CHAPTER 9

1.5K 28 0
                                    



"Chrisma! Bilisan mo na! Mata-traffic tayo." Mula sa sala ay tawag ni Wayne sa dalagang nagbibihis pa rin.

Ipapasyal nila ang mga bata sa zoo at park. Kanina pa handa sina Wayne, Matt at Rachel. Pero as usual, hindi pa rin tapos sa pag-aayos si Chrisma. It's been a couple of days since the night they shared that passionate and mind-numbing kiss. Akala niya pagkatapos niyon ay uuriratin siya ni Chrisma kung bakit niya ito hinalikan. Pero sa halip ay simpleng good night lang ang sinabi nito nang sa wakas ay pakawalan niya ang mga labi nito. Pagkatapos niyon ay bumalik na ito sa silid nito na para bang walang nangyari. Habang siya ay magdamag na hindi pinatulog ng halik na iyon.

Kinabukasan ay balik sa dati ang interaksyon nila ng dalaga. Panay pa rin ang pagbibiro at panunukso nito sa kanya tungkol sa diumano ay paniligaw nito sa kanya. Pero sa pagkakataong iyon, tila kasabwat na rin nito sina Matt at Rachel. And now he was more confused than ever because that night, bago dumating sa kusina si Chrisma ay nakapagpasya na siya. Hindi siya papayag na wala sa poder niya ang mga pamangkin. Kung kinakailangang lumipat siya sa bahay nina Xander para hindi na mahirapang mag-adjust sa bahay niya ang mga bata, gagawin niya. Pero ang problema, ano'ng gagawin niya kay Chrisma? They couldn't live under one roof. That was just borrowing trouble he didn't need at this point in his life.

Pinag-iisipan niya kung anong argumento ang pwede niyang gamitin laban kay Chrisma para kusa nitong isuko sa kanya ang kustodiya sa mga bata nang pumasok ito sa kusina. Then the kiss happened. And now, he was very tempted to ask her again about that marriage of convenience he'd once mentioned in passing. But would it be fair to her? At ang mas mahalagang tanong, papayag ba ito kahit na aaminin niya ritong bagamat gusto niya ito, hindi naman niya ito maaaring mahalin?

"Chrisma, the kids are---" nabitin ang anumang sasabihin ni Wayne at napamaang na lang pagkalabas ng silid ni Chrisma.

*******

Chrisma secretly smiled when she saw Wayne's awestruck expression when he saw her.

"Relax, hindi tayo tatakasan ng zoo at park, okay?!" kunway di pansin ang reaksyon ni Wayne sa hitsura niyang nagdire-diretso sa front door si Chrisma. Kinindatan niya ang mga pamangkin na atat na atat nang kanina pa nakatayo roon.

"Chrisma, you're gorgeous!" buong paghangang sambit ni Wayne nang sumunod sa kanya.

Tila hindi pa rin makapaniwalang hinagod siya muli nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Para bang ngayon lang siya nito nakitang nakasuot ng dress. Well, actually, ngayon nga lang dahil kadalasan ay shorts, tank tops or fitted shirts ang suot niya since iyon ang paborito niyang outfit.

Pero nang makita niya ang dress na ito noong isang araw nang mag-shopping sila ni Rachel ng mga bagong damit nito, naisip niyang babagay sa kanya ang pale pink na dress na ang hemline ay above the knee niya. Very feminine ang damit at may kutob siyang ang mga tipong babae ni Wayne ay iyong mga very feminine. At bilang parte ng pasimpleng pang-aakit niya kay Wayne, gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksyon nito sa suot niya. Hindi naman siya nabigo. Dahil halos hindi na kumurap si Wayne sa pagkakatitig sa kanya.

"Matagal ko nang alam na gorgeous, fabulous, stunningly beautiful, sexy and amazing ako, Wayne. But thank you," nakangiting aniya sa lalaki.

Bahagyang natawa at napailing naman si Wayne. Lumapit ito sa kanya at tumungo ang ulo. Malinaw sa anyo nito na balak siya nitong halikan. Halik na buong puso naman niyang tutugunin nang may kasamang yakap pa. Pero naudlot iyon dahil biglang nagsalita sina Matt at Rachel. Tila binuhusan ng malamig na tubig na naipilig ni Chrisma ang ulo. Nawala sa isip niya ang presensya ng mga pamangkin. Buti na lang at hindi nakababasa ng isip ang mga ito kung hindi malamang na-trauma na ang mga ito dahil sa rated SPG na nilalaman ng isip niya patungkol sa tiyuhin ng mga ito.

"Tita Chrisma! Uncle Wayne! Alis na tayo!"

"Let's go! Let's go!"

Agad namang dumiretso ng tayo si Wayne at nakangising niyuko ang mga bata.

"Alright, let's go," anito na hinawakan sa magkabilang kamay ang mga bata at iginiya palabas ng bahay.

Dismayadong napasimangot na lang si Chrisma at sumunod sa magtitiyo. Tila nahulaan naman ni Wayne ang ipinagmamaktol niya dahil lumingon ito at nginitian siya.

"What's the problem, gorgeous, fabulous, stunningly beautiful, sexy and amazing lady?" nanunudyong untag pa nito.

Kunway pinaningkitan niya ito ng mga mata pero sa loob-loob niya ay halos mamilipit na siya sa kilig. These past few days, Wayne seemed to warm up to her. Madalas ay tumatawa at ngumingiti na ito kapag kinukulit o binibiro niya. Hindi na siya nito iniiwasan. At madalas sinasakyan na rin nito ang mga hirit niya ukol sa panliligaw niya dito. Naalala tuloy niya ang Wayne na nakasama niya noong bago ito ikinasal kay Jemma five years ago. Ang Wayne na nakasungkit sa puso niya at hindi

pinakawalan iyon limang taon man ang lumipas.

"Nothing a kiss from my one true love won't cure. Kaya kung ayaw mong pumangit ang gorgeous lady na ito, kahit smack na kiss lang o kaya flying kiss lang pwede na," pilyang sagot naman niya.

Natawa si Wayne. Inalalayan nito sa pagsakay sa back seat ang mga bata habang siya ay sumakay naman na sa passenger's seat. Ikinakabit niya ang seatbelt niya nang sumakay si Wayne sa driver's seat. At eksaktong pagharap niya rito ay nasalubong niya ang mga labi nitong mabilis na dumapo sa mga labi niya. Nagtawanan at pumalakpak sa likod sina Matt at Rachel. Habang siya ay maang na napatitig lang kay Wayne.

Hindi na inungkat pa ni Wayne ang tungkol sa halik na namagitan sa kanila noong isang gabi. At dahil kinakabahan din siyang marinig mula sa lalaki kung ano ang ibig sabihin niyon para dito, mas pinili na lang din niyang huwag nang pag-usapan pa iyon. Pero ngayon, si Wayne na ang kusang humalik sa kanya. At kahit gaano pa kagaan o kabilis iyon, halik pa rin iyon mula sa lalaking mahal niya. Halik na ginawa nito sa mismong harapan ng mga pamangkin nila.

"Wayne..." sambit niya.

Masuyong sinalat naman ng hinlalaki nito ang pang-ibabang labi niya. At base sa mainit na pagtitig nito sa mga labi niya, malinaw na hindi lang basta mabilis at magaang halik ang nais nitong igawad na halik sa kanya.

Nag-usap ang mga mata nila. At sapat na iyon para magkaunawaan sila. May sagot na ang 'panliligaw' niya kay Wayne. At walang singtamis ang 'Oo' na iyon kahit pa hindi direktang nagmula sa mismong mga labi nito.

(COMPLETE)SILVER BELLES 1- CHRISMA IN OUR HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon