CHAPTER 10

1.5K 33 0
                                    


Nakahalukipkip si Chrisma sa gitna ng dining room nang pumasok roon si Wayne matapos ihatid sa sasakyan nito ang Ate Talia niya na bigla na lang dumating kanina habang naghahapunan sila. Ang pakay raw nito ay si Wayne. At kay Wayne lang nito gustong sabihin ang kung anumang gusto nitong sabihin. Kaya naman sa garden nag-usap ang mga ito.

"Where's Rachel and Matt?" nagtatakang bungad tanong ni Wayne.

Tila ni hindi nito napansin na lampas na ng oras ng pagtulog ng mga bata. Sa tagal ng pag-uusap nito at ng ate niya, napaliguan at nabasahan na niya ng kwento sina Matt at Rachel, hindi pa rin bumabalik sa loob ng bahay si Wayne. Isa pa naman na sa nightly rituals nila iyon. Bago umalis para umuwi sa sariling bahay nito si Wayne ay hihintayin muna nitong makatulog ang mga bata. Dismayadong-dismayado tuloy sina Matt at Rachel kanina dahil wala pa rin ang tiyuhin ng mga ito hanggang sa makatulog na ang mga ito.

"Hindi na talaga ako natutuwa sa iyo, Wayne! Punong-puno na ang salop! Kahit ilang beses mo pang kalusin! Umaapaw pa rin ang ngitngit, inis at pagkapikon ko sa iyo!" sa halip sagutin ito ay mariing pahayag niya.

"What?!" nagtatakang sambit nito.

"Ano? Hindi mo ma-gets?! Filipino ka naman at purong Tagalog naman iyong sinabi ko, hindi ba?! Sino sa atin ngayon ang boploks, ang bobo, ang slow?!"

Biglang nanlaki ang mga mata ni Wayne. At bumakas ang realisasyon sa anyo nito. Kasunod niyon ay ang pamumula ng mga pisngi nito dala marahil ng pagkapahiya at pagsisisi sa kaalamang narinig niya ang mga sinabi kanina ni Ate Talia tungkol sa kanya. Oo, palihim siyang nakinig sa usapan ng mga ito mula sa bintana na pinakamalapit sa garden. Pero ang naabutan niya ay patapos nang usapan ng dalawa. Hindi na bago sa kanya na maliitin at insultuhin ni Ate Talia kaya balewala na lang sa kanya iyon. Pero iba ngayong kay Wayne nito sinasabi ang lahat ng sa palagay ng ate niya ay mga kahinaan at kapintasan niya.

At dahil may hero complex si Wayne, malinaw na iniisip ng lalaki na masama ang loob niya dahil hindi man lang nito tinangkang kontrahin ang mga patutsada ng ate niya. Ni isang kataga, hindi man lang nito kinontra ang mga pahayag ng ate niya.

Humakbang palapit sa kanya si Wayne at hinawakan siya sa mga braso. Seryoso ang anyo nito. Tila handang umapela sa Supreme Court kung hindi niya pakikinggan ang sasabihin nito.

"Chrisma, you know I don't believe anything your spiteful sister said about you---"

"Shaddup! Ayokong marinig ang mga paliwanag mo! Umalis ka na sa aking harapan! Nasasaktan ako, oh baby! Naninibugho ako, baby! Kahit na sa luha, pagbabayaran mo!" eksaherado ang mga ekspresyon niya para maikubli ang ngiti niya.

Pero matalino ang lalaki. Agad nitong nakuha na linya sa kanta ng Aegis ang mga sinabi niya at nagbibiro lang siya. Hati sa pagitan ng pagka-aliw at pagkayamot ang ekspresyon nito nang kabigin siya paloob sa mga bisig nito. Mariing ikiniskis nito ang pisngi sa tuktok ng ulo niya habang mahigpit na niyayakap siya.

"God, Chrisma! Can't we even argue like normal people do?! Kailangan ba talagang mga linya sa kanta ang palaging gamitin mo? Ang hirap mong kausap!"

"Ginagaya ko lang si Lucibelle. Pantanggal bad vibes para hindi matuloy sa patayan ang away natin."

Iiling-iling na napabuga ito ng hangin. Magaang na hinagkan ang noo niya saka niluwagan ang mga bisig na nakapalibot sa kanya. Pagkuwan ay sinalubong nito ang tingin niya.

"Does that mean you're not mad at me for not defending you to your sister?"

"Depende sa magiging paliwanag mo ngayon," pakipot na tugon niya. Dahil may hinala na siya kung bakit hindi nito ginawa iyon.

"Alam ko naman kasing ni katiting walang katotohanan lahat ng mga sinabi niya. At magbibingi-bingihan lang siya sa mga sasabihin ko tungkol sa iyo. She doesn't really know you and what she does know about you, she resents and envies. But that says a lot about her character, not about yours. Kaya bakit pa ako mag-aaksaya ng oras na pahabain ang usapan namin?" tugon ni Wayne. "Kung hindi mo lang siya kapatid, kanina ko pa siya pinaalis. And I'm sorry to say this but I think it's partly my fault why she was here."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

Bahagyang napangiwi si Wayne. Iginiya siya nito sa isa sa mga silya sa dining table at pinaupo. Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Bakit kailangan pa nitong paupuin siya? Ganoon ba kabigat ang sasabihin nito kaya gusto nitong tiyaking hindi siya mabubuwal sa labis na kabiglaan?

At nang paluhod itong pumwesto sa harapan niya saka mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya ay muntik na siyang mapatayo sa gulat at kaba.

"Wayne!"

"Please, just listen to me first. And believe me, I never wanted to hurt you. Pero nang pag-isipan kong gawin ang planong ito, lito pa ako dahil sa pagkawala nila Xander at Michelle."

"Diretsahin mo na nga lang, Wayne!"

"Alright. Pinuntahan at kinausap ni Mama si Talia, Chrisma. Gusto kasi niyang malaman mula kay Talia kung ano-ano ang mga kasiraan mo na pupwedeng gamitin ng abogado namin para pumanig sa amin ang judge sa custody case na ipa-file namin sa iyo. But this was before we were together, Chrisma. Believe me. Matagal ko nang kinalimutan ang planong iyon.

"Nangyari lahat ng iyon bago pa tayo nagkasundo.Napag-usapan namin ni Mama noon na kunin ang mga bata para palakihin nang malayo sa iyo. But that was before I spent time with you and the kids, Chrisma. Wala na akong plano pang ilayo sila sa iyo. Pupwede tayong magpatuloy sa ganitong sistema. Pero umaasa ako na balang-araw, papayag kang tumira na rin ako dito kasama ninyo ng mga bata. O kung hindi man dito, sa bahay ko o sa bahay na bibilhin natin para sa pamilya natin," mahaba at tila natatarantang masabi lahat ng nais nitong sabihin na pahayag ni Wayne.

Walang maapuhap sabihin si Chrisma. Hindi niya inaasahan ang mga natuklasan. Ni minsan hindi niya inisip na makakaya ni Wayne na pagplanuhan siya ng ganoon. Pilit niyang binawi ang mga kamay mula sa lalaki. Pero ayaw iyong pakawalan ni Wayne. Hindi pa nakuntento, ipinalibot nito ang isang braso sa baywang niya at inilapit ang mukha sa kanya.

"Sampalin mo ako kung galit ka. Suntukin mo pa ako kung gusto mo. Chrisma, maniwala ka, matagal nang nabura sa isip ko ang tungkol sa pag-uusap namin ni Mama. At alam na rin niya iyon. Nasabi ko na sa kanya iyon. Pero hindi niya ako pinaniwalaan kaya kinausap pa rin niya si Talia tungkol sa iyo. But believe me; I will fight on your side if she ever decides to take this to court. Just think about it first, wil you? Wala na akong rason para patuloy na magpanggap kung nagpapanggap nga lang ako. Alam mo na ang totoo."

Bumunot ng malalim na paghinga si Chrisma. Pero parang hindi pa rin sapat iyon. Sinalubong niya ang tingin ni Wayne at sa nakikiusap na tono ay hiniling dito na pakawalan siya nito.

"Give me room and time to think about all these, Wayne. Please?"

"Chrisma---"

"Please, Wayne?"

"Gaano katagal? Isang oras? Okay---"

"No, umuwi ka na. Gabi na. Bukas na tayo mag-usap. Pupuntahan kita sa opisina mo pagkahatid ko sa mga bata sa school nila."

"Bakit hindi pa tayo ngayon mag-usap? Dito ako matutulog---"

"No, Wayne. Umuwi ka na. Gusto ko munang mag-isip."

"Chrisma," tila nanlulumong sambit ni Wayne. Humigpit ang mga braso nitong nakayakap sa baywang niya at sumubsob ang mukha sa kandungan niya. Mistula itong batang umuungot na patawarin ng ina sa naggawang kasalanan. Maya-maya ay tumayo ito at halatang napipilitan lang na nagpaalam sa kanya.

(COMPLETE)SILVER BELLES 1- CHRISMA IN OUR HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon