Kinuha ko naman ang phone ko dahil nag iingay ito, mag tatanghali na ako nagising.

Kagabi tinulak tulak ni Misha si Eric na dito matulog sa cabin ko dahil kaibigan na daw kami, hinayaan ko nalang din kaysa naman doon siya kay Misha, kahit pa mag kaibigan sila hindi padin mawawala sa isip ko na baka may ginagawa sila don't get me wrong alam ko naman na kayang protektahan ni Misha ang sarili pero iba padin ang sigurado kaya pumayag ako at hanggang ngayon tulog pa si Eric, nag lalaro kasi ito kagabi bago natulog.

"Jassie" sagot ko, kapatid ko pala ang tumawag, nakalimotan ko kagabi tumawag sakanya.

"Kamusta ka na kuya? ako nalang yung mangangamusta at tumawag sayo, nakakahiya naman sayo eh"

"I'm fine Jas ikaw ba?"

"Okay lang din kuya, yung extra ticket kuya may napag bigyan ka na ba?" rinig ko naman ang pag ka excite sa boses ng kapatid ko.

Lumabas naman ako para hindi ma disturbo ang pagkakatulog nitong kasama ko, napangiti nalang ako sa maaliwalas na karagatan, kahit ang dami ng tao hindi padin natatabunan ang kagandahan ng lugar.

"Binigay ko na Jassie" napatingin naman ako sa katabi kong cabin pero tahimik lang ito kaya binalik ko nalang ang atensyon ko sa harapan ko pero napako yung paningin ko sa duyan.

Andon si Misha, nakahiga ito at hawak hawak ang cellphone niya sa kanang kamay niya habang may hawak itong juice. Nakasuot pa ito ng dilaw na dress pero hindi ito nag papigil sakanya na humiga sa duyan.

"Sino nga kuya!" napabalik naman ang atensyon ko sa katawag ko.

"Bakit ka ba sumisigaw?"

"Kanina pa kita tinatanong hindi mo naman sinasagot eh!"

"None of your business Jas"

"Of course it's my business, pera ko kaya ang ginamit para bilhan yang mga ticket"

"Tsk, it's Misha okay na ba?"

"Ohh? babae? girlfriend mo?"

"Ofcourse not ano ba pinag iisip mo diyan"

"sus! paatik man ka kuya oy!" kumunot naman ang noo ko sa sinabi ng kapatid ko.

"Ano?"

"Wala! sige na may pasok pa ako! good bye!" binaba niya naman ang tawag, napailing nalang ako dahil sinigawan lang naman ako ng kapatid ko.

Nilagay ko sa bulsa ko ang cellphone ko at nilibot ulit ang paningin sa buong paligid.

Ang dadaming mga babaeng naka bikini na at mga lalaking naka summer shorts.

Ang dami din mga taong makikita mong hindi talaga taga dito syempre sa mga mukha palang makikita mong hindi lang pinoy ang mga andito.

Napatingin ulit ako kay Misha, ngayon nakita ko ang pag tingin niya saakin pero umirap ito nang mag salubong ang mga tingin namin.

Tumawa nalang ako ng mahina sabay iling at nilapitan siya.

"Problema mo? ang aga aga inirapan mo na ako?"

"Masakit ka sa mata"

"May galit ka ba saakin?"

"Bakit mo naman nasabi yun?"

"Kasi sinusungitan mo na ako"

"Ayoko sa mga taong malibog"

"Hindi nga kasi ganon ang nangyari eh! totoo naman kasing nawalan ako ng malay kagabi nung kinakausap ko si Nicole at yung bumalik ka na sa cabin mo, yun talaga ang totoo, akala ko nga pag dating nung babae makakahingi ako ng tulong yun pala siya pala may pakana non"

Snow White and the Poisonous Apple ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora