XV

1.5K 26 9
                                    

Nilapitan ko agad si Julia at Cayla. Pinatahan ko siya at pinunasan ang kanyang mata.

Thirdy: "What happened?? Bakit siya umiiyak?" Tanong ko kay Julia.

Julia: "I don't know. We were just dancing tapos bigla siyang umiyak." Sabi niya sa akin.

Thirdy: "Cayla, what's wrong? Why are you crying?" alalang tanong ko sa kanya. Pinapatahan ko siya pero patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Na rarattle na ako dahil hindi ko alam kung bakit siya umiiyak.

Cayla: "My tooth hurts." Sabi niya habang humihikbi. Niyakap ko na lang siya and checked her mouth after.

Thirdy: "Where does it hurt?" tanong ko.

Cayla: "Here." Sabi niya habang tinuturo ang ngipin niya sa harap.

Julia: "Stop crying Cayla." Sabi naman niya at lumuhod ito para pumantay sa amin. "Do you want to go to the dentist?"

Naninibago ako kay Julia dahil ngayon ko lang siya nakita na ganito ka concerned, I mean she's caring pero iba yung trato niya kay Cayla. Parang siya yung ina kung mag-alaga.

Thirdy: "I'll call Dr. Andy, sabihin kong may emergency." Sabi ko naman at tinawagan si Doc Andy, ang family dentist namin. "Hello Doc, this is Thirdy. Can we come to your clinic now? Okay thank you, we're on our way."

Julia: "Thirds I can't come with you na, tinawagan ako ni mom." Sabi niya.

Thirdy: "Its okay Julia, ihatid ka na lang namin sa kotse mo." Sabi ko naman.

Julia: "Sige. Let's go?" tanong niya kay Cayla. Agad naman nagpabuhat sa kanya ito at kinarga naman niya.

Thirdy: "Baka mabigatan ka sa kanya Julia, I can carry her." Prisinta ko naman.

Julia: "She wants me to carry her. Tsaka okay lang, kaya ko naman siya." Sabi niya sa akin at ngumiti.

Naglakad na kami papunta sa parking area, hinatid muna namin si Julia sa kotse niya at hinintay na mauna siyang umalis bago kami pumunta sa kotse ko. Karga-karga ko si Cayla ngayon at umiiyak pa rin siya, I'm getting worried kasi kahit anong gawin ko hindi siya tumatahan. Baka kung anong mangyari sa kanya sa kakaiyak niya.

Pagdating namin sa clinic ni Dr. Andy pinapasok na agad kami ng secretary niya sa loob.

Andy: "Ohh hello Thirdy. So what brings you here?" tanong ni doc sa akin. "And who's this little girl with you? Anak mo?"

Thirdy: "Masakit daw ngipin niya, eh hindi ko alam anong gagawin. Kanina pa umiiyak." Sabi ko.

Andy: "You're not answering my question, anak mo ba siya?"

Thirdy: "No. Paano naman ako magkakaanak eh ikakasal pa lang ako."

Andy: "If I didn't know, aakalain ko talagang anak mo siya. Magkamukha kayo eh." Sabi niya at napatahimik naman ako. Hindi lang si Doc Andy ang nagsabi na magkamukha kami ni Cayla. "Anyways. Hello there young lady. Open your mouth, say ahh."

Cayla: "Ahhhhh."

Andy: "Good girl. Okay." Sabi niya habang chinicheck ang ngipin ni Cayla. "Okay we're done. You can go to your Tito now. Careful." Sabi niya habang inalalayan si Cayla pababa sa upuan. Agad naman siyang umupo sa kanyang desk.

Thirdy: "So, how was it? Anong naging problema doc?" tanong ko naman sa kanya habang may sinusulat.

Andy: "She has dental cavities. Normal naman yun sa kanyang edad kasi kids her age usually don't have the initiative to brush their teeth, you have to constantly remind them especially if naka consume siya ng too much sugar. The best thing to do is to remove the tooth that's causing pain, pero we have to set a schedule. You also have to explain to her about the procedure para she can prepare mentally and she has knowledge." Paliwanag niya.

Thirdy: "What about the pain? How do we treat it?" tanong ko.

Andy: "She has to take pain reliever for the meantime. Pero this will only give temporary relief, iinom lang siya if masakit and she has to have a full stomach para hindi ma irritate ang tiyan niya. Here, you can buy this sa pharmacy outside." Sabi niyang habang binigay sa akin ang isang papel. "As for the schedule, I suggest we do it the sooner so she won't suffer from the pain."

Thirdy: "I'll ask her mother muna doc, baka mag beastmode yun pag nag dedesisyon ako ng basta basta." Sabi ko naman.

Andy: "Sino ba kasi ina niya? Bakit ikaw ang kasama?"

Thirdy: "Anak siya ni Bea. Ako muna yung nagbabantay kasi busy sa trabaho at umuwi ang katulong nila."

Andy: "Bea you mean yung—" bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin pinutol ko siya.

Thirdy: "Oo si Bea, alam mo na." sabi ko. Baka kasi ano pang masabi nitong si Doc Andy eh walang alam si Cayla tungkol sa nakaraan namin ni Bea. Ang alam niya lang, bestfriends kami.

Andy: "Let me guess, di alam ng bata ang tungkol sa inyo?" tumango lang ako. "Pero seriously Thirdy, hindi mo ba talaga siya anak? I mean magkamukhang magkamukha kayo."

Thirdy: "Hindi nga, ang kulit mo. Si AJ ang tatay niya." Nagulat naman siya.

Andy: "Really? Doesn't look like it. Pero anyways, umalis na nga kayo. Shoo." Sabi niya.

Thirdy: "Wow huh kung paalisin mo kami." Sabi ko at tumawa lang siya.

Andy: "Goodbye Thirdy. Don't forget, kailangan muna niyang kumain before taking the medicine."

Paglabas namin ng clinic, dumiretso kami sa pharmacy para bilhin ang gamot. And since kailangang kumain muna bago uminom, pumunta kami sa nearest resto.

**

Nakakadalawang board meeting na kami ngayong araw and it's still 2PM, in 30 minutes may meeting na naman kami. It's been very stressful since nag business trip si AJ. Things were easy when he was here, hindi kasi siya nangangarag, siya yung tipong kalmado pa rin kahit ang dami ng problema. He's the first person na makakanotice na I'm so stressed, and just by his presence nagiging okay na ako. I miss him kahit na araw-araw kaming nag-uusap, I'm just used of being with him everyday.

While waiting for the meeting, chineck ko muna yung email ko and ang presentation mamaya. I have to make sure na magiging maayos ang meeting mamaya and walang magiging problema. After kong ma check lahat, inayos ko na ang gamit ko at pumunta sa conference room at agad naman kaming nagsimula.

Maagang natapos ang meeting namin and I'm glad it went well. When I got to my office, umupo agad sa swivel chair at pinatong ang paa ko sa mesa. I feel so tired and I'm so drained from all the meetings we had for today. Pumikit muna ako nang biglang nag ring ang phone ko. Si AJ tumatawag.

AJ: "Hi love. I miss you." Bati niya.

Issa: "I miss you more love. When are you coming home?" sabi ko sa kanya habang nakapikit pa rin.

AJ: "I'm going home tomorrow love. Babawi ako sa oras na wala ako jan."

Issa: "We can't wait to see you love. Email me your flight details para masundo ka namin ni Cayla sa airport."

AJ: "Okay love. By the way, how's the company? Everything smooth sailing?" tanong niya sa akin.

Issa: "Super busy and I've been stressed a lot lately. Alam mo naman na ikaw yung stress reliever ko, kaya be home soonest." Sabi ko at napabuntong hininga.

AJ: "Isang tulog na lang magkakasama na ulit tayo. And don't worry, when I get back, we're going on a vacation." Sabi niya at halata sa kanyang boses ang saya at excitement. Napangiti lang ako. "I have to go love, meeting na kami in a few. I love you."

Issa: "Take care. I love you." Sabi ko at binaba na ang phone ko.

It's like lahat ng pagod na nararamdaman ko ay nawala just by hearing his voice and knowing na he's coming home tomorrow.

When I looked at my watch, it's almost 5PM kaya iniligpit ko na ang gamit ko sa desk para makauwi na ako. Nang palabas na sana ako ng office, biglang tumunog ang phone ko. Text message from an unregistered numbered. When I opened the message, biglang uminit ang ulo ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One More ChanceWhere stories live. Discover now