CHAPTER 5: She's Falling

29 4 0
                                    

Noise’s POV

3:30 pm.

Pauli-uli na ko sa apat na sulok ng classroom kung saan dapat may mangyari para naman manalo kami at the end of the semester. Yung subject na lang na yun ang problema ko. Bakit pa kasi sa dinami-rami ng girl sa section namin sya pa yung nakagroup ko?.

Well at some point, I can say she’s a fast learner. First day namin kahapon sa “tutorial lessons” na ako ang nagpresinta. Ewan ko ba kung bakit ko ginawa yun. May potential sya. The other girls in our group can sing well. Wala akong problema sa kanila. Sa kanya lang talaga.

4:30 pm

Pero at some point nakakairita na sya. I was waiting here for an hour already! Nagawa ko na yung mga “visual aids” para sa pag-aaralan nya ngayon. Pero wala pa rin sya.

“Hey bro, anong ginagawa mo dyan?”, si Trip at si Sev. -.-“. Nakalimutan ko na tuloy na may klase nga pala sila sa katabing classroom.

“Ahm, wala mga bro. nag-oovertime lang sa pag-aaral.”

With your guitar?”, sarcastic si Sev. I brought my guitar kase we’re going to study about tuning the voice with an accompaniment.

“Ahm, di ba you have your class? Malalate na kayo.”, gandang palusot nito.

“Cut nalang kami ng classes, last subject na naman namin dyan sa kabila. Jamming nalang tayo dito.”, Trip grinned.

Sabagay ngayon na lang ulit kami magkakasamasama since nung nagstart ang semester.

-----------------------------------------------------

Musica’s POV

Napapatulala na naman ako ngayon. Di ko kase malimutan yung boses ni Noise. Sobrang plakado. Parang professional singer. Ibang level. Naririnig ko pa rin sa isip ko yung kanta nya.

“Girl natulo na yung laway mo. Kadiri ka.”, si Tanya, isa sa dalawa kong bestfriends. Nagtawanan sila.

“Sobra ka naman. Tutulo pa lang ang exagge mo naman nasa present tense ka na agad?”,  at naghalakhakan kami.

“By the way, nakapag-isip ka na ba ng kakantahin natin sa Finals ng music subject naten?”, si Macy, yung isa ko pang BFF.

Nagkakilakilala kaming tatlo nung G7 pa kami and nag clique kami agad agad. Pare-parehas kasi kaming into music. Laging kumakanta sa school programs nung junior years namin si Tanya. Si Macy naman panlaban ng school sa mga vocal solo competition palibhasa mataas yung boses. Tanya is a soul, RnB and acoustic type of singer while Macy is into pop. Ako kahit ano gusto ko. Maparock, pop, RnB, soul, kahit ano pang genre yan.

Adito kami sa cafeteria ng university namin. Since tapos na yung classes namin, dito na kami dumiretso para magdagdag ng calories na sigurado namang masusunog din namin bukas kasi its Saturday tomorrow! Nag-gi-gym kami tuwing weekends to maintain our sexy and gorgeous body. Wahaha. Pwede na kaming maging model ng bra at panty sa mga brochures ng Avon. Joke. XD. Bench body na lang. Yon tama lang yon. Wag lang FHM, masyado pa kaming bata. Kaka debut lang naming tatlo. And speaking of debuts, magkakasunod kami ng birthdate. Coincidence ba o destined lang talaga? Siguro pag-19 na pwede ng magFHM model. XDDD isang malaking joke yun ha.

“Kanta? Ay oo nga pala may usapan kami ni Noise!” , napafacepalm ako. Lagot ako dun.

“Noise? Si Mr. Serrano? Oy girl anung usapan yan? Bakit di kami informed?”-Tanya.

“Oo nga naman. Teka, are you dating?”, mukhang demonyita yung smirk ni Macy.

“Of course not! He just volunteered to be my voice coach and that’s all. And speaking of coaching, mga girls may usapan kami ngayon, late na ako. Sige girls bye!”, nagbeso na ako sa kanilang dalawa bago kumaripas ng takbo.

“Sige girl.”, yun na lang ang narinig ko sa kanila kase parang lilipad na ako sa bilis ko maglakad.

.

.

.

.

Teka ba’t ba ako nagmamadali eh puros kayabangan lang ipinamumukha nya sakin? And for the nth time, napag-isipan ko na ring sumakay ng elevator.

*Ting*

Dali-dali akong lumabas ng elevator the moment na tumigil yun sa 5th floor. Pinagtitinginan na ako ng mga students na mukhang katatapos lang ng klase sa hallway. What’s the rush? Grabe nakakahiya.

Room 407

Eto na yung room.

Si Noise nakaupo sa may teacher’s table. Natutulog. Anung oras pa sya rito?

He looks like an innocent sleeping angel. The perfect shape of his nose suited the contour of his gorgeous face. His pinkish lips compliment the shade of his skin color. He’s a mestizo.

Sa sobrang pagnanasa,  este pag-eexamine ko ng kanyang mukha unti-unting lumapit yung mukha ko sa kanya. And I was an inch away from his face. I can hear his heartbeat, I can smell his breath. In all fairness walang bahid ng kung anumang kinain nya sa lunch kanina. Parang bago pa ring toothbrush ‘tong lalaking to. Ang tight ng pores nya sa malapitan. Kaya pala ang kinis pag malayo, ano kayang gamit nitong facial wash? Nag pa-pond’s men ba sya o nivea men? Baka imported yung gamit nya. May pangbabae kaya nun? Matry nga. Naniningkit na yung mga mata ko sa lapit ng mukha ko sa kanya. Tinititigan ko yung nakapikit nyang mata ng,

“What are you doing Miss?”

Shocks! Napaatras ako. Bigla na kasi syang tumayo. Ginulogulo yung hair nya. At bigla akong hinawakan sa magkabilang balikat. Isinandal nya ako sa may whiteboard. He’s so firm. Nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko. What????!!!! Nagblublush na ako!!!

“Where in the world did you come from Miss? You’re late.”, mahinahon pero may authority nyang pagkakasabi sakin. Nakapikit kasi ako. I don’t know what to do or what to say.

“I was…”, pinutol nya yung sasabihin ko.

“Don’t say anything. Your breath smells like chicken burger with spaghetti. I know where you came from na.”

Shocks! Ang yabang talaga! 

When MUSIC meets NOISEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن