng mga ito.

“Boss! Sorry we’re late!” nakahinga naman ng maluwag si Margaux ng makita nya ang asawa na nakatayo sa pintuan ng kusina.

Nabato naman ang matandang lalaki sa kanyang kinatatayuan habang nakatutok ang baril nila Hyde, Chua at Choi. Nagmamadali namang lumapit si Margaux sa asawa at sinipat sipat nya pa ang buong katawan nito at mas lalo syang nakahinga ng maluwag ng wala syang nakitang kahit anong galos.

“Are you okay?” tanong ni Maragux na ikinatango lang ng asawa. Niyakap naman sya ni Tristan dahil ramdam nya ang matinding kaba at pagaalala sakanya.

“Yeah… I’m fine… don’t worry…” he said at hinalikan ang noo ng asawa. Marahas na kumalas si Margaux at pasugod na sana sya sa kanyang Lolo ay niyakap sya ng asawa mila sa likod.

“How dare you do that to my husband! I kill you!” niyakap lang ng mahigpit ni Tristan ang asawa.

“What did I said! If you wish to live long leave me alone! Leave my business alone!” galit na galit na sigaw nito. Si Tristan naman ay sinenyasan nya na ang tatlo na paalisin na ang lalaki na ginawa naman nila.

“Remember this! Remember this day Margaux! You will regret this!” sigaw nito bago tuluyang makaalis sa bahay. Sinenyasan ni Tristan ang tatlo na umalis na ginawa naman ng huli. Pinupo naman ni Tristan ang asawa sa sofa at sya’y lumuhod habang nakahawak sa kamay ng asawa.

“Calm down… calm down wife…”

“How?! What if may mangyari sayo? I can—”

“Shh~ hindi mangyayari yun… tandaan mo mahal… walang mangyayaring masama sakin lalo na sayo dahil proprotektahan kita…” natahimik naman si Margaux.

“Don’t worry about that… may mas mahalaga ka pa doo—”

“No… mas mahalaga si Lolo dahil kayang kaya ka nyang kunin sakin katulad ng pagkuha nya kay Mom and Dad… kayang kaya ka nyang kunin sakin…” napangiti nalang si Tristan at niyakap ang asawa.

“Hindi mangyayari yun…” he assures her na hinding hindi talaga mangyayari ang bagay na yun.

“They are all hunters… I’m a hunter too… because I came from the Hunter clan…” wika ni Margaux. Hindi na nagulat pa si Tristan sa sinabi ng asawa dahil alam nya iyon.

“I know… I know… mahal… alam ko…” agad na napahiwalay si Margaux sa pagkakayakap sa asawa.

“How?”

“Mom told me everything…” nakangiting wika ni Tristan at ngumiti rin naman si Marguax. Nawala naman ang ngiti ni Tristan na ipinagtaka ni Margaux.

“Why? Is there a problem?”

“Uhm… I’m… I’m a… a wolf…” kinakabahang wika ni Tristan. Napangiti naman ang asawa.

“I know…”

“How?” nagkatawanan naman sila parehas dahil parehas nila alam ang sikreto ng isa’t isa.

“From Aunt Merlin. She told me everything…”

“Are you scared?” ngumiti naman si Margaux at tumango. Nalungkot naman si Tristan.

“At first… yeah… I was scared but I know deep in my heart you’re not bad para katakutan ko… asawa kita…” at mahal na mahal kita… gusto sanang iduktong ni Margaux iyon ngunit hindi pa ito ang oras para sabihin sakanya ang tunay nyang nararamdaman. Kailan nya lang ito napagtanto noong nasa amusement park sila.

“Tara sa kusina… ipaghahanda nalang kita ng mga paborito mo…” natawa naman si Margaux pero pinigilan nya ang asawa.

“I want to see your wolf form… Aunt Merlin said you can shift forms same as Mama Trish,” napailing nalang si Tristan at nagshift ng form. Napatili pa si Margaux kasi hindi sya handa sa biglaang pagshift nito.

“Are you okay?” nagaalalang tanong ni Tristan. Pulang pula naman si Margaux ng makita nyang walang suot na pangitaas ang asawa.

“Magdamit ka nalang at ako na ang magluluto ng a—”

“Not so fast mahal~ ako ang magluluto… Tawagan mo nalang yung mga bantay mo at linisin yung mga kalat na kinalat nila,” wala nang nagawa si Margaux at sinunod nalang ang asawa.

Mabilis namang Nilinis nila Hyde, Chua at Choi ang mga kinalat nila. Nang matapos na sila ay agad rin naman silang umalis at si Margaux naman ay nagtungo sa kusina.

Namula naman ang kanyang mukha ng mapansin ang asawa na tanging apron lang ang suot pangitaas. Hindi rin pala sya sinunod na magsuot ng damit pero… “He’s hot…” wala sa sariling wika ni Margaux. Lumungon naman si Tristan ang ngumiti sakanya. Mas lalo pang namula ang mukha nya at lumapit sa asawa. Hinain naman ni Tristan ang kakainin nila ngayong almusal at inihanda narin nya yung malamig na fresh milk ng asawa.

“After this may pupuntahan tayo,” wika ni Tristan habang tinatangal ang suot na apron. Napatango nalang si Margaux at kumain ng tahimik. Hindi kasi sya makatingin sa asawa.

“Mahal bakit ka namumula jan? Masama ba ang pakiramdam mo?”

“Oo… at kapag hindi ka pa nagbihis ng damit mas lalong sasama ang pakiramdam ko!” malutong na natawa si Tristan sa sinabi ng asawa at si Margaux naman ay nanlalaki ang matang nakatingin lang sakanya habang namumula.

“Ibabalik ko nalang po yung apron ko…” natatawang sabi ni Tristan. Hinampas naman ni Margaux ang braso ng asawa na nagpatawa sa huli. Masaya ang naging almusal nila hanggang sila’y makaalis ng bahay ay kwentuhan, lambingan at minsa’y asaran lang ang ginagawa nila sa loob ng sasakyan.

Nagtataka naman si margaux nang sa mall sila nagpunta. Kunot noo nyang tinignan si Tristan na nakangiti lang sakanya.

“Why are we here? May bibilin ka ba dito?” nagtatakang tanong ni Margaux sa asawa na nakangiti lang sakanya.

“Mukha kang tanga!” wika nya sabay hampas sa braso ng asawa. Malutong naman na tumawag si Tristan at niyakap ang asawa.

“Tara na sa loob,” pagaaya ni Tristan at nagpunta na sila sa loob ng mall. Pangkaraniwang date lang nang magasawa, kain sa restaurant or food court or sa fast food chain. Naglaro rin sila sa arcade at nagpunta kung saan saan sa loob ng mall.

Nang sumapit ang gabi ay napagpasyahan nilang pumunta sa isang cliff na kitang kita ang buong syudad na tila ba mga nagkikislapang krismaslights.

“Ma—” hindi natuloy ang sasabihin ni Tristan ng bigla syang nakaramdam ng malamig na bagay sa kanyang batok at ganoon din si Margaux.

“Ibigay mo samin si Ma’am Margaux at walang masasaktan,” mabangis na wika ng lalaki. Hindi naman pinansin ni Tristan iyon at tinignan nya lang ang asawa sa mata. Bahagya nyang iginalaw ang mata sa gawi ng lalaki na nasalikod ng asawa na may nakatutok ng baril at para syang isang bomba na ano mang oras ay sasabog na pero pinanatili nyang walang ekspresyon ang mukha.

Bigla nalang nagtatatarang yung lalaki papalayo kay Margaux dahil sa kamay nyang nabalutan ng yelo. Sa isang ikap mata ay naging lobo na si Tristan at parang naging laruan ang lalaking nasa likodni Tristan. Nang makabawi ang lalaking nagtatatarang ay papuputukan na sana nya si Tristan ng patulugin sya ni Margaux sa isang malakas na sipa.

Agad nilapitan ng lobong Tristan si Margaux at umangil sa paligid. Ramdam na ramdam nya kasi na may paparating na sa kanilang pwesto. Hindi man sabihin ni Tristan kay Margaux ay alam nya nang may mga paparating sa hindi malamang kadahilanan.

“Sasakay na ko sa likod mo…” sabi ni Margaux at sumakay na sa likod ni Tristan na ikinagulat ng lobo kaya nahulog si Margaux mula sa likod ni Tristan. Galit na umangil si Tristan sakanya na ikinabigla nya. Napasapo nalang si Margaux ng noo ng maalala nya ang sinabi ng Tita nya na huwag na huwag sasakay sa likod ng lobo dahil magkakaron ng magudong pangyayari.

“I’m sorry… I didn’t mean it…” paumanhin nito. tumagilid naman ang ulo ni Tristan na parang kinikilala ang taong nasa harap nya. Hindi maiwasan ni Margaux na kabahan dahil kung umasta ang asawa ay para itong isang tunay na lobo. Pagtingin nya sa langit ay kusang nanlaki ang mata nya nang makita ang napakalaki at bilog na bilog na buwan.

Dahan dahang tumayo si Margaux mula sa pagkakaupo at nang makatayo sya ng maayos ay unti unti naman nyang inilapit ang kamay sa mukha ni Tristan na nakatingin lang sakanya. Balak ni Margaux na hawakan ang ilong ng asawa.

“It’s me… Margaux… your wife…” nakangiting wika ni Margaux dahil parang natural lang kay Margaux na sabihin iyon. Nang hahawakan na sana ni Margaux yung ilong ni Tristan ay bigla ito umatras at umangil.

“I won’t hurt you… I promise…” duktong nya pa at tuluyan na nga nyang nahawakan ang ilong nito. Agad namang dinilaan ni Tristan ang mukha ng asawa nang makilala nya ang amoy nito.

‘Asawa ko to! Walang nangyari sakanya!’ sigaw ng isang bahagi ng utak ng lobo.

Ikiniskis ni Tristan ang ulo nya sa mukha ni Margaux at naitulak tulak nya si Margaux ng bahagya hanggang sa makasandal si Margaux sa puno at reklamo na sinamahan pa ng pagtawa ang pagsuway nya sa asawa. Bigla namang tumigil si Tristan ng maramdaman nyang malapit na ang mga ito sakanila. Agad nyang ginagat ang damit ng asawa at mabilis na tumakbo papalayo sa lugar na iyon.

Yung itsura ng cliff na pinuntahan kasi nila ay parang rice terraces. May apat pang na parang baitang ng hagdan ang dapat daanan bago marating ang pinakatuktok. Sa pinakatuktok kasi ay may gubat na pa-slant ang form dahil alam naman ni Tristan na may portal sa gubat patungong Lilamila Mcrenon ay hahanapin nalang nya iyon at doon na muna sila. Hindi naman nahirapan si Tristan na hanapin ang portal kaya mabilis silang nakarating sa gubat ng palasyo.

Hindi alam ni Margaux kung anong gagawin at nahihilo narin sya sa pauga uga dahil buhat buhat sya ng asawa gabit ang kwelyo nya sa likod. Basta ang alam nalang nya ay may nakita syang isang asul na luwanag bago sya mawalan ng malay.

Inilapag naman ni Tristan ang asawa sa lupa at ginigising nya ito sa pamamagitan ng ilong nito na parang sumusuwag na baka. Kinakabahan kasi sya at natatakot na baka hindi akma ang hangin ng Lilamila Mcrenon sa asawa dahil magkaiba ang hangin sa mundo ng mga tao kesa sa lugar na ito.

Naging alerto naman sya ng may maramdaman syang kakaiba sa paligid. Agad nyang dinaganan ang katawan ng asawa upang matago’t maprotektahan nya ito sa kung ano mang panganib na nagaabang. Hinayaan ni Tristan na nakalabas ang ulo ng asawa upang ito’y makahinga. Iniyuko nya ang kanyang ulo ubang maitago ang asawa at sya’y pumikit habang pinakikiramdaman ang paligid.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Where stories live. Discover now