"I love you so much Miks, I love you with all my heart." Yakap ko pa rin sya. Ramdam ko rin ang higpit ng yakap nya habang sinasabihan nya ako na mahal nya rin ako.

Gusto ko that time sumigaw, pero nakakahiya kasi tahimik na sa Village nila. Tulog na ata lahat nang tao.

"Mahal mo rin pala ako?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko yung mga luha sa mata nya. Pinupunasan nya rin yung tumulong luha sa pisng ko sabay hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi.

"Wala kasi akong choice", biro nya sa akin. "Seriously though, I love you because you make me smile for no reason and that even on my worst days you cheer me on. Hindi ko na kailangang isa-isahin. Basta para sa akin, masaya ako kapag kasama kita. Namimiss kita pag wala ka. Sana lang wag kang magbago, sana hindi lang ito hanggang umpisa. Yun kasi yung fear ko na baka pag tayo na, magbago ka." Hawak ko sya sa bewang, at sya nakapulupot ang kamay sa batok ko.

"Bat ko naman gagawin yon sayo? Pangako, hinding-hindi ako magbabago. But promise me too that you will never doubt me. I love you Mika. I love you. I love you. I love you. " Sabay hinalikan ko sya sa labi. This time, more intimate. She responded. Kung hindi lang may dumaang sasakyan, hindi ko pa sana sya lulubayan. Naconscious kami pareho. Kaya bigla kami nagtawanan.

"Pwede ba huwag muna tayo umuwi? Tara sa Serendra." Yaya ko sa kanya.

"Ano ka ba? Gabi na. Magkita na lang ulit tayo bukas." Sagot sakin ni Mika.

"Pwede bang dyan na lang ako makitulog sa bahay nyo?! Tabi tayo." Natatawang sabi ko habang nakabackhug ako sa kanya at hawak namin ang kamay ng isat isa. Napaupo ako ng bahagya sa harapan ng kotse ko.

"Gusto mo pang mabuhay? Hahaha!" Tawa nya.

"Ok lang, atleast masaya ako mamatay. Katabi naman kita eh." Pangungulit ko kay Mika.

"Sira. Kung anuano sinasabi mo. Kakaiba ka talaga. Kaya kita love na love eh." Hinigpitan nya ang pagkakahawak sa mga kamay ko.

"Sige na nga, balik na lang ako bukas. Mga 6am andito na ako." Biro ko ulit sa kanya.

"Bat umuwi ka pa? Hahaha! Basta text text na lang. Dito lang naman ako eh. Wala akong lakad." Sabi ni Mika.

"Ok sige, bukas, mag-Run tayo. 6am. Dalhin kita sa Ateneo. You will love it there. Ok. And by the way, I wouldn't take no for an answer." May pagka-bossy kong sambit sa kanya.

"Alright sir. See you teomorrow. Sana lang magising ako." Mika said.

"I am going to be your alarm clock. Dont worry. "

Pagkatapos non, nagpaalam na ulit ako sa kanya. Nakailang paalam na kasi ako. Hahaha! Syempre, hinalikan ko ulit sya sa mga labi. Madaming beses. Mga 15. Hahaha! Bago ako tuluyang umalis.

I am really so happy. Walang pagsidlan ang kaligayahan na nararamdaman ko at that time. Oh boi! Some great things really happen when you least expect it. And Mika just gave me one of the greatest gifts I could ever receive. Girlfriend ko na sya! Yes!!!!!!!

Di ako makatulog kaya nagpost ako sa IG. The photo I posted shows the date, APRIL 13. Wala pang isang minuto naglike agad si Mika. She's still up. Kaya naman tinawagan ko sya.

"Oisst, sleep na. Maaga pa tayo tom." Sabi ko sa kanya.

"Tulog na po ako." Natatawang sabi nya.

"I love you baby ko. From now on, I will no longer call you by your name, I'll call you Babe na lang."

"Ok Babe."

Wow! Napakasarap pakinggan coming from her. Di ko na sya masyado kinulit pa kasi nga maaga kami aalis.

One Last Chance (A MIEFER Story)Where stories live. Discover now