Project 15 (NaCheol)

73 8 1
                                    


Mingyu's POV

"Haaaay.." Napatingin ako sa kasama ko dahil sa lakas ng buntong hininga niya.

"Baho ah." biro ko dito.

"Oy! Nagtut bras kaya ako." hindi pa rin talaga ako makapaniwalang kakambal to ni Tzuyu. Ang layo ng ugali sa isa't isa.

"Maka oy naman to. Mas matanda ako say epwayay."

Naputol ang usapan namin ng makita ko sina Cheol hyung at Nayeon sa sala. Oh san na si Jihoon hyung?

"Lah, ang lakas ng iyak ni noona." Hinila ko siya agad papuntang kusina para dalhin yung pinagkainan ni Tzuyu. At para na rin hindi kami makaistorbo. Baka mamaya masinghalan pa kami nung dalawang nagdadrama sa sala. Imbis na sa isa lang kami magkaatraso magiging tatlo pa.

Siyet nacurious ako bigla. Ano kayang pinaguusapan nila?

(earlier that day)
Nayeon's POV

Hindi ako comportable. Hindi talaga. Kahit pa sabihin nyong ang layo nya naman sakin. Never pa rin akong magiging comportable.

Hays

"Jihoon pakitanong sa kanya kung asan na yung guide na binigay ni sir."

"Naka ipit sa libro na nasa center table kamo, Ji." kinuha ko naman ang libro na sinasabi niya saka ito binuklat.

"Ji pakisabi sa kanya, wala dito."

"Sabihin mo nga Ji maghanap ng maayos, di puro bunganga." ok, triggered ako dun punyeta.

"Ji sabihin mo kahit pag balik baliktarin ko tong libro niya wala ditong nakaipit na guide."

"Jihoon, ikaw nga maghanap."

"Ji, pakisabi sya mismo maghanap hindi yung nanguutos siya sayo."

"Kuhanin mo yung libro Jihoon baka di ako makapagtimpi-"

Natahimik kaming dalawa ng biglang pabagsak na binaba ni Jihoon ang notebook niya sa lamesa.

"Kanina pa kayong dalawa, mula bolpen! Papel! Lahat lahat na lang?! Ano bang akala nyo sakin messenger?! Mail man?! Taga hatid ng mensahe nyo sa isa't isa?! Bala kayo dyan! Kayo magusap!" Sigaw niya saka kinuha ulit ang notebook at laptop niya bago tumayo at dumiretso sa garden kung saan kita ko sina Dahyun at Vernon na todo lamon sa Kubo doon.

Hindi man lang ako nakaimik sa outburst ng bubwit na yon.

"Tss, mga babae nga naman puro na lang bunganga pinapairal." napatingin ako sa kanya ng masama.

Nakatutok lang ang mukha niya sa screen ng laptop habang may tinatype doon. Well punyeta mejj natrigger ako sa sinabi niya.

"Mga lalaki nga naman puro parinig hindi naman kayang sabihin ng harap harapan." Saad ko para inisin rin siya.

Pero wrong move ata.

"So gusto mong kausapin kita ng harap harapan?! Sige magiging honest ako sayo Ms. Im." wow ha, sakanya pa talaga galing yung honest?!

"Wow kelan ka pa naging hone-"

"Mahal pa rin kita."

Natahimik ako. Nagulat, pero unti unting lumabas yung hapdi na matagal ko ng kinimkim sa puso ko.

"Gaguhan? Magiging honest daw pero eto na naman sya't nagsisinungaling." Binalik ko ang tingin ko sa ginagawa para mawala ang focus ko sa kanya at para hindi nya makita na naluluha ako.

DisasterWhere stories live. Discover now