[06] - INTERRUPTED MEET UP.

3.2K 84 59
                                    

A/N: Ayan na po ang bongga kong update, sensya na medyo minadali ko yan, obvious ba? Sana kahit ganyan magustugan nyo pa rin, malapit na ang muling pagkikita ng ating mga bida, at mas dadami ang twist kaya abang-abang lang po. Anyway marami pong salamat sa lahat ng sumoporta at nag-push sakin para lang sa chapter na to kahit na heavy sa trabaho, yaka pa rin naman pero yung kasunod na update hindi ko kayang ipangako kung kelan. siguro 25 VOTES + 45 COMMENTS = CHAPTER 7. Ayan po para hindi ako nahihirapan. Hihihi!

I dedicate this chapter to @rated_xpg nagpagawa po kasi ako ng cover sa kanya eh. Kaya ayan po as payment I dedicate this chapter to him, akala ko nga hindi na ko aabot sa first batch nya pero sa kabutihang palad umabot ba ko. :) Marami pong salamat.


CHAPTER 06 – INTERRUPTED MEET UP.


GAIL'S POV

Naiayos ko na lahat ng gagamitin para sa contract signing kay Mr. Gonzales, ito na lang kasi ang pwede kong itulong kay Lance, ilang gabi na siyang puyat para matapos lang yung propose building at ayokong masayang yung pagod na pinaghirapan niya. Alam ko ring madalas silang mag-away ng Papa niya dahil una pa lang ayaw na ng Papa niya na tumira siya dito sa Cebu pero dahil na rin sa pagmamatigas niya walang nagawa ang Papa niya. Ginusto ko rin naman 'to kasi hindi ko rin kayang mamuhay mag-isa, baka mabaliw ako pag nangyari yun. Napakalungkot ang mag-isa at hindi ako sanay sa gano'ng buhay.

1:00 PM pa naman ang schedule namin kay Mr. Gonzales dahil after lunch pa daw ang dating ng business partner niya galing Manila. Sumilip ako sa suite ni Lance, alam ko naman kasi ang code ng suite niya, eh. Tulog pa rin siya at dahil sa pinilit niyang matapos yung propose building sa working table na rin siya nakatulog. Pasaway talaga 'tong taong 'to hindi pa humingi ng tulong sa akin kahit obvious na nahihirapan na, kumuha na lang ako ng kumot sa kwarto niya para ikumot sa kaniya.

Ito lang naman kasi yung mga bagay na kaya kong gawin para sa kaniya, sa dami ng nagawa niya para sa akin tingin ko tama lang na kahit kaunti masuklian ko ang lahat ng yun. Nakikita ko naman sa kaniya na ginagawa niya ang lahat at nakikita ko ring nape-pressure siya sa ginagawa ng Papa niya sa kaniya.

Bumalik ako sa suite ko para magluto ng kakainin niya pag-gising. 7:30 AM pa lang naman kaya mahaba ang itutulog niya, di ko alam kung ano'ng oras na siya nakatulog pero sigurado akong umaga na yun. Naghihiwa na ko nga bawang ng makaramdam na naman ako ng sakit ng ulo kasunod no'n ay ang pagsakit ng dibdib ko, this time mas masakit siya kaysa dun sa mga nauna. Kinapa ko ang papuntang bathroom, dahil sigurado akong dun ko nailagay yung gamot ko. Nasa pinto pa lang ako ng mas sumikip yun. "ARGHHH!" Kasunod noon ay ang tuluyang pagdidilim ng paningin ko.


LANCE' POV

Nagising ako dahil sa lakas ng tunog ng cellphone ko, tinignan ko muna kung anong oras na bago ko sagutin yun, 6:30 na kasi ako nakatulog kaya masakit din ang ulo ko ngayon. Si Papa lang naman yung tumatawag sa akin, sinagot ko yun para iwas gulo. "Naayos mo na ba lahat ng dapat mong ayusin ha, Lance?" tanong agad niya sa akin.

"Okay na lahat, Pa." Mag-aalas otso pa lang naman kaya sigurado akong marami pa akong oras, natapos ko naman kanina lahat, ang gusto ko lang ngayon ay ang magpahinga.

"Mabuti kung gano'n, tandaan mo na kailangan bago mag ala-una nandoon ka na para wala silang masabi sa'yo." Lagi na lang ganito, di naman 'to yung unang beses na makikipag-business deal ako.

"Naiintidihan ko, hayaan niyo na muna akong magpahinga," iritadong sabi ko, di pa siya nagsasalita pinatay ko na agad yung telepono. Matutulog na, sana ulit ako ng mapansin ko yung kumot na nakakumot sa akin. Sigurado akong si Gail may gawa no'n, magagalit na naman sa akin yun sa oras na nalaman niyang nagpuyat na naman ako. Kailangan ko ng tumayo para hindi niya mahalatang wala pa akong tulog.

[MTD 2] Marriage Till Death  [COMPLETED UNDER DREAME ✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon