????
January 02, 2019 / Wednesday
8:00 pm
Beijing, China
It's official
You know that I'm missing you
Yeah yes
All I hear is raindrops
And I'm officially missing you..
She strummed for the last time and gave the audience her sweetest smile.
Agad namang nagpalakpakan ang mga manonood.
"Wǒmen ài nǐ Cindy!"
"Jià gěi wǒ"
"Encore!"
Napuno ang auditorium ng hiyawan at palakpakan sa galing ng dalaga.
"Thank you all for coming tonight. Being able to perform here is really life-changing and I hope you keep on supporting me. Wǒ ài nǐmen!"
Napatunganga ako sa kanyang ganda. Kumaway-kaway pa siya sa mga tao at saka na bumalik sa likod ng stage.
Napaka ganda talaga nitong leading lady natin! At syempre hindi kompleto ang storya kung walang leading man.
_____
January 04, 2019 / Saturday
11:00 am
Philippines
"Hindi mama-matay tao ang ama ko!" Sigaw ng binata sa matanda. Biglang tumulo ang luha sa kanyang kanang mata.
"May matatag ka bang ebidensya?" Napataas lang ang kilay ng matandang babae.
Biglang tumayo ang binata at tinadyakan ang lamesa na nasa kanyang harapan. Hindi parin natinag ang ginang at patuloy lang humigop ng kape.
Biglang may pumasok sa kwarto. "May pro- Is there a problem here!?"
Biglang nagtawanan ang mga tao sa paligid. "Cut!" Sigaw nitong lalake sa harapan ko- direktor ata. Biglang namatay ang mga ilaw na nakatutok sa kanila.
"Lunch muna tayo, mukang gutom na to' si sir Chard." Natatawa niyang banggit.
Tumayo ang binata at nakipag beso sa kanina lang niya kaaway. "Hindi nga sila nagkalamali- you are an amazing actor!" Sambit ng matanda.
"Hindi naman po" Naiilang na sabi ng binata.
"Pa-humble pa to'" Natatawang sagot ng ginang.
"Sir Casper, andito na po yung lunch niyo." Sabi ng kakasulpot lang na babae.
Nagpaalam muna siya sa matanda at sumama na sa babae.
"Ang gwapo niya talaga!"
"Nako! Plus points lang ang looks niya. Ang ugali niya talaga ang nakaka-attract sa kanya."
"Kainis to siya, tumataas ang standards ko dahil sa mga nilalang katulad niya!"
Nakinig lang ako sa mga nagchichismisan dito- mga staffs yata.
"Ang gaan niya talagang katrabaho." Sambit nung matanda.
"I know right- di tulad ng mga bago ngayong artista. Anyways, prinepare ko na po yung lunch niyo..."
Nagusap pa sila pero hindi na ako nakinig.
Oh alam kong hinuhusgahan na ninyo ako. Hindi ako chismoso ah! Kinikilala ko lang naman ang mga tauhan sa istoryang ito.
Third Person
Pagkapasok ni Cindy sa backstage, agad siyang sinalubong ng kanyang manager.
"Cindy! Ang galing mo talaga!"
"Ano ka ba, hindi ka pa nasanay" Biro naman ng dalaga at saka sila nagtawanan.
"Ah, may dumating na lalaki dito kanina na nagtratrabaho daw galing sa AJK media- may offer ka ata."
Uminom muna ang dalaga at saka umupo.
"Binasa mo na?" Umiling ang kanyang manager at inabot yung folder.
Napataas ang kilay ng dalaga sa kanyang nabasa. "Reality show? 'We are married'?" "Ano to?" Naguguluhan niyang sambit.
"Hindi ko din alam. Tinanggap ko pa rin siya kahit may pagdududa ako sa pinagsasabi nung lalakeng iyon, kasi mukang legit naman... and tingnan mo ang makaka-pares mo sa show na iyan." Excited niyang tugon.
Pinakli naman ng dalaga ang papel kung saan nakita ang pangalan ng lalakeng kanyang makakapares.
"Casper Mendoza" Natahimik siya kanyang nabasang pangalan- lalo na't may pirma na itong nakasulat.
"Oh diba! Si-, at saka may signature na. I have a good feeling about this." Saad ng kanyang manager.
"I don't have a good feeling about this" - bulong ni Cindy sa sarili.
_______
Author's corner
If you have reached this page, thank you! Thank you for that 5-10 minutes of reading. I really appreciate it, and I hope you keep on supporting until the last words of this story.
I would like to dedicate this to ate shirlengtearjerky , who wrote TSIB. And up to this day, it is still one of the best story here in WP.
I would like to remind everyone that this is fictional. Everything written in here came from my imagination. Kaya, please take it easy on me.
ESTÁS LEYENDO
Behind the Scenes
RomanceCindy Montallana is already at the top of her game. A well-known musician who gained the respect of the industry. But all of the sudden Casper Mendoza entered the picture- an actor who grabbed the hearts of many. What if their fates collide? With an...
