Chapter 4 - Blood Line

245 13 0
                                    

Naramdaman ni Kyla ang mainit at nakasusulasok na hininga ng werewolf sa leeg niya. Halos dumikit na ang mamasa-masang nguso nito sa balat niya at nang ibuka nito ang bunganga, namalas niya ang mga malalaking pangil nito. Napatili siya at tinangkang lumayo. Umigkas ang matipuno at mabalahibong braso nito; nakalmot siya sa kanyang kanang balikat. Bumagsak siya sa lapag. Nang tingalain niya ito, nagbago ang hitsura ng halimaw. Nang una'y naging ang Tito Frankie niya at pagkuwa'y nag-transform sa katauhan ng isang taong miss na miss na niya.

"Daddy?"

"Sorry anak," taimtim nitong sabi, puno ng pag-aalala ang mukha.

Sa puntong iyon nadama ni Kyla ang pag-iinit ng kalmot nito sa kanya. Kumalat iyon tipong pasasabugin ang katawan niya. Biglang nabanat ang balat niya sa mukha, naging malformed hanggang sa maging hugis nang sa aso. Sunod ay mabilis na tinubuan siya ng itim na balahibo. Kaagad iyong bumalot sa kanyang mukha at naging mas makapal sa katawan hanggang sa mapunit ang ternong pajamas niya.

Napasulyap siya sa mga kamay. Lumapad ang mga ito. Humaba at nanilos naman ang mga kuko niya.

No! dikta ng isipan niya. Habang tila nadoble ang kakayahan ng sense of hearing niya, tumalas din ang pang-amoy niya. At dugo ang naaamoy niya. Malakas ang atraksyon niya dito.

Hindi pwede ito.... Unti-unti nang tumaas ang mga pangil niya mula sa mga panga. Gusto niyang sumigaw at sinubukan niya.

Alulong ng lobo ang kumawala sa bibig niya.

Tinawagan ni Kyla ang boyfriend nang magising sa isa pang bangungot – na siya ang mismong werewolf!

"I think... nagbabago na talaga ako," kalmadong saad niya kay Lee matapos ang nag-aantok nitong paghe-hello. Papaiyak na talaga siya sa takot at gusto niyang maghisterikal, nagpigil pa siya. "Na ganap na talaga akong werewolf katulad ng mga relatives ko."

Naalaala niya ang tiyuhin at si Mau. Ang sabi ng mga sekyu, imahinasyon lang ang nakita niyang katawan ni Tito Franco. Maniniwala na sana niya. Pero paano naman ang duguang necklace ng BFF? Tunay ito kaya sigurado siyang totoo rin ang nakita niyang nangyayari sa CEO. Hindi siya nag-imagine.

At siya ang salarin!

"Babe, I think... ako ang pumatay kay Tito Franco at kay Mau. Nilapa ko rin sila katulad ng ginawa ko kay Whitie."

"A-anong?" Nagtunog-listo na ang boses ng nobyo sa mga sinabi niya. Halatang nairita rin. "Babe, it is 3 am in the morn. At hindi mo sinasadya ang nangyari kay Whitie. You were sleep-walking."

Isang buwan ang nakalipas nang magising si Kyla na patay ang alagang aso. Nag-beach sila noon sa Batanggas ng boyfriend ilang araw matapos ang 18th birthday niya. Sa kabila ng paliwanag nito na napatay niya ang tuta sa kanyang pagtulog dahil sa matinding stress, malakas ang kutob niya na ang 'dugong' namana ang dahilan niyon.

"Nakita ko ang bangkay ni Tito Franco." Napahikbi na siya. "Para siyang inatake ng malaking hayop. Si Mau naman ay nakita ko ang kuwintas niya sa bag ko. Dapat ay susunduin niya ako. Pero hindi na siya nagpakita sa akin. Duguan ang kuwintas niya, Lee!"

"Narito pa ako sa Laguna." Naging concerned na ang kausap. "Thursday pa ang balik ko. But... look, Babe. Luluwas na ako mamaya. Wait for me. Nasabi mo na ba sa mommy mo?"

"Ayaw ko muna." Matapang si Kyla pero napaluha siya sa isang alaala. "Tanggap ko na... pero hindi ko muna sasabihin kay Mommy. Baka layasan din niya ako katulad ng ginawa niya kay Daddy -"

"Kyla..."

"Yeah... I know. Pero hangga't hindi ko pa mareremedyuhan ang 'minana' ko, hindi ko muna ipaaalam sa kanya."

Dilaw na Buwan (Published by Lifebooks)Where stories live. Discover now