Narinig ko naman ang pag sigaw niya sa sakit na nararamdaman, ngumisi naman ako sakanya pero parang mali ang ginawa kong paglapit sakanya.

Napaatras naman ako habang hawak ang tiyan kong patuloy na lumalabas ang dugo.

"It's not your time Snow, it's not your time to finish me and this, what happen this night is just a warning so be careful okay my dear?" ngumiti naman ito.

Bago ako mawalan ng malay nakarinig pa ako ng isang putok ng baril at mainit na nararamdam ko ngayon sa balikat ko.

Nakita ko pa si Hansel na tumatakas bago ko tuloyang pinikit ang mga mata ko.

JM's POV

Pagkatapos naming pag tulongan ang mga lalaking sumugod dito sa penthouse agad din naman kaming pumasok sa loob ng kwarto ni Misha.

"Misha!" sabay naming sigaw ni Aladdin Ashton dahil sa nakabulagtang Misha habang naliligo sa sariling dugo.

"No No lil sis! fck!" kinarga naman ito ni Aladdin at lumabas ito ng kwarto, sumunod naman akong lumabas.

"What happen!?" Lumapit si Belle saakin pero hindi ko ito masagot dahil sa gulat.

Sana pala hindi ko nalang siya iniwan, edi sana hindi ganon ang mangyari sakanya.

Nagiging walang kwenta talaga ako this past days! kahapon, hindi ko man lang sila natulongan ngayon naman iniwan ko si Misha, hindi na binalikan at mas piniling tulongan ang mga pinsan niya.

Kung kahapon sa binti lang niya ang may dugo ngayon naliligo na siya.

Bumalik naman ako sa kwarto niya at tinitigan ang dugo na andon. hindi naman ganon karaming dugo ang andito pero sapat na yun para malamang mas malala ang nangyari sakanya ngayon kompara sa nangyari sakanya kagabi.

"What the-- Justin! wake up! hoy sagotin mo ko! kay Misha ba yan!?" napatingin naman ako kay Belle, nakasunod na pala silang dalawa ni Alice.

"A-asan yung iba?"

"Anong asan yung iba? okay ka lang ba? hoy!"

"Sila Nethon asan?"

"Tinulongan si Ashton" Alice lalapit na sana ito sa pwesto kung saan namin naabotan si Misha pero pinigilan ko siya.

"Don't touch anything, just call your husband Alice" malumay kong sabi, tumango naman ito at umalis na.

"Kay Misha ba talaga yan? hindi mo pa ako sinasagot"

"Yes it's her blood, I don't know what happen Belle, naabotan nalang namin si Misha na nakahiga diyan" turo ko naman sa dugo.

"Hahanapin ko sino ang may kagagawan nito" bulong ko sa sarili ko, yung kahapong aksidente, hindi ako nakisali pero parang hindi na ata to pwede eh!

"And then what file a case? hindi natin alam anong klaseng tao ang sumugod this time"

Kanina buong mag damag si Mishang natutulog at buong mag damag din akong nag bantay sakanya, pinalitan lang ako ng kapatid niya dahil sinabi saaking pwede na akong madischarge tapos non agad din naman akong bumalik dito.

Ang gulo ng pangyayari ngayon, wala akong maintindihan, sana pala hindi nalang kami umalis ng Mati siguro hanggang ngayon sinusungitan padin ako ni Misha at iniiwasan dahil sa nangyari saamin.

Umalis naman kami sa kwartong yun at bumaba kami kung saan dinala si Misha.

"Buti nalang walang nadamay na ibang pasyente" napatingin naman ako kay Zyryl.

"Ibig mong sabihin sila lang ang pinaulanan ng bala?"

"Ganon na nga kahit isang gasgas sa mga pasyenteng nasa baba nitong hospital wala talaga, yung penthouse lang talaga."

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now