Chapter 30: Love Team

Start from the beginning
                                    

"Sure, sandali lang." Dali dali akong naglakad palabas ng room at nakabukas na ang kuwarto nina Erin ng makarating ako.

"Thank you ha? Kanina pa yan tulog, kaya ikaw na ang bahala."

"Okay lang, magpapahinga din kasi ako."

"O edi much better. Tabihan mo na siya. Sige aalis na kami."

Nagmadaking lumabas si Erin, wala na si Lexa at baka hinihintay si Erin sa first floor. Mahimbing na natutulog si Kai sa kama, napansin kong nasa bag pa ang mga damit niya kaya sinubukan kong ilipat iyon sa cabinet. Isang linggo kasi kami kaya madami dami din ang dala namin.

.
.
.
.
.

Ela's POV

"Ano napapunta mo si Jane sa kuwarto niyo?"

"Oo naman."

Kahit nagbubulungan lang sina Erin at Rea ay pakinig ko ang pinag uusapan nila. Kanina pa ako napapraning kakakinig sa dalawang ito. At kanina pa din ako nag iimahinasyon sa mga pwedeng mangyari.

.
.
.
.

Kanina pa sila bulungan ng bulungan about kay Jane at Kai. Kaya napapaisip tuloy ako ng mga bagay na hindi maganda.

"Botong boto talaga ako sa dalawang iyon, parehong magaganda at sexy."

"Oo nga, tsaka bagay na bagay sila."

"Oh mga bakla, sino na naman ang pinag uusapan ninyo?" Nakasalubong namin si Jethro at si Lyn. Kasama kasi ni Miss Hikari ang photographer namin.

"Sino pa? Edi ang favorite love team natin."

"Yieeeee! Talaga?"

"Girls icheka niyo naman. Naku inaabangan din ni Miss Hikari ang scene na yan." Lumapit ako ng kaunti sa kanila para mas marinig ang pinag uusapan nila.

"Shenitch na model ay kasama ang isang model na hot sa isang kuwarto ngayon."

"Yieeee! No way!"

"Yes way kasi ako ang nagplano na bantayan ni ate girl na model si ate girl na bagsak at pagod."

"Teka bakit nga pala pagod si Kai, e hindi nga siya uminom noong isang araw tapos absent pa."

"Ang alam ko, nag sleep over sa condo unit ni ate girl na model."

"Di nga?"

"True girl, huwag ng magtanong. Kilala naman natin si ate girl na model nakaka attract kaya siguro ang ate girl na isa sinunggaban na."

"Kaya siguro hindi nakapasok sa station ang dalawa."

"Teka di pa nga tayo sure kung nagclick na sila."

"Oo nga nu. Mas straight pa kasi ang ateng mo sa buhok mo. Hahahaha."

"Oo nga nu?"

"Pero bagay talaga sila."

"Oo girl kaya kung magkakaroon ng love team, sila ang iboboto ko." Hindi ako makapag isip ng ayos sa mga pinag uusapan ng apat.

"Ela!" Napatayo ako ng tuwid at tumingin kay Lexa na kanina pa napili ng stuff toy.

"Alin ang mas maganda?" Tanong ni Lexa. Pumili agad ako, kasi naputol na ang pakikinig ko sa apat.

"Naku! Talagang ichecheka ko ito kay Miss Hikari." Sambit ni Jethro.

"Ahm Rea, ano ba yung pinag uusapan niyo?"

"Ah wala yung favorite love team kasi namin magkasama ngayon."

"Huh? Sino naman?" Taka kong tanong.

"Secret. Mamaya magpakwento ka kay Erin, updated yun e."

"Kilala ko ba?" Pahabol kong tanong kasi naglakad na sina Jethro namimili ng bag at souvenir.

"Oo kilala mo. Tsaka nakakakilig sila."

Hindi ko alam ang iisipin sa mga sandaling iyon kaya napa isip na ako ng kung ano ano.

"Erin saglit lang ha."

"Teka saan ka pupunta?" Napatigil ako ng magtanong si Erin, pareho silang nakatingin sa akin. Si Lexa naman abala sa pagpili ng mga damit kaya di ako makapag isip ng palusot.

"Gagamit lang ako ng banyo." Sabay hawak ko sa tiyan, kunwari naiihi pero ang totoo gusto kong bumalik sa hotel. Teka bakit ko naman iisipin ang bagay na iyon, e alam naman ni Kai na sa akin lang si Jane. Tsaka hindi papatol si Kai sa kanya, mas straight pa nga yun sa buhok ni Jane e.

"Sige hintayin ka namin dito."

Tumungo ako sa banyo, nag iisip sa mga pinag uusapan nina Erin at Rea. Ano ba Ela? Hindi ka tatraydurin ng kaibigan mo. Tsaka hello, si Kai papatol sa babaeng iyon. Mamumuti muna ang pakpak bago mangyari iyon.

Hindi ako mapakali, kaya tinawagan ko si Kai.

Ringgggg
Ringgggg
Ringgggg
Ringgggg

Bakit walang sumasagot?

Sinubukan ko ulit tawagan si Kai.

Ringgggg
Ringgggg
Ringgggg
Ringgggg

"Hello."

"Kai!"

"This is Jane, tulog pa si Kai."

"Ahm sorry, nandiyan ka ba sa room nila?"

"Oo, hinabilin ni Erin sa akin kasi kanina pa malalim ang tulog ni Kai.

Hayy naku bakit kasi tulog mantika si Kai? Ano bang ginawa ng babaeng iyon at tulog ng tulog kanina pa siya sa eroplano.

"Ah sige, tawagan mo ako kapag gising na siya ha?"

"Sige sige."

Ibinaba ko na ang cellphone ko, at tulalang napatingin sa number ni Kai. Sana naman hindi si Kai at Jane ang tinutukoy ng apat kanina.

Hindi nga kasi si Kai straight and remember her ex is still here in Philippines.

Hay mababaliw ako, kakaisip sa dalawang iyon.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now