Kabataan 1

3 0 0
                                    

"Ok na, Anak?" Tanong ko

"Ready na, Ma!" Sigaw ni Daniel

Pinuntahan niya ko sa bahay ng sobrang aga para sa gusto kong 'to. Mga alas dos ng madaling araw. Kasi daw hindi pa gising don sila Angela at Carlo.

Sisimulan ko na. . .

Pilipinas-1963

"Ayaw mo mag- kolerete(makeup)
sa mukha? Ang daming mga lalaki 'don. Nandon si Leo!" sabi ni Bernadette.

"Sino ba iyang Leo-ng 'yan? Bakit ang daming nagkaka-gusto di'yan?" Sabi 'ko.

Halos lahat ng babae sa paaralan namin akit na akit dyan. 'Di ko pa nga 'yan nakikita.

"Ano ka ba! Baka ika'y mahimatay pa siya'y umawit."

Sa totoo lang, gusto ko sa mga lalaking mang- aawit. Ngunit, hindi siya.

"Wala ka bang nagugustuhan?" tanong niya sa'kin.

"Meron" si Hakiro, kapatid mo.

"Sino!? Meron ka ring palang mga ganyan? Kala ko, wala ka. Biro mo naman kase-"

"Paumanhin, Bernadette. Wala, talaga." Sabi ko.

"Sayang! O sige, lika na. Wala ka talagang balak mag- kolerete sa mukha. Naghihintay na yung kutsero" sabi niya.

Bumaba na kami sa hagdanan ng kanilang bahay. Sumakay na kami ni Bernadette sa kalesa.

Oo nga pala, pupunta kami sa
JS Prom. (Junior and Senior Prom.)

Naka- bolga(bistidang malobo) akong kulay rosas (pink). Na may disenyong rosas sa tagi- liran. Simple lang ito, wala pa akong kolerete sa mukha. Ang pangit nga daw tignan sabi ni Bernadette.

Si Bernadette naman naka-bolga din. Nakulay rosas din. Pero ibang disenyo mas maganda yung sa kanya. Ang daming rosas. Dahil daw kung gwapo na si Leo sa simple lang, mas gwapo pa daw ito kung naka-ayos kaya magpapaganda siya.

"Ayaw mo, talagang mag-kolerete sa mukha?" Tanong sa'kin ni Bernadette na kanina pa may nilalagay sa labi na kulay pula, sobrang pula na nga eh.

"Ayo'ko talaga."

"Malapit na tayo!" Sigaw niya.

Maya-maya nga ay nasa tapat na kami ng paaralan. Ang daming nakalagay sa gate na mga lobo. Kulay rosas at bughaw (blue)

"Lika na, Maria"

Bumaba na kami sa kalesa. Pagpasok namin sa paaralan, sobrang ganda. May mga bolang may iba't ibang kulay na ilaw (disco ball) .

Umupo kami sa upuan, habang si Bernadette ay sinasabayan ang kanta, ako naman nakaupo lang at may pinagmamasdan. Hindi ko talaga gusto ang suot ko, kita yung balikat.

Biglang may lumapit kay Bernadette, isang lalaki. Si Hakiro.

"Ang kapal ng kulay pula d'yan sa labi mo, Bernadette. Sino yang kasama mong binibini?" tanong niya at napatingin sa'kin.

"Ah Maria, si Kuya Hakiro. Kuya Hakiro si Maria. Hindi mo siya kilala kuya?" Tanong ni Bernadette kay Hakiro.

"Lagi ko siyang nakikita na kasama mo, pero di ko siya kilala." Sabe niya

Grabe 'to si Hakiro.

"Oh kilala mo na siya, yayain mo naman kuya" sabi ni Bernadette kay Hakiro.

Ako daw ba?

"Kung ako, 'di ako marunong sumayaw. Paumanhin" sabi ko.

"Pwede ba? Binibining Maria?" Tanong niya

"H-Hindi. ." Ano ba? Tatanggi ba 'ko? Gusto ko yan "Paumanhin talaga, wala akong alam sa pagsasayaw"

Diba? Kesa naman mapahiya ako.

"Paumanhin, pwede bang pumuntang palikuran?" Tanong ko

"Sige"

"Ge, ingat Maria"

Nagsimula na 'kong maglakad. Saan ba ang palikuran? Hindi naman kasi ako gala eh. Baka meron sa mga silid-aralan, baka may bukas.

Umakyat ako ng hagdan, may narinig akong nagsasalita. Baka may multo? Gabi pa naman. Wala yan, tinatakot ko lang yung sarili ko.

Pinagpatuloy ako hanggang palapit ng palapit yung mga nagsasalita.

At nakita ko ang bukas na pinto, kaya agad akong pumasok. Wala namang tao. Hinanap ko ang palikuran at nakita ko agad ito.

Umihi na ko at agad natapos. Nong pababa na ko biglang may humigit sa'kin.

Pinipilit 'kong magsalita, pero walang lumalabas kase nakalagay ang kamay niya sa bibig ko. Pa'no na to?

"Napaka-simple mo naman, ang kurba sana ng katawan mo kahit naka-bolga ka halata naman hahaha, ang swerte natin" sabi nong isa dahil dalawa sila.

"Teka lang, may tumatawag." Lumayo yung isa.

Maya- maya biglang may sumigaw.

"Karlos! Lumapit ka dito! Mahalaga to!" Narinig kong may sumigaw at pumunta agad yung lalaki.

Kailangan ko nang simigaw.

"T-"

"Shh, don't shout. Le'mme take your hand. Don't worry, I'm a good person." Sabi no'ng lalaking nasa tabi ko na pala.

Dahil sa taranta, inabot ko na yung kamay niya dahil parang inaabot niya ito.

Tumakbo kami hanggang matanaw ko na yung ilaw. Nandito na kami.

"S-Salamat" utal- utal kong sabi.

"I don't understand you, you can say thankyou"

Ano bang english ng salamat? Diba thankyou? Oh mali ako?

"T-Thankyou" sinabi ko na lang. Nakakahiya.

"Welcome, bye" at nagsimula na siyang maglakad papuntang mga kaibigan niya yata. At ako pumunta ako kay Bernadette. At nandon pa 'din si Hakiro.

"Bakit ang tagal mo? Anong nangyari? Nagulo na yang ayos ng buhok mo?" Tanong niya.

"Mahabang kwento, Bernadette." Sabi ko

"Bakit ka nakatulala, kuya?" Tanong ni Bernadette kay Hakiro.

"Wala, aalis na ko binibining Maria. Alis na ko Bernadette"

Umalis na nga si Hakiro.

"Ano ngang nangyari?" Tanong bigla ni Bernadette

Kinwento ko agad, kahit medyo mahaba para sa'kin. Kahit yung Englisherong nagliagtas sa'kin. Pero bigla siyang, t-tumili ba
y-yon?

"Nako! Yung nagligtas sayo!

-
A l l e t e s e s


"Leofieo Morteza"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mrs. GrannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon