CHAPTER 6

1.6K 35 1
                                    


"Teka, teka, wait, wait muna. Paki-repeat nga, hindi ko naiintindihan," kunot-noong wika ni Jing-jing kay Chrisma matapos niyang sabihin sa mga kaibigan ang tungkol sa paghahabilin nina Xander at Michelle sa kanya sa mga pamangkin niya.

Naroon siya sa condo unit nila. Dumaan muna siya roon upang kumuha ng iba pang damit at gamit niya bago siya bumalik sa bahay nina Xander at Michelle. At para na rin ipaalam sa mga kaibigan ang posibilidad na hindi lang pansamantala ang pagtira niya sa bahay nina Xander at Michelle kung hindi permanente na. Or at least until the kids were old enough to take care of themselves.

"You mean dito na rin titira ang mga anak ni Michelle? Tayo ang mag-aalaga sa kanila? Hindi ako marunong mag-alaga ng bata, Chrisma! Saka paano 'yun? Tatlo lang ang kwarto dito. Saka paano kapag may gigs tayo? Isasama natin sila? Kunsabagay, pwede natin silang isali sa set natin. The Silver Belles and the Kids! Kaso child labor 'yun, di ba?" tila malapit naman nang mag-panic na paglilitanya ni Lucibelle.

"Gaga! Hindi sila dito titira, ako ang lilipat sa bahay nina Xander. Hindi naman kasya rito ang mga bata. At mas lalong hindi ko sila ipapa-alaga sa inyo, 'no. Wala ka pa kayang alagang hayop na tumagal ang buhay. Lahat namamatay one week pa lang sa pangangalaga mo. At iyang si Jing-jing, malamang turuang maging praning din sa zombie apocalypse ang mga pamangkin ko. Kung sakali, sina Santi at Cinda lang ang pwede kong pagkatiwalaan na pwedeng mag-yayo sa mga pamangkin ko. Iyon ay kung wala na talagang choice dahil I'm sure, mata-trauma ang dalawang iyon at baka hindi na gustuhin pang magka-anak matapos bantayan ang mga pamangkin ko," aniya sa mga kaibigan.

"Does this mean you'll leave the band?" untag ni Cinda na ikinagulat nilang tatlo dahil ni hindi nila namalayan ang pagdating nito. Animo iisang tao na sabay-sabay pa silang napalingon sa nakabukas na pinto ng unit nila. Hindi lang pala si Cinda ang dumating kundi pati si Santi. At bakas sa mukha ng dalawa na narinig ng mga ito ang pinag-uusapan nilang tatlo nina Jing-jing at Lucibelle.

"Of course not! Hindi naman kailangang twenty-four-seven akong nakabantay sa mga pamangkin ko---"

"Yeah, right! At nasaan ka nga ulit nung Friday at may gig tayo sa Rancher's Grill? At nung Saturday nang may sched tayo sa St. Peter College? Nagbabantay sa mga pamangkin mo na pupwede o naman iwan sa yaya nila since by the time na umalis ka ng bahay ay tulog naman na sila. Pero ano'ng ginawa mo?" nakataas ang mga kilay na ani Jing-jing.

"Pero---"

"I hate to do this, Chrisma, since you know how much I hate to agree with Jing-jing. Pero tama siya, palagi ka na lang wala sa gigs natin," wika ni Santi na nagkibit-balikat pa.

Lumapit si Cinda sa kanya at ipinatong ang mga kamay nito sa mga balikat niya. Bigla siyang kinabahan sa kaseryosohang nakabakas sa anyo ni Cinda. Dumoble pa iyon nang makita niya mula sa sulok ng mga mata ang tila biglang naasiwang pagtitinginan nina Lucibelle, Jing-jing at Santi. Tila alam na ng mga ito ang balak sabihin ni Cinda sa kanya.

"Alam namin na mahirap ang pinagdaraanan mo nitong mga nakalipas na linggo, Chrisma. At kung kailangan mo ng tulong, nandito lang kami. Pero---"

"Aalisin na ninyo ako sa banda?! No! Huwag naman ninyong gawin sa akin ito!" gilalas na sigaw niya.

*******

Hanggang sa makarating si Wayne sa palapag na kinaroroonan ng condo unit ni Chrisma ay hind niya maipaliwanag sa sarili kung bakit niya pinaunlakan ang imbitasyon ng kaibigan at housemate ni Chrisma na si Lucibelle na magpunta siya roon ngayon din mismo. Or perhaps it was just his stubborn self who still refused to accept the real reason why he rushed over here after he realized what Chrisma's band mates were planning to do today. Dahil aminin man niya o hindi, nag-aalala siya sa posibleng maging reaksyon ni Chrisma sa sasabihin ng mga kabanda nito.

(COMPLETE)SILVER BELLES 1- CHRISMA IN OUR HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon