Gloves and Details.

20 0 0
                                    

"Ganire ga', esprey-esprey ka muna nitong hand sanitayser sa kamay at arms mo, para mamatay baga yang mga jerms mo ga'" pag-dedemo ni Georgina sa akin habang hinihintay namin si Hector dito sa living room nya.

"huh? Bakit magha-hand sanitizer pa?, eh mag-ga-gloves naman ako? Atsaka naligo naman ako bago ako pumunta dito." Pag-tataka ko.

Hindi na ako nag-po kasi napag-alaman ko kanina na kasing edad ko lang to si Georgina, kaya hindi narin ako nag-patawag ng maam sa kaniya.

"Pag nag-suot ka baga ng glabs ay mapupunta iyang jerms doon, ika nga ni ser ay 'ano pang silbe ng glabs pagka ganire'" paglilinaw nya. Kind of? Ang thick kasi ng accent nito ni Georgina.

"Bakit ba ang arte-arte ng boss mo Georgi?" Reklamo ko nalang sa kanya.

"Ay ga', hindi ko rin alam eh pero narinig ko lang nung isang beses, ay may sakit daw si ser?" parang na-tula nyang chika.

"Ano? Cancer?" nonchalant kong hula habang nagsusuot ng gloves.

"Ay grabe ka naman ga', hindi naman ata ganon kalala, parang nag-sisimula sa M? Ano ba iyon? Miisa...---"

"Mysophobia?" hila ko sa salitang nasa dulo na ng dila nya.

"Oo iyon, ano ba iyon? Wala baga akong alam sa mga ganyan ganyan."

"Phobia yon sa mga germs, Georgi." Sagot ko.

"Ahhh.." tango nya naman.

It makes sense now. Kaya nya siguro ako pinagga-gloves.

"Oh sya, maiwan na muna kita diyan ga' hah, kay mag-kukuskos pa ako ng lababo ay."

"Sige Georgina, at baka mapagalitan ka pa ng sir mo." pag-tataboy ko sa kanya.

Bigla nya namang nasapo ang ulo nya,

"Ay sya nga pala,... "nakaka-gulat din tong si Georgina eh.

"...pinapabigay pala ni ser sa iyo." abot nya sa isang box ng disposable gloves at isang bottle ng hand sanitizer.

"Oh nice. Thankyy."  kuha ko naman at umalis na sya.

Taray organic pa tong hand sanitizer na ibinigay sa akin.

Ilang minuto pa akong naghintay bago ko narinig ang yabag ni Hector sa likod ko.
Finally!

"Bagal." bulong ko.

"I heard you." garalgal nya

Nginitian ko naman sya ng natamis.

"Good job!"

Tinignan nya naman ako ng masama.
"you're getting into my nerves Labrusco."
sabay upo nya sa harapan ko, which is halos tatlong metro ang layo mula sa akin,

"Oh bakit nandyan ka? Calculus ang pag-aaralan natin ngayon, hindi pingpong." nasa magka-bilang dulo kasi kami nitong table nya na pagka-laki-laki.

like hello ano to maghahagisan kami ng notebook at sci-cal?

"Have you hit a rain closet before goin' here?" nandidiri nyang tanong at inirapan ko naman sya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RadishWhere stories live. Discover now