Ayon kay Lucibelle, plano ng mga itong kausapin si Chrisma tungkol sa hindi pagsipot ni Chrisma sa mga commitments ng banda nito dahil hindi maiwan-iwan ni Chrisma ang mga pamangkin nila. Tingin ni Lucibelle, hindi na tama ang ginagawang pagtatago ni Chrisma sa likod ng mga pamangkin nila para maiwasang harapin ang pagdalamhati nito. Mas makabubuti raw kay Chrisma kung babalik na ito sa pagtugtog sa banda ng mga ito, bumalik sa normal na routines nito. Magpatuloy sa normal nitong buhay.

Bagay na hindi niya alam kung sasang-ayunan niya o hindi. Kung babalik na kasi si Chrisma sa dati nitong routine, mangangahulugan iyon ng pagbubukas ng pinto para matupad ang gusto ng mama niya na sila na ang magpalaki sa mga pamangkin niya. On the other hand, a part of him was hesitant about taking the kids away from Chrisma. Para siyang naiipit sa pagitan ng dalawang nag-uumpugang bato.

"No! You can't do this to me! Malaking bahagi ng buhay ko ang banda natin! Bakit ninyo ako aalisin?!"

Dinig na dinig ni Wayne ang paghihinagpis at mariing pagtutol sa boses ni Chrisma mula sa bahagyang naka-awang na pinto ng condo unit nito. Kagyat nagsalubong ang mga kilay niya sa pagtataka at pag-aalala. Bumilis ang mga hakbang niya patungo sa pinto. Hindi na siya naghintay ng pormal na paanyaya mula sa mga okupante ng unit. Pumasok siya at agad nahagip ng mga mata niya ang dismayado at nagpipigil ng luhang anyo ni Chrisma habang kaharap ang drummer ng banda nito na inakala niya noon na nobyo nito. Until now he couldn't remember the tattoed man's name but he could still remember the crushing disapppointment he felt when he thought the man was Chrisma's boyfriend a few months ago.

"Chrisma?" tawag niya sa dalaga.

"Wayne!" sambit ni Chrisma na tila nakakita ng kakampi at tagapagtanggol nang dumapo sa mukha niya ang tingin.

Bahagya nitong itinulak palayo si Tattoo Boy saka tumakbo palapit sa kanya. Halatang nagulat ang mga naroon sa unit dahil sa pagsulpot niya at sa pagtakbo ni Chrisma palapit sa kanya. Pero mas nagulat siya dahil hindi lang basta tumakbo si Chrisma palapit sa kanya, yumakap pa ito sa kanya. saka tila nagsusumbong na tumingala sa kanya at sinabi na balak na itong alisin ng mga kabanda nito sa Silver Belles dahil hindi raw ito nakakarating sa mga gigs ng banda.

Dahil sa narinig ay galit na napabaling siya sa mga kabanda ng dalaga. And here he thought they were her friends!

"You can't do that to her! Alam ninyo kung ano ang pinagdaraanan ng pamilya namin ngayon. Wala ba kayong konsiderasyon?! Akala ko ba magkakaibigan kayo? Bakit imbes na tulungan at suportahan siya ay tatanggalin ninyo siya sa banda ninyo porket hindi siya makapagtrabaho ngayon dahil sa sitwasyon namin?!" singhal niya na halos sumingasing sa galit sa mga kabanda ni Chrisma.

Lalo pang umigting ang galit niya nang maramdaman niya ang pagpatak ng mga luha ni Chrisma sa dibdib niya kung saan nakasubsob ang mukha nito habang mahigpit na nakapalibot sa baywang niya ang mga braso.

"Listen, pal, you've got it all wrong---"

"I'm not your pal, boy," nagbabanta ang tonong putol niya sa pagsasalita ni Tattoo Boy.

Hindi niya talaga gusto ang gagong ito. Parang nakatatak pa rin sa isip niya ang pagkaka-angkla ni Chrisma sa braso nito noong magkasalubong sila sa bahay nina Xander noong birthday nina Matt at Rachel. Dumagdag pa roon ang tagpong nadatnan niya kanina kung saan nakahawak ito sa mga balikat ni Chrisma. Halatang tinatangka nitong aluin si Chrisma matapos nitong sabihin sa dalaga na inaalis na ng mga ito sa banda si Chrisma.

Maagap na pumagitna sa pagitan niya at ni Tattoo Boy si Lucibelle.

"Hep! Bago pa lumala ito, makinig ka muna sa akin, Wayne. At pati na ikaw, Chrisma. Wala kaming sinabing aalisin namin sa banda si Chrisma. Read my lips, Wayne, hindi namin aalisin si Chrisma sa banda, okay? Kaya bago ka pa mag-ala Superman, Spiderman at Pacman diyan na ipinagtatanggol ang damsel in distress mong sarap sabunutan, relax muna, okay?" saad ni Lucibelle sa kanya na palipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Chrisma na nananatiling nasa loob ng mga bisig niya.

(COMPLETE)SILVER BELLES 1- CHRISMA IN OUR HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon