Hindi naman weekend pero bakit ang daming tao?

Pumasok nalang ako ng cabin ko, nakita ko naman ang cellphone ko na umiilaw.

Iniwan ko kasi ito kanina bago ko pinuntahan si Ville, agad ko naman itong kinuha at sinagot.

"Eric" bungad ko sa tumatawag saakin, lumabas naman ako ng cabin ko at bumalik sa kanina kong pwesto.

"Wife"

"Yeah?"

"Asan ba kasi to" bulong niya.

"Problema mo?"

"Andito kasi ako wife" kumunot naman ang noo ko sa sinasabi niya at malakas ang hinala kong sinundan niya ako.

"San?"

"I track you kanina kasi tapos non sinundan kita at sabi ni kuya Aladdin dalhin daw kita next week sa manila"

"fck?" napabangon naman ako, sa pag bangon ko nakita ko si JM na may ngisi sa labi.

Inirapan ko naman ito.

"Andito kasi ako sa terminal at hindi ko alam pano pumunta diyan"

"Sino ba naman kasi nag sabi sayong sundan ako?"

"Narinig kong may lalaki kang kasama diyan"

"It's just my neighbor Eric" napahilot naman ako sa noo ko at tumayo nalang nilagpasan si JM.

"Snow, sorry na hindi ko na uulitin yun promise mag iingat ako hehe" nag salita naman itong si JM nang nilagpasan ko siya.

"See! may kasama ka nga!" Eric

"Pupuntahan na kita diyan tsk!" binaba ko na yung tawag at humarap kay JM.

"Bahala ka sa buhay mo, kung may mangyari pa sayo wala na akong pakialam sayo"

"Hindi ka ba na curious bakit ang dami ng tao?"

"Ikabubuti ko ba yan?"

"May isang ticket pa ako sayo nalang, bukas na yung frolic dito"

"Bahala ka"

"Thank you gift ko yun sayo hahaha"

Nilagpasan ko naman ito at umalis nalang.

Pagkadating ko ng terminal nakita ko si Eric sa labas ng 7/11, lumabas naman ako ng kotse ko at nilapitan siya.

"Bakit ganyan suot mo?" gulat na tanong ni Eric saakin agad niya naman hinubad ang jacket niya at pinasuot saakin.

"Alam mo ba ang mga Pilipino na babae conscious yan sa mga damit nila, hindi sila nag susuot ng masyadong revealing tapos ikaw ganon nalang ang suot mo?"

"May problema ba tayo sa sando?" Inakbayan niya naman ako at hinalikan sa noo.

"Masyadong revealing, pinag titinginan ka eh, tara na, ano ba sinakyan mo papunta doon sa resort?"

Tinuro ko naman ang kotseng nakaparada sa harap ng 7/11.

"Nagdala ka ng kotse dito?"

"Alice gave it to me"

Nilagay niya naman sa backseat ang gamit niya at ako naman pumasok sa driver's seat.

Pagkasakay niya, umalis na kami doon.

"Gutom ako" reklamo niya.

"Bumili ka ng pagkain mo, hindi ko naman kasi sinabi sayo na puntahan mo ko dito at mag pagutom"

"Sino naman yung kasama mo? yung lalaki?"

"Neighbor"

"Pag nakita ko yun mamaya talagang... masyado ka talagang lapitin sa mga lalaki no?"

"kaya pala lumapit kayo saakin noon"

"Kaibigan mo kaya kami"

"Bakit ka ba andito? dapat sumabay ka nalang kila Klyde"

"Hindi ako makapag hintay eh! at sa narinig ko kagabi kaya ito"

Tumigil naman kami sa Jollibee para bumili siya ng makakain niya, pagkatapos niyang nag takeout, kumain siya habang ako nag mamaneho pabalik sa resort.

Pagdating namin sa resort, nahirapan na akong mag hanap ng ma parking ng kotse ko pero buti nalang naka hanap agad ako.

Nakita ko naman si JM sa labas ng cabin niya at may kausap sa telepono, nilagpasan ko lang ito at pumasok na sa cabin ko kasama si Eric.

Wala na daw vacant na room dahil sa frolic daw kaya ito dito nalang siya saakin.

"Siya ba yung neighbor na sinasabi mo wife?"

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now