Prologue

3 0 0
                                    

"No, mamatay na lang si Mama. Pagbibigyan nyo pa?" Narinig kong sabi ng Anak kong si Angela

"Ayon na lang yung gustong gawin ni Mama bago siya mamatay. Yun yung hiling niya. Mga anak ba talaga kayo? Ate Angela?" Sabi naman ng anak kong si Daniel

"Sorry, Daniel. Mas gusto ko yung opinyon ni Ate. Pag-gagastusan pa 'yon. Mapupunta sa wala ang pera" narinig ko ring sabi ni Carlo

"Let me tell you this, Daniel. Wala ka nga dito noong namatay si Papa" sabe ni Angela, at umalis na. Mabuti at sa kabilang daan siya dumaan, kung dito sa pintong pinagsisilipan ko. Huli ako.

"Sorry, Daniel. Mama's boy ka. Kami ni Ate, hindi." At sinundan na ni Carlo si Angela.

Maya-maya nakita kong umiyak si Daniel. Lumapit ako, at hinimas ang likod niya.

"Ma? N-Narinig nyo po?" Kinakabahang tanong ni Daniel. Habang pinupunasan yung luha niya.

Umupo muna ako ng maayos at tsaka nagsalita.

"Hayaan mo sila. Dalawa sila, anak. Isa ka lang. Ok lang, sakin." Sabi ko

"No, Ma. Gagawa tayong paraan. Yun na lang yung gusto mo, Ma eh." At nagsimula na siyang umiyak.

"Anak, ok lang. 'Wag kang magalala di magagalit si Mama." Sabi ko at ngumiti.

"Gagawa tayo ng paraan." Sabi niya "Sige po, bukas Ma. 'Wag kang lalabas ng kwarto. Hanggang hindi pa po ako pumupunta."

"Inutusan pa ako ah? Hahaha. Sige na, alis ka na. Baka hinahanap ka na ng nobya mo." Sabi ko.

"Hatid na po kita sa kwarto niyo"

Hinatid nga ako ni Daniel sa kwarto.

"Sige na umalis ka na, Anak." Sabi ko ng makarating na kami.

"Si Mama, lagi akong pinapaalis. Biro lang, Ma. Bye, Ma." Ku-miss sa'kin si Daniel.

"Ingat"

Unti- unti akong naglakad. At napansin ko ang mga litrato sa tabi ng aking hingaan.

Allia Angela Morteza- Hernandez a beautiful girl. Ang aking panganay na anak. Napaka- bait niyan. Modelo dati 'yan kaso tumatanda na kaya tumigil na.

Carlos Olniel Monteza pangalawa. Napakapabit din niyan. Kaso may pagka- pilyo. Lagi niya dating pinagtatanggol si Daniel, sa mga kalaro nito. Nakatapos ito ng Engineering

Daniel Kelle Morteza napaka- gwapo kong anak. Bunso, sa lahat siya ang pinaka- mabait, para saken. Wala siyang pinapanigan, pinapaliwanag niya ng maayos. Mama's boy daw. Natapos ito ng
Guro

At syempre, ang pinaka- mamahal kong asawa.

Leofeio Morteza napaka- gwapo kong asawa. Haha, nakakatawa lang isipin na parang kaylan lang kasama ko siyang natingin ng mga litrato, ngayon isa na siya dito.

Unti- unti ng tumulo ang luha ko, pero pinunasan ko agad ito. Baka sabihin ni Leo ang hina ko.

"Maaa! Nasan si Daniel? Umalis na?" Tanong sa'kin ni Angela.

"Oo, anak eh."

"Bakit hindi sa'kin nagpaalam? Lintek talaga na Daniel 'yan!" Sigaw niya at umalis na sa silid ko.

"Nakikita mo Leofieo? Haha, hayaan mo na sila may sarili na siyang buhay. May mga anak na nga eh" 

-
A l l e t e s

"Le'mme take your hand"

Mrs. GrannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon