"Hindi pa naman kasi tapos magsalita si Cinda ay kung ano-ano nang pumasok sa isip mo, Chrisma. In fact, kabaligtaran nga ng pag-alis sa banda ang gusto naming gawin mo. Gusto namin na sumama ka na ulit sa mga gigs ng banda, para kahit papaano ay mabaling sa ibang bagay ang isip mo," iiling-iling na may kasamang palatak na wika naman ni Santi kay Chrisma.

Biglang nanigas si Chrisma. Dahan-dahan itong nag-angat ng mukha mula sa pagkakasubsob sa dibdib niya. At the back of his mind he was marveling at how beautiful she looked despite the tear strains on her cheeks.

"Oh! Iyon ba ang sasabihin mo, Cinda?" medyo alanganin ang tonong untag ni Chrisma kay Tattoo Boy.

"Oo. Pero siyempre, umiral na naman ang pagiging Drama Queen mo kaya hindi mo nalaman agad," matabang ang tonong tugon naman ni Tattoo Boy sabay pukol ng masamang tingin kay Wayne. Dumako pa ang mga mata ni Tattoo Boy sa braso niyang nakahawak sa baywang ni Chrisma. Halatang hindi nito nagugustuhan ang nakikita. But Wayne doesn't care if the damned tattoed man liked or didn't like what he sees. Pinanatili niya ang braso na nakapalibot kay Chrisma.

"Ooops?" alanganin ang ngiti at mababa ang tonong sambit ni Chrisma.

"Oops ka diyan! Hindi ka muna kasi nakikinig bago ka nag-iisip ng kung ano-ano. Makakaya ba naming basta ka na lang tanggalin sa banda?" medyo paangil ang tonong wika ni Lucibelle kay Chrisma.

"Sorry na. Kasi naman ang mga expressions ninyo, nakakatakot talaga. Buti na lang dumating ang My Love, My Hero kong si Wayne para ipagtanggol ako sa inyo," nakangiti nang wika ni Chrisma. Tumingala pa ang dalaga kay Wayne at kinindatan siya.

Noon lang niya naalala na nananatiling nakapalibot pa rin pala ang mga braso niya sa dalaga. Dali-dali niyang binitiwan ang dalaga. Humakbang pa siya paatras upang makalayo rito. Todo simangot naman ang dalaga at pinukol pa siya ng tingin na tila nagsasabing bakit niya ito biglang binitawan. Tinging tinugon lang niya ng pag-arko ng mga kilay.

"Kunwari ka pa pero feel na feel ko naman ang caring and concern mo kanina. Sabi ko na nga ba eh, pakipot ka lang. tingin ko hindi ko na kakailanganin pa ang mga advice ni Gus tungkol sa panliligaw sa iyo," ani Chrisma na pilyang nginisihan pa siya.

Pero ang ngising iyon ay dagli ring nabura nang maalala nito, tulad niya, na noong araw na makilala nito si Gus ay ang parehong araw ng pagkamatay nina Michelle at Xander. Muling nagkaroon ng lambong ang mga mata nito. Awtomatikong umangat naman ang kamay niya upang marahang pisilin ang mga balikat nito bilang pang-aalo rito. It's only been three weeks since that unfortunate day and the pain of it refused to leave them.

'Sorry, hindi ko sinasadyang ipaalala na naman sa iyo ang araw na iyon. And just because I'm joking about that day doesn't mean I don't care that Michelle and Xander died that day too,' ang tila sinasabi sa kanya ng malamlam na mga mata ni Chrisma. Hindi niya alam kung paano niya naunawaan lahat ng piping mensaheng iyon ng dalaga para sa kanya sa pamamagitan lang ng pagtitig niya sa mga mata nito. Pero nakatitiyak siya na iyon ang nais nitong iparating sa kanya.

'It's alright, Chrisma. Just because they died doesn't mean we have to stop smiling and laughing too. Natitiyak kong hindi rin nila magugustuhan kung mangyayari iyon,' tugon naman niya rito sa parehong paraan.

"Um, excuse me, mawalang-galang na sa moment ninyong dalawa. Pero bakit kayo nagtititigan wars diyan?" nagtatakang singit ni Lucibelle sa tahimik na pag-uusap nila ni Chrisma.

"Huwag ka nang umekstra pa diyan, Luci, panira ka sa romantic scene nila eh," saway naman ni Jing-jing kay Lucibelle.

"Like I was saying before I was nastily interrupted, gusto naming bumalik ka na sa banda, Chrisma. Kung busy ka na ulit, hindi ka na masyadong made-depress. May ibang pagbabalingan ka na ng atensyon mo," wika ni Tattoo Boy kay Chrisma.

Nginitian naman ni Chrisma ang lalaki. Bagay na hindi maipaliwanag ni Wayne kung bakit ikinayayamot niya.

"Thank you, Cinda. Pero sa tingin ko, hindi pa ako makababalik sa banda sa ngayon. Kami ni Wayne ang magiging guardians nina Matt at Rachel. Kailangan ko munang sanayin ang mga bata sa presensya ko sa buhay nila ngayon. After a few months siguro, pwede na akong bumalik sa pagbabanda. Pero sa ngayon, hindi na muna," ani Chrisma.

"Chrisma, being guardian to the kids doesn't mean you have to put your own life on hold. Limang taong gulang na sina Matt at Rachel. At kahit noong buhay pa sina Michelle, sanay na silang si Yaya Raya ang kasama nila kapag nasa trabaho sina Michelle," malumanay na wika ni Wayne kay Chrisma.

Pero sa loob-loob niya ay mas pabor siya sa pasya ni Chrisma na isantabi muna ang pagbabanda nito upang maituon nito ang buong oras at atensyon nito sa mga bata. That was exactly what his mom did when he and Xander were still children. Ang mama niya mismo ang nag-alaga sa kanila. Bagamat may yaya sila na katulong nito sa pag-aasikaso sa kanila ni Xander, nasanay siya na habang lumalaki ay nasa loob lang ng bahay nila ang mama nila. Isang tawag lang nila ni Xander sa mama nila ay naroon na agad ang mama nila, handang ibigay kung anuman ang mga pangangailangan nila ay resolbahin ang anumang suliranin nila.

"Alam ko iyon, Wayne. Pero sa ngayon, nangangapa pa sila. Hindi nila maintindihan kung bakit bigla na lang hindi na uuwi ang Mommy at Daddy nila. Kung pati ako, tayo mawawala agad sa tabi nila, mas lalo lang silang malilito at malulungkot. Kaya hanggat maaari ayoko muna silang iwan nang matagal. They need me, they need us. And for now, they're my priority," paliwanag naman ni Chrisma bago ito bumaling sa mga kabanda.

"Sana maunawaan ninyo kung bakit ganito ang desisyon ko. Nagulat lang ako kanina dahil akala ko tatanggalin na ninyo ako ng tuluyan sa banda. Hindi naman permanente ito, hanggang sa makapag-adjust lang sina Matt at Rachel. Pero pansamantala, hanggat hindi pa ako nakakabalik, pwede kayong kumuha ng ibang bassist."

Bumakas ang pagtutol sa mukha ng mga kabanda ni Chrisma. Ihinanda naman ni Wayne ang sarili bilang suporta ng dalaga. Kung pakaiisipin ay mas pabor sa kanya ang pagbabalik ni Chrisma sa banda nito nang sa gayon ay malaya na niyang makuha ang mga bata at makumbinsi si Chrisma na mas makabubuti para sa kanilang lahat na hayaan na lang nitong sila ng kanyang ina ang magpalaki sa mga bata. But for some insane and unnamed reason, he didn't want her to go back to her old life yet and leave the kids to him and his mom.

(COMPLETE)SILVER BELLES 1- CHRISMA IN OUR HEARTSWhere stories live. Discover now