Chapter 55

2.3K 68 16
                                    

Lahat na ata ng parte ng katawan ko ay sumasakit habang naglalakad kami ni Keith papasok ng ospital. Hindi na ako makalakad nang maayos dahil pakiramdam ko, nalabas na yung ulo ng bata. O baka naman exaggerated lang ako.
"Mas masakit pa to kesa nung lumayo ako sayo," pikit-mata sa sakit na sabi ko kay Keith.
"Damn. Nagawa mo pang magreminisce?"
Multi-tasking na din si Keith. Habang inaalalayan niya ako, nakasingit sa pagitan ng balikat at tenga niya ang phone niya habang natawag sa buong baranggay para ibalitang manganganak na ako.
Agad naman akong dinala sa labor room.
"Doc, lalabas na!"
Pinagpalit pa nila ako ng hospital dress eh halos mabaliw na ako sa sakit.
"Maam, you need to open your legs," sabi ni Doktora. Omg! Naiilang ako. Sino ba namang hindi no? Ang daming nakapalibot sa aking nurses at isa pa sa kanila ay lalaki. "Maam, hindi lalabas ang bata nang nakatikom ang binti niyo. It's okay. Sanay na po lahat ng nurses namin kahit lalaki."
"Keith..."
"Glenn, it's okay. It won't be our first time seeing it."
Kinurot ko yung kamay niyang nakahawak sakin.
"Glenn, hindi mawawala yang sakit hangga't hindi mo nailalabas ang bata."
Lalong sumakit ang katawan ko nang sabihin yun ni Doktora. Mukhang atat na ring lumabas yung bata kaya naman napabukaka na rin ako. Nakakailang siya, sa totoo lang pero sa sobrang sakit, nawala na siya sa isip ko.
"Glenn, ang arte eh. Akala mo virgin pa," narinig kong natatawang bulong ni Keith.
Kung kaya ko lang siyang saktan ngayon.
Kung gaano kasakit ang nararamdaman ko, ganon din kahigpit ang hawak ko kay Keith. Siya ang cheerleader ko habang nanganganak.
"You can do it, Glenn. Pero itong isang kamay ko naman. Hindi na makahinga yung isa eh." Tapos pinalitan niya yung kamay na nakahawak sa kamay ko. Ilang beses niya yung ginagawa kapag nararamdaman kong nanlalamig na yung kamay niya sa pagkakakapit ko. Mukhang hindi na nga makahinga.
Hindi ko alam kung gaano katagal ang labor ko pero ang alam ko lang, sobrang tagal.
All these pain I am feeling right now makes me want to say sorry to Mom for all of the bad things I have done to her. Totoo, mahirap manganak. Mas mahirap at masakit pa ito kesa sa mga napapanood kong panganganak sa tv. Mas masakit pa nung nalaman ni Nam na cannot be sila ni Shone kasi may iba na si Shone. Mas masakit pa nung nakita ni Bash na may Trisha na si Popoy. Sobrang sakit.
Gayunpaman, laking pasalamat ko na nandun si Keith. What did he do when I almost started to cry in pain? He sang.
I don't know if there is an actual relation or explanation to it, but it somehow helped me. Wala namang sinabi si Doktora sa pagkanta ni Keith. Hinayaan lang niya. Hindi ganon kalakas ang pagkanta niya. Sapat lang para marinig ko. Kinakanta niya yung mga kantang madalas naming marinig sa radyo. Doon ko napagtanto kung gaano kadami nga talaga ang mga kantang alam ni Keith. Hindi nauubos yung mga kanta niya.
It was a long labor until I heard a cry of a child. Finally.
"Oh, my God!" he said, teary-eyed, as he saw one of the nurses carry our child.
Ibababa ko na sana yung mga binti ko nang pigilan ako ni Doktora.
"May isa pang ulong nalabas, hija. Iri pa," aniya na ikinagulat ko.
"Pero po..."
"Glenn, may isa pa. You are going to have twins!"
Mabilis na bumalik sa pagkakaupo si Keith at hinawakan ang kamay ko. Tumatawa-tawa pa. Akala mo hindi naiiyak kanina.
"You can thank me for doing a great job later," he said then winked at me.
Isa pang napakahabang labor ang naganap. We weren't even expecting it. Sa ultrasound, babae lang ang na-detect.
Ito na siguro yung sakit na, at the same time, masarap sa pakiramdam, kasi alam mong pagkatapos ng hirap, makikita mo yung bunga non. Yung magandang resulta.
Hindi naman kasingtagal ng panganganak ko sa baby girl namin ang pagitan ng paglabas ng twin niya. Halos magtatalo na sa tuwa si Keith paglabas nung bata.
He stooped down, wiped my tears and sweat and kissed my lips. "You did it, babe. Thank you! Magpahinga ka na muna. 8 hours of labor isn't a joke. Ako na ang bahala. I love you."
Isa rin sa dahilan kung bakit sa kabila ng lahat ng sakit ay kinakaya ko pa rin, si Keith. Because I know even though how much it hurts, I am not alone.
After a long labor, I slowly closed my eyes and rested.

**
One last chapter everyone! Sa wakas, patapos na tayo. Hahaha! So, I thought of making a Twitter account so I could interact with you, guys, easily. What do you think? Should I or not? Comment it down below. Lol
Also, I am open for suggestions for the twin's name. One for a girl and one for a boy. Good night!

HF 2: His ThantophobiaWhere stories live. Discover now