PROLOGUE

79 18 19
                                    

Paano ko ba sisimulam ang kwentong ito?

Simulan ko kaya sa *Kriiing* na tunog ng alarm clock na gigising sa aking nananahimik na soul,

Tapos syempre mag-uunat ako ng kaunti then bigla kong marerealize na late na pala ako kaya patakbo akong lalabas ng Bahay habang kina-kain ang pandesal na may palamang star margarin.

Kaso depress ang mood ko ngayon kaya simulan ko na lang sa angst.
---

"Simula ngayon, ayoko nang makitang umaaligid-aligid ka kay Hector. Is. that. clear?!"

I scoffed. " Bakit sino ka ba para diktahan ako hah? Ano ka, batas?"

Parang mama kasi to ni Hector kung makapag-salita.

"Oh gosh! So squammy, I cant even..." Maarte nyang saad with matching pag-takip pa ng ilong,

ang sarap lang bigwasan with passion. Hindi ko tuloy naiwasang irapan ang sugpo na to.

"Did you just roll your eyes at me?!"

Hindi ako sumagot, binigyan ko lang sya ng 'Duh?' look

"Ugh!" She moaned in frustration while massaging her temple, kuma-character si gaga, ang lakas maka-mean girls.

"But anyways, to answer your question," she smirked, "Ako lang naman ang girlfriend ni Hector."

Sus akala ko naman---- wait girlfriend?! Paano? Akala ko ba..what-- it's not...

Biglang sumakit ang ulo ko.

Shet kailangan kong huminahon, Si Stacey lang to, number one delusional fan girl ni Hector. At syempre isa nanaman to sa mga delusyon nya.

"Wews maniwala ako sayo, wag nga ako Stacey please lang."

"Aaaw, hindi ka naniniwala? gusto mo tanungin mo pa mismo si----."

"Stacey."
As if on cue ay lumitaw sa likod namin si Hector na syang naging dahilan ng sandaling pag-tigil ng pag-hinga ko.

"Baby!!!"
Mabilis pa sa share it ay para ng slime na nakakapit itong sugpo sa braso ni Hector,
and he didn't flinch,
which he usually does with.....

with me.

Bakit ganito, parang bumigat bigla yung ribs ko?

"Can you tell her that i'm your girlfriend na baby." Landi ni Stitch ay kako ni Stacey pala.

"Sinong nag-sabing girlfriend kita?"

"WHAT?!" shook na shook na tanong ni ate gurl kay Hector ko,

Nye nye buti nga sayo.

Nginitian lang sya ng malupit ni Hector bago kumuha si Hector ng wine glass at spoon.

"May I call the attention of everyone." Tuktok nito sa wine glass at agad naman syang tinignan ng mga bisita nila.

"Good evening ladies and gentle men... You see, I was never a fan of love before, because I thought love was only made for the fools. But... I know this is so cliché and sappy, but this lovely lady came to soften my stubborn heart, she showed me all the wonders of love by simply being herself. And boy, did I fall for that? Well, I don't mind being a fool as long as she's with me. So...."

tumingin sa direction namin si Hector at nag-tama ang aming mga mata, kitang-kita nya siguro ngayon ang sayang nagnining-ning sa mga mata ko dahil napangiti sya, ang sweet kasi nya at parang damang dama nya yung mga sinasabi nya
at kung hindi lang ganito ang atmosphere ngayon, baka pinagha-hampas ko na ang kung sinong katabi ko sa sobrang kilig.

Pero mabilis na nawala ang sayang iyon nang inilihis nya ang tingin mula sa akin papunta kay Stacey na nasa harapan ko.

Nakarandam ako ng kaba nang unti-unti nya itong lapitan, baka kasi sampalin nya ito.

Pero hindi,
kahit na anong ligaw ko sa sarili ko alam kong may ibang kaba akong nararandaman.

"Stacey." Bulong ni Hector kay Stacey natural.

"Hector." Sagot naman ni Stacey.

Feeling ko tuloy nag-aatendance,
time ko na bang mag-banggit ng name?

At dahang-dahang lumuhod si Hector sa harapan ni Stacey,

Wait anong nang-yayari? naguguluhan ako seryoso.
Alam ko yung mga ganitong scene, at sana mali ako ng hinala, sana mali---

"Stacey Montevilla,
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Will you marry me?"

Parang tumigil ang mundo ko.

Hindi ko na narinig ang sagot ni Stacey dahil nagpintig ang tenga ko, na-estatwa nalang ako sa aking kinatatayuan habang pinanunuod ko silang mag-saya, mag-tatatalon, mag-yakapan, at ano? gusto pa ba nilang mag-halikan sa harap ko?

Hinihintay ba nila kong mag-labas ng kama para makapag-sex pa sila sa harapan ko?

Bakit nag-kaganito?
Akala ko ba may silent agreement kami ni Hector kagabi?

Ang sakit.
inabala ko pa yung mga friends ko para ma-make-upan at ma-ayusan ako ngayong gabi dahil wala naman akong malay sa mga ganyan ganyan, may kulang pa nga yung renta dito sa suot-suot kong dress tapos sasaktan lang nila ko!

Nasasaktan ako kasi nag-effort ako!
nag-effort ako kasi gusto kong maging maganda sa harapan nya,
pero bakit ganito?
nag-muka ata akong tanga.

At nasasaktan ako kasi akala ko sa akin nya yon itatanong.

Binigay ko sa kanya ang ini-ingat-ingatan kong first kiss sana man lang ibinalato nya na sa akin yung honesty nya diba?
Hindi nya pala ako gusto edi sana sinabi nya ng maaga para hindi ko nilagyan ang future ko ng malaking puwang na pag-lalagyan nya.

"Thanks everyone, now will you excuse us and continue the party?"
Sabi ni Hector na nasundan ng mga mapang-asar na ngiti at tawanan at ako lang ata ang hindi natutuwa sa mga nang-yayari.
Para kasi akong na-gago.

Muling nag-tagpo ang aming mga mata, at sana nababasa nya ang mga tanong ko.

"Oh nandito ka pa pala." Singit naman ni Stacey.

"Let me introduce myself to you again Ms. Lobruscu, I'm Stacey, Hector's fiancé, i have the right now, right?"

Gustuhin ko mang mag-break dance sa pagkaka-rhyme ng line nya eh hindi ko na kaya,

sobra na ang pagka-break ng puso ko at natatakot akong gumalaw, baka kasi mahulog pa ito sa sahig. ni hindi ko nga kinayang sumagot sa kanya kaya niilagpasan lang nila ako.

Pero may kung anong lakas ng loob ang nag-push sa akin para umikot at habulin ang hakbang nila.

"Hector." Marahang hila ko sa laylayan ng suit nya....

---to be continue....

~~~

Hala ang haba ng prologue. Anyways don't be shy na mag-comment para aware ako na may kausap ako okay? hihi.
yun lang wala na kong masabe bye.

-K

RadishWhere stories live. Discover now