Chapter 21

7.8K 96 11
                                    

"Umagang umaga, nakahalumbaba ka. Masama yan. Ikalulugi natin yan. Kung natayo ka nalang dito at nagalaw-galaw ang kamay katulad ng mga gintong pusa. Swerte raw yun, alam mo ba?"

Tiningnan ko nang masama si Cheskang nakaupo sa harapan ko at bumubuo ng boxes ng cupcakes.

"Pasalamat ka, buntis ka," sabi ko nalang.

"Wag mo akong pagbuntunan ng bad mood mo. Ano ba kasing sabi ko sayo? Tiyempuhan mo. Tingnan mo itong si Charlene. Hanggang ngayon, walang progress ang love life. Leche naman kasi! Daig pa ang teenager ng dalawa," sabi ni Cheska.

Napalingon tuloy si Charlene. "Eh kasi, Ate, nakakahiya rin naman."

"Ikaw, porket ang ganda-ganda ng mga happenings sa life mo, ganyan ka samin," sabi ko kay Cheska.

"Yeah. I know right. Medyo natatakot nga ako eh. Masyadong nagiging maganda ang agos ng buhay ko. Baka biglang bawiin."

"Hindi yan."

"So... balak mo talagang seryosohin ang suggestion ko?"

Tumingin ako sa buong shop. Kokonti lang ang tao. Maaga pa kasi. Maaga akong pumasok. Na-hurt kasi ako sa sagot ni Keith kagabi sa "proposal" ko.

"Ita-try ko lang," sagot ko.

"Use your four chances wisely. Wag padalos-dalos. Hindi yung porket gusto mong maanakan ka na ni Keith at nagwawala na ang mga hormones mo sa katawan ay tatanungin mo na siya agad-agaran."

Binato ko ng crumpled paper si Cheska. "Bibig mo nga! Lakas ng boses mo."

"Aba. Ay tunay naman eh." Ngumuya pa siya ng carrots na pinapapak niya. At hindi lang basta carrots. Hilaw na carrots. Naglilihi eh. "May isa pa akong suggestion."

"Ano naman yun?"

"Ay wag na kaya? Malakas nga pala ang kontrol ni Keith sa sarili niya."

"Ano ba yun?"

"Ganito kasi, bakla. I-seduce mo kaya yang si Keith? Madali lang yun. Magkasama kayo sa iisang bahay eh. Kami nga ni Matt, magkahiwalay ng bahay pero nakabuo ng bata."

"Malandi kasi kayong dalawa."

"Hot lang talaga ako."

"Ewan ko sayo."

"Eto na nga. Ang suggestion ko, i-seduce mo si Keith Jacob."

"So kapag na-seduce ko siya, tingin mo pakakasalan niya na ako? Nasaan ang logic don?"

"Wala. Naisip ko lang."

"Ang halay mo talagang buntis ka."

"Nagsa-suggest lang akong bwisit ka! Yun ngang suggestion ko sa pagpo-propose mo sa kanya, pinatulan mo eh. Suhestiyon lang naman. Magsuot ka ng mga maiikling damit. Pero wag naman yung halos kita na ang singit mo. Edi sana naghubad ka nalang. Magsuot ka ng mga malalanding damit. Wag daster, boba! Baka nga maka-seduce ka kapag naka-daster ka."

I rolled my eyes. I knew it was stupid. Wala lang akong ibang maisip.

"Tapos lagi kang dumikit sa kanya. Lagi kang magpaganda."

"Tapos?"

"Tapos halayin mo!" Um-echo sa shop ang tumataginting na halakhak ni Cheska. "Baka sakaling mabuntis si Keith. Shotgun wedding kung sakali." Nang maisip niyang may mali sa sinabi niya, umimik ulit siya. "Ay hindi pala! Ikaw pala ang mabubuntis. Lalaki nga pala si Keith. Ikaw nga pala ang babae."

Tapos humalakhak na naman siya. Napapailing nalang si Charlene pati ang ibang mga customers.

"Ano bang nilaklak mo kaninang umaga? Sasabihan ko nga si Matt na ilayo ka sa droga."

HF 2: His ThantophobiaWhere stories live. Discover now