[31] Unexpected Goodbyes

36 5 0
                                    

Lauren's P.O.V


"Naknam" bulong ko habang pahirapang inaakyat ang puno upang makatawid sa balcony ng kwarto ko. Wala akong magagawa. My phone is dead to call kuya Goryo, and I don't want to make a scandal at three in the morning just to wake him up, because I might probably wake the whole Ville.

Napabuntong hininga ako nang makatalon na 'ko patawid sa balcony. Oh diba, ganun lang. Speed lang. Nakapasok na ako sa kwarto at hindi na nag-abalang buksan ang ilaw. Dumiretso na ako sa kama at muling nagpakawala ng malalim na paghinga.

....

"Hello ma? Si Lauren po? Di ko po alam kung nakauwi na sya eh. Kagabi ko pa po sya tinatawagan di sya sumasagot---"

I heard kuya's voice from the outside. I tried to get up but I couldn't even make a move. Shet, parang  binibiyak ulo ko.

"Aish" singhal ko nang tumama sa akin ang sinag ng araw. Umaga na pala! Ba't parang isang oras palang akong natutulog?

"Sige ma, ingat sa biyahe ah. Labyu po. Sayang talaga hindi nyo sya naabutan. Dibale po, ipapasabi ko na lang."

Nagpantig ang tenga ko nang marinig ko ang sinabi niya. Anong biyahe?

Hindi ko na inalintana ang sakit ng ulo at katawan ko, dahil ngayon palang ay gising na gising na ang diwa ko. This can't be happening. Anong pinagsasasabi nya?

Walang suklay suklay, walang tingin tingin sa salamin, nagmartsa ako palabas ng kwarto. At nadatanan ko si kuya Goryo na kakababa lang ng hawak nyang cellphone. Napabalikwas sya sa gulat at muntikan pang mahulog sa hagdan. Mabuti na lang at napahawak sya sa doorknob ng pinto ni ate Ally. Hindi ko alam kung bagong gising ba siya o sadyang namula lang ang mga mata nya kaiiyak. Ngunit mas nangingibabaw ang pagkagulat at takot sa kanyang mukha nang makita nya ako ngayon.

"L-lauren---"

"Where's Mom?" I sternly asked.

"L-lauren n-nakauwi ka na pala--"

"NASAN SYA?! KUYA NASAN SYA?! PLEASE TELL ME MALI ANG INIISIP KO SA NARINIG KO KANINA!"

Nanatiling tahimik si kuya Goryo dahil sa takot. Hindi nya ako sinasagot.

Sinugod ko sya at hinawakan sa magkabilang braso tsaka sya niyugyog upang piliting magsalita.

"KUYA PLEASE TELL ME I JUST MISUNDERSTOOD IT! KUYA PLEASE TELL ME WHERE THE HELL SHE IS!!!  NASAN SI MAMA KUYA!!! PLEASE TALK TO ME!!!" Paulit ulit ko syang niyuyogyog dahilan upang lumikha nang maingay na kalabog sa pinto. Maya-maya lamang ay bumukas ito at tumambad sa amin ang bagong gising na si ate Ally. Kinukusot nya pa ang kanyang mga mata habang humihikab.

"Ano ba Lauren Michelle? Inumaga ka na nga ng uwi, maaga ka pang mambubulahaw!" bulyaw nito sa akin.

"Gregorio, paalisin mo nga yan dito. Geez, aga aga ang sakit nyo sa mata." Pataray nitong saad at tumalikod.

"Lau halika na sa baba." akmang hahawakan na ako ni kuya para alalayan pababa ng hagdan nang bigla kong iwakli ang kanyang mga kamay.

"ANO BA!!?!?! HINDI BA TALAGA KAYO SASAGOT!!! ASAN SI MAMA!!!" I hysterically yelled. Humarap si ate Ally nang marinig nya iyon.

"Ano ba Gregorio, ang simple simple lang ng tinatanong sayo. Bobo ka ba?" iritadong tanong nito tsaka humakbang palapit sa akin.

"Umalis na si Mama. Babalik na sya ng America." Walang kagatol gatol nitong saad.

And that was the time when I know that my world collapsed.

Hindi ko maproseso ang sinabi nya kaya nakaawang lamang ang bibig ko.

LAHAT NG HASSLE AY MAWAWALA [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon