Monopoly (One Shot)

120 2 1
                                    

A/N: Dahil malakas ka sakin (at maganda ako) gumawa ulit ako ng one shot para sayo, but I can't promise na kasing ganda ko ito. :D

«»«»«»«»«»

Mahilig akong maglaro ng monopoly. Bakit? Simple lang naman ang rason ko, kasi ang larong ito ay parang ang takbo ng buhay natin. Minsan, lugi tayo at minsan naman ay nasa taas tayo. Kailangan kang maging mautak kundi mawawala sa'yo ang lahat. Huwag kang basta-bastang gagawa ng desisyong hindi pa napapag-isipang mabuti. Dapat marunong kang magtimpi,magtipid, maingat. Kahit na simpleng laro lang ito, ipinapakita na rin dito kung paano gumalaw ang mundo sa kamay ng pera...

Pero syempre, joke lang! Natatawa kasi ako sa mga mukha ng mga kaibigan ko kapag nauubusan na sila ng pera, yun lang! XD

~~~

"Peyton! Maglaro kasi tayo ulit mamaya!"

Para akong bata na nagtatantrums sa ginagawa ko. Napatingin naman sa akin ang kaibigan ko at binigyan ako ng bored look.

"Maglaro ka ng monopoly mag-isa mo."

Ibinalik niya ulit ang atensyon niya kay Blythe at nakipagkuwentuhan.

"Please! Hindi ko na kayo tutulugan, promise! Sige naman na Peyton, Blythe!"

This time, parehas na silang tumingin sa akin, ngumiti sila kaya napangiti ako, papayag na yan.

"No."

Napasimangot naman ako. Grabe naman sila, maglalaro lang ng monopoly eh, may free snacks pa! Ang arte-arte naman, baka ngayon gusto nila libreng meal?

"Tss. Edi wag! Ililibre ko pa naman sana kayo sa canteen, 100 PESOS!"

At talagang pinarinig ko pa, ang mga loka naman, parang biglang kuminang ang mga mata nila at ang bilis na lumapit sa akin.

"Talaga?"

"Sure?"

Tinaasan ko sila ng kilay at tinignan ang.mukha isa-isa.

"Wag na, ibang tao nalang."

Sabi ko at tumalikod. Okay lang, bahala sila dyan. Hahanap na lang ako ng iba.

"Kung hindi kami sasama edi di rin sasama si Eigen!"

Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanila. Nakit ko naman na naka-smirk si Blythe. Nyetang babaeng ito, alam na alam ang weakness ko.

"Fine! Fine! Oh eto, pera, sumugod na kayo sa canteen."

Nakasimangot kong sabi. Tinignan ko naman silang tumakbo palabas ng classroom, ang lakas-lakas pa ng tawa. Talo nanaman ako. Dapat talaga di ko na lang sinabi kay Blythe, ginagamit niya tuloy pangblackmail sakin.

Sino si Eigen? Ang lalaking tinitibok ng puso  ko--choss! Wahahaha! Halata naman na di ba? Siya yung gusto kong makasama habang buhay! Wahahaha! Pakshet! Hanubayan. Okay, seryoso na, siya yung kinakabaliwan ko dito sa school. Kung artista pa yan, isa akong die-hard fan. Ganun yun! Ang problema nga lang, pinsan siya ni Blythe and he's one year older than us. Meaning 4th year siya ngayon. Huli na nga ng malaman kong pinsan pala siya ni Blythe at ang gaga, binablackmail ako, kung hindi ko daw ibibigay o gagawin lahat ng gusto niya eh ibubuking daw niya ako. Oh diba? Yan ang totoong bff.

~~~

Nasa bahay na ako ngayon. Kasama ko si Peyton habang hinihintay ang magpinsan na dumating. Dito kasi kami maglalaro sa bahay, sanay na din naman sila at sina mama na pupupunta silang tatlo dito para maglaro ng monopoly.

Excited nanaman ako, syempre dahil makikita ko nanaman si Eigen-my-labidabidabs. XD

"Kalma lang girl, baka mahimatay ka dyan bago pa dumating si love-of-my-life mo." Natatawa niyang sabi. Alam ko namang nang-aasar nanaman siya dahil sa matinding gusto ko kay Eigen.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Monopoly (One Shot)Where stories live. Discover now