Chapter One

7 1 1
                                    

Hi Guys! Here is the another story update! Sana magustuhan niyo!

Thank you!

--

KASALUKUYAN AKONG inaayusan ng personal make-up artist ko, si Krizhel. Siya na yung naging make-up artist ko simula noong pumasok ako sa mundo ng pagmo-modelo. Kaya naging malapit na din kami sa isa't isa. Hindi ko naman maikakaila na magaling talaga siya pagdating sa ganito mga bagay.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako inaayusan, ay hindi iyon dahil sa trabaho ko. A-attend ako sa nasabing reunion. And yes, nasa Pilipinas na ako kakadating ko pa lang kagabi kaya medyo may jetlag pa ako.

But it's okay, para naman sakanya 'to

"Ang ganda mo talaga Ma'am" Ani ni Kriz habang inaayos ang buhok ko. Kakatapos lang niya ayusin ang make-up ko. I'll go for the more natural look para sa make-up ko. Ayoko kasi ng masyadong makapal na make-up, hindi ako kumportable.

"Syempre ako pa" Sabi ko. Yung gagawin niyang hairstyle sa akin ngayon ay pa-bun tas sa harap ay may maiiwan na nakalawit na dalawang bangs. Bagay iyon daw sa akin dahil bukod sa  maganda ako, ay bagay din yon sa kulay ng aking buhok.

Natawa ang aking artist sa sinagot ko. Sanay na sila sa ganitong ugali ko dahil noon pa man ay mayabang na ako pagdating sa mukha ko.

Tinignan ko ang wall clock ko na nasa  gilid ko lamang,

10:45 a.m

Madami pang oras para makapagbihis ako. Tinignan ko ang dress na pinili sa akin ni Jaz at isinuot. Isa lamang itong long fitted dress. Backless siya sa likod at ipinapakita nito ang aking collarbone. Long sleeves din ito at may slit. May design ito na bulaklak na siya namang nagpadagdag ng pagiging sophisticated nito. May purse din ito na kasama na siyang terno sa damit ko

Nang maisuot ko na ay tinignan ko ang sarili sa salamin,

Shet, ang ganda ko talaga

Wala naman masama kung sabihin ko iyon sa sarili ko, hindi ba? I just want to feel confident that's why I keep on saying it.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagpicture, saka ko na ito i-popost sa Instagram. After a few shots, tinawagan ko na si Peter at Jaz at tinanong kung tapos na ba silang mag-ayos.

"Malapit na konting re-touch na lang" Ang sagot ni Jaz

"Ayos na ako, sunduin na ba kita, Miss?" Sagot ni Peter

"Will you please stop calling me that?" I hissed

"Why? Is there anything wrong on that enderment?" He asked innocently

"You know why" I stated

"Yeah, yeah it's because of that boy- What is his name again?- Andrei! Yeah right!"

"Shut the fuck up!"

He laughed and I ended the call. Minutes later, I heard a knock from the door so I ask my maid to open it and it shows no other than Mr. 'Miss'

"Good afternoon, Miss" he said then laughed

Inirapan ko siya, "Where's my Starbucks?" I ask

"Here, Miss" he said and lend me my cup. I know y'all wondering kung bakit kasama tong lalaking ito sa reuinon. Batchmate namin siya but sa ibang section siya, and that section is Sampaguita, ang pinakaworst sa buong Grade 7 if I'm not mistaken.

Hinintay pa namin ng saglit si Jaz at ng makarating na siya sa condo ko, ang meeting place namin, ay umalis na kami sakay ang BMW x6 ni Peter. Siguro nagtataka kayo kung bakit mayroon ganitong kamahal na kotse itong si Peter, mayaman talaga siya. Nagkataon lang na gusto niya maging independent kaya siya nagtatrabaho. At yung kotse na niya ito ay regalo sakanya ng Lolo niya.

Napagdesisyunan namin na yung kotse na lang niya ang gamitin namin dahil hindi pa kami nakakasakay dito, bagong bili pa lang kasi ito.

Buong biyahe ay puro pang-aasar lang ang ginawa nila sakin. Kesyo kinikilig na daw ba ako? Wag ko daw pigilin, ano daw gagawin ko kung sakaling mag-hi sa akin si Andrei. Like duh? Malamang magh-hi din ako pabalik anong ano gagawin ko? Ano ako pipi?

Haay... Pero at the same time, tama sila kinikilig na ako... Shut up.

Nang makarating na kami sa tapat ng hall ay doon kami kinabahan ni Jaz

Because of the past

Tila natahimik kaming tatlo dito sa loob ng sasakyan..

"What? Aren't we going to move?" Sabi ni Jazmine pero mahalata mong kinakabahan siya base sa
panapanalita niya.

"Eto na eto na" Sabi ko na medyo alanganin

Habang naglalakad papasok sa hall ay hindi na kami magkandaugaga. Kinakabahan kami. Ano na lang ang sasabihin nila kung sakaling makita nila ang isa sa sumira ng grupo?

Fuck that wrong message!

"This is it" sabay na bigkas naming ni Jaz. Habang si Peter ay nauna na sa loob, kami ni Jaz ay nagpaiwan muna

"Ano sasabihin natin?" She ask

"Maybe, 'hi'?"

"Oh fuck! I'm nervous! Hindi ko pa nararanasan ang ganitong kaba! This is the first time!"

"Yeah same" Sabi ko naman. Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa kaba

"What? Come on?" Aya ko sakanya ng makitang nakatunganga pa rin siya

"Kinakabahan ako" tanging sabi niya

"Don't be! Hindi naman siguro sila nagtanim ng galit sa atin?" I asked. Tinitigan lang niya ako, "Maybe?" Dugtong ko sa sinabi ko

We both held a sigh

"Come on! Let's just walk with grace like when we are in a catwalks or Runaways" she cheer me up. Alam niya kung bakit ako nagkakaganito.

Because back when we were teens, we once became a member of a fam...

Naglakad na kami papunta sa hall, at pagkapasok namin ay hindi namin inaasahan na mapatingin sa amin ang mga tao,

Of course, we are famous models kaya malamang sa malamang ay ganito sila makatingin saamin.

Kaagad dumapo ang mga mata ko sakanila, ang D' Folks, my family

They look at us then smile, but I didn't expect their second move, dinumog nila kami, ng yakap.

I can't help but to cry

"Gaga! Bakit kayo umiiyak?! Niyakap na nga namin kayo eh!" Sabi ni Celine, one of my closest friend, isa sa pinagsabihan ko ng sikreto ko, na siyang naging dahilan ng pagkakawasak ng grupo na ito.

"Sorry!" Paulit-ulit kong sabi

"Ayus lang naiintindihan ka namin nagmahal ka lang naman, you don't have to be sorry" Sabi ni Jeanelle

Napangiti ako but I've notice something,

"Nasan ang mga lalake?" Jaz ask. Napansin din pala niya

Sabay sabay silang napangiti ng mapait, "This past ten years ang daming nangyari... to make the story short, tuluyan ng nabuwag ang pamilya" Sabi ni Nicola na ikinagulat ko

No..

Hindi maaari..

Ang pamilya ko..

-

VOTE AND COMMENTS po! Thank you!









Ignored LoveWhere stories live. Discover now