[02] - MISTAKE INTO BLESSING.

4.8K 99 45
                                    

A/N: This is it pancit, please read between the lines para malaman nyo kung ano yung mga magiging twist ng story at hindi na kayo magulat pa. Libre po ang mag COMMENT and mag VOTE. Sana magustuhan nyo tong update ko.

Anyway I dedicate this chapter to @LuckyKathleenMariEli although ni-request nya to, natuwa rin naman ako nung bigla nya akong i-message after nya mabasa yung BOOK 1 neto tapos pinabasa din daw nya sa mga friend nya yung BOOK 1 kasi gusto daw nyang maiyak din sila tulad nya kaya ayan. Marami pong salamat sa effort sa pagbabasa ng story ko at sa pag-message sakin at tanunging kung ano yung personal account ko sa FB although hindi ko talaga yun basta pinamimigay, binigay ko pa rin sa kanya pati cellphone number ko. ^_____^ Natuwa kasi talaga ako sa mga sinabi nya sakin thru PM. Nakakatuwa na may mga taong katulad nya na nag-aakasaya ng oras para lang isang hamak na manunulat na tulad ko. :) I'm so happy that I found a person like you. Sana lahat ng readers ko katulad mo, although lahat naman po talaga ng readers ko mahal ko dahil kung hindi sa kanila wala tong BOOK II na to ngayon at wala na rin siguro akong tyaga sa pag-update.

VOTE . COMMENT . READ


CHAPTER 02 – MISTAKE INTO BLESSING.


LOUISE' POV

It's been one month since nakilala ko si Alden and I admit that he's totally a gentleman. He is always there to help me, everytime na sumasakit yung ulo ko dahil sa sakit ko. Pero this past few days ramdam ko na parang may nagbabago bukod sa di na sumasakit yung ulo ko, ramdam ko na nagbabago yung pagtingin ko sa kaniya, di ko alam kung mali ba 'to o tama kasi alam ko naman na wala talaga siyang nararamdaman para sa akin. It was just a plain friendship pero di ko talaga mapigilan dahil sa mga pinapakita niya sa akin at alam kong hanggang ngayon mahal na mahal pa rin niya yung asawa niya.

Dahil na rin sa pagbabago ng nararamdaman ko, nagpa-schedule ako ngayon sa doctor ko. Ang sabi kasi niya habang patagal nga patagal mas lalala yung sakit ko and time will come na hindi na ko makakatulog dahil sa sobrang sakit but this past few days, wala na yung sakit. Baka it was a good news baka nawawala na yung sakit ko, baka gumagaling na ko although it sounds like a miracle, sana talaga dahil gusto ko mabigyan ng pagkakataon yung sa amin ni Alden. Umaasa pa rin naman ako na mamahalin niya rin ako.

Lumabas ako ng room na ino-occupy ko dito sa bahay nila Alden. Yeah! Till now nandito pa rin ako, at sa ngayon wala pa sa balak ko ang umalis. I was on the middle of the stair, when he called me.

"Saan ka pupunta?" He asked me.

"Pupunta ako ng hospital ngayon may schedule kasi ako ng checkup." I said.

"Hintayin mo ko, magbibihis lang ako," sabi naman niya, it was a big favor for me.

"Thanks but no thanks, kaya ko naman mag-isa. Kaya hayaan mo muna ko mag-isa ngayon, kung ano sasabihin ng doctor gusto ko, ako lang makarinig no'n dahil ayoko kaawaan ako." I honestly said,  di naman sa ayoko siyang kasama, ayoko lang na makita niya ulit ako sa kamiserablehan ko.

"Okay, if that's what you want, go ahead and take care. Basta pag may emergency tawagan mo na lang ako." Yan! Paano ba naman hindi mahuhulog ang loob mo sa gan'yang klaseng tao. Sa totoo lang halos 24/7 ko siyang kasama, lalo na pag sinusumpong ako ng sakit ng ulo ko halos hindi siya natutulog. Tao lang din naman ako, hindi ko kayang pigilin yung sarili ko na hindi mahulog sa kaniya. Sana kung na saan man ang asawa niya mapatawad niya ako, di ko lang talaga kayang hindi mahalin ang isang taong tulad ni Alden.

Lumakad na ako palabas ng bahay nila, nag-taxi na lang ako papuntang hospital. When I'm already there, I was walking through the hallway when one girl caught my attention. She horribly crying, I remember myself back then when I already know about my condition, she suddenly fell down so I run towards her, "Miss, are you okay?" Tumingin lang siya sa akin, her eyes was full of pain, umiiyak lang siya ng umiiyak. "Miss, can you get up? Get up, I'll help you." Nahirapan akong itayo siya, ramdam ko na nanghihina siya.

[MTD 2] Marriage Till Death  [COMPLETED UNDER DREAME ✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon