XI

529 19 1
                                    

The doctor told us na pwede na kaming umuwi mamaya, we stayed here for 3 days dahil sobrang naghihina si Cayla to the point na wala siyang ganang kumain. Pero buti na lang she's a lot better now, kumakain na siya at onti onti ng bumabalik ang sigla niya. We found out who poisoned Cayla, when we watched the CCTV footage may babaeng nagbigay ng cupcake kay Cayla pero we were not able to recognize her kasi she was wearing a hoodie jacket. Pinapainvestigate ni Dad sa hotel kung sino ang babaeng yun, and so far wala pang progress.

AJ: "I'll be back later to pick you up. The bill has been settled na, punta lang ako sa company may emergency daw. Wait for me okay?" sabi niya. Although may order na ang doctor na pwede na kaming umuwi, we have to wait until later kasi may mga instructions at last test pa for Cayla.

Issa: "Yes love. Pero incase di ka makabalik later dahil may aasikasuhin ka sa company, Dad's driver can pick us up naman." Sabi ko sa kanya.

AJ: "No, I'll be back promise. Family is still my priority love. And I don't want my girl to get disappointed, right princess?" tanong niya kay Cayla.

Cayla: "Yes. I won't go home until you come back here daddy." Ang spoiled talaga ng batang to.

Issa: "You're spoiling her again love." Sabi ko kay AJ.

AJ: "I'm not spoiling her, I'm just being true to my word." Sabi niya.

Issa: "Okay sabi mo eh. Sige na, baka kailangan ka na sa company. The sooner you leave, the sooner you can come back here." Sabi ko habang inaayos ang kanyang coat and tie. "Drive safely love." Sabi ko and kissed his cheek.

AJ: "I will love." Sabi niya and pulled me for a hug and kissed my forehead.

Cayla: "What about me? I want a kiss and hug daddy."

AJ: "Awwwwe my princess is jealous." Sabi niya at nilapitan si Cayla. Niyakap niya ito at hinalikan sa noo. Di na nagtagal si AJ at umalis na siya.

Maya-maya ay nagulat na lang ako ng bumisita si Thirdy at Maddie. Since naospital si Cayla, araw-araw bumibisita si Thirdy dito. Natutuwa din naman sa kanya si Cayla, pero nagtataka lang ako kasi bigla na lang silang naging close sa isa't-isa. It's like they've known each other for a long time, and knowing my daughter mejo mapili siya sa taong pakikisamahan niya dahil mahiyain siya. Iba ang nararamdaman ko pero I just shrug it off, ayoko lang kasing istress ang sarili ko.

Issa: "Oh Thirdy, Maddie tuloy kayo."  I decided na kalimutan ko na lang ang galit ko kay Thirdy kasi wala namang mababago. Ayoko rin maging complicated ang mga bagay.

Cayla: "Tito Thirdy!" sabi niya at kitang kita ang excitement sa mata niya.

Thirdy: "Hi Cayla. Feeling a lot better now?" tanong niya habang nilapitan niya si Cayla. Agad naman itong umupo sa kama.

Cayla: "Yes. And the doctor said I can go home later." Sabi niya habang tumayo. Nilapitan ko ito agad dahil baka mahulog at may nakakabit pang IV sa kamay niya.

Issa: "Princess be careful." Saway ko sa kanya. Agad naman siyang kumandong kay Thirdy. "Maddie baka gusto niyong mag meryenda, may cake kami dito. Do you want juice?" tanong ko sa kanila.

Maddie: "Okay lang Bei, busog pa kami. Anyways, may progress na ba sa investigation?" tanong niya sa akin.

Issa: "Sabi ni dad wala pa daw. Pero the NBI is doing its best as well as sa hotel, they're doing everything para ma resolve to." I said in frustration.

Thirdy: "Nandito lang kami Bei if you need help." Ngumiti lang ako sa kanya and mouthed thank you. One thing that I admire about Thirdy is that hindi siya marunong magtanim ng galit sa kapwa niya, at kahit na nasasaktan siya he's still willing to help.

Cayla: "Mommy, can I go in Tito Thirdy's house?" muntik na akong mabilaokan sa tanong niya.

Issa: "Your Tito Thirdy's busy princess." Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang niyang gustong pumunta sa bahay nila Thirdy. May nalalaman ba sila na hindi ko alam?

Cayla: "But I want to go there mommy." Eto na nga yung sinasabi ko sa pang-iispoil ni AJ sa kanya, hindi ka titigilan hanggang di nakukuha ang gusto.

Issa: "But why do you want to go there? Tito Thirdy's family is very busy. You have no playmates there." Sabi ko sa kanya.

Cayla: "But Tito Thirdy said we will go there if they are not busy. Mommy please." Pilit niya sa akin. I glared at Thirdy.

Maddie: "Payagan mo na lang kasi Bei, baka mag tantrums pa yang anak mo. Hindi naman siya pababayaan ni Thirdy." Bakit feeling ko this is all planned?

Thirdy: "I'll bring her home after dinner. Or pwede mo siyang sunduin sa bahay." Ano pa bang magagawa ko eh, tatlo sila ako lang mag-isa. Ayoko namang maging masama sa anak ko. Kaya kahit ayaw kong papuntahin si Cayla sa bahay nila Thirdy, wala na akong choice kundi pumayag.

Issa: "Okay okay. But you have to promise me that you'll eat more vegies from now and you have to ask permission from your dad." Sabi ko sa kanya at nagliwanag naman ang mukha niya.

Cayla: "I promise. Yey thank you mommy! Tito Thirdy, I can't wait to go to your house." Sabi niya at niyakap si Thirdy. Tiningnan ko lang siya ng seryoso.

**

Buti na lang pumayag si Bea na isama ko si Cayla sa bahay namin one of these days kahit alam kong napipilitan lang siya. Na kwento ko kasi si Cayla sa kanila ni Mom and Dad at sabi nila, they want to meet her daw. Sakto naman at uuwi din si Manong from their vacation in Europe. Sa sobrang saya ni Cayla niyakap niya ako at tiningnan ako ni Bea ng seryoso.

Issa: "Mads pwede bang ikaw muna magbantay kay Cayla? Mag-uusap lang kami ni Thirdy sa labas." Sabi niya habang nakatingin sa akin. Alam kong kakausapin niya ako tungkol dito. "Princess, stay here with your Tita Maddie huh. Tito Thirdy and I will just talk outside." Sabi niya at lumabas, sumunod naman ako sa kanya. "What was that about Thirds huh?" tanong niya sa akin.

Thirdy: "About what Bea?" tanong ko sa kanya. Pero I know kung ano ang tinutukoy niya.

Issa: "Why all of a sudden, gustong pumunta ni Cayla sa bahay niyo? Tell me." Sabi niya.

Thirdy: "What about it? May masama ba dun? She just wants to visit our home." Sabi ko sa kanya.

Issa: "Thirdy naman eh. May sinabi ka ba sa kanya kaya gusto niyang pumunta sa inyo? You're making things complicated." Sabi niya sa akin. And there, alam kong may hindi ako nalalaman na alam niya.

Thirdy: "Bahay lang naman namin yun eh, it's not like I'm gonna take her away from you. Bakit ayaw mong pumayag?" tiningnan ko siya at umiwas siya ng tingin sa akin. "May dapat ba akong malaman?" napatingin siya sa akin and she looks uneasy.

Issa: "W-wala." Sabi niya ng nauutal.

Thirdy: "Bakit ka nauutal? May tinatago ka ba sa akin Bea? And why will I make things complicated by just a simple visit in our home? Ano bang meron?" sunod sunod kong tanong sa kanya. "Natatakot ka bang malaman nila Mom ang tungkol kay Cayla?" tiningnan niya ako ng naka kunot noo.

Issa: "Bakit naman ako matatakot?" tanong niya sa akin.

Thirdy: "Takot ka bang malaman nila na anak ko si Cayla?" I asked her.

She was dumbfounded and speechless.

One More ChanceWhere stories live. Discover now