First meet

47 18 17
                                    

Maalinsangan at nakaka-antok.

Ewan ko ba kung bakit dito pa ako na-assign sa drive-thru ng Jellybeans. bukod sa may hika ang aircon dito, eh wala rin akong makausap na nilalang.

Alam kong dapat maging thankful pa nga ako dahil madalang lang ang umu-order sa drive-thru.
Pero kasi, mas naiisip ko yung mga problema ko sa life pag mag-isa lang ako. Like sinubukan ko namang kausapin yung cash register pero wala talaga, puro ting! lang naman ang advise nya sa akin.

*BEEP BEEP*

Ay shet! May customer na pala, hindi ko namalayan.

"Good day sir! Welcome to Jellybeans! May I take your order sir?" Magiliw kong bati sa customer kahit dala-dala ko ang mundo today.

Haysssssssss
Kasi naman eh! Ang hirap din maging tao minsan! Lalo na kung working student ka na nawalay sa family mo dahil nilagay ng Pilipinas lahat ng sikat na university sa Manila.

"So when are you planning to take my order?" Natauhan ako sa masungit na sambit ng lalaking customer.

"Ah! eh! i'm sorry sir! Ano po ulit yun?!"

Agad-agad nyang tinakpan ang mga tenga nya.

"Jeez! Wag kang sumigaw! Di ka ba na-orient na may suot kang lavalier mic?!" Angal nya.

Oy ma-atitude si kuya oh, grabe mag-react akala mo...

Tinignan ko sya mula ulo hanggang adam's apple, muka naman syang anak ng mayaman at...

Fine! Pogi sya and everything!
Pasok sya sa standard ko!
Pero syempre hindi ko yun aaminin kasi tinatamad akong magbigay ng details. Haha

"Done checking me out?"
Bored na akusa nya na agad ikina-sindak ng ego ko.

"Hindi po." Bulong ko sa mic, yung tipong pang asmr vlog para matugunan ko ang kanyang wish na wag ako sumigaw.

Malay natin, baka nakalista yun sa bucket list nya. At least may mako-cross out na sya diba?

"Nang-aasar ka ba miss?" Inis nyang tanong at nababakas sa kanyang panga ang pagka-irita.

Eh?

Tinitigan ko nga lang with my poker face.

Akala nya ba madadaan nya ko sa ganyan?

Pero hindi nagpa-talo ang mokong, aba't nakipagtitigan din at sinusubukan pa akong sindakin!

*BEEP BEEP BEEP* (tunog ng thermometer, char)

Natigilan kami dahil binusinahan na sya ng kasunod nyang kotse at narinig ko naman syang nag-buntong hininga.

"Iced. coffee. regular." Madiin nyang sabi kulang nalang ibaon sa eardrums ko bawat letra

"Yun lang po sir?"

I mean, wala ba syang balak mag-burger or anything?

"What's that suppose to mean? Are you trying to insult me?" Nanlilisik nyang tanong.

Luh? Paano yun naging insulto? Concern nga ako diba.
Tsaka bakit ba ganito ang mga tanungan nya?!
Akala mo ina-api sya ng mundo.

Yan kasi, kaka-twitter yan!

"That will be 75 pesos and 75 cents sir." in character kong pagi-inform.

Muli kaming nagsukatan. At ilang sandali pa'y narinig ko naman ang nakaka-stress nyang buntong hininga  habang kumukuha sya ng pera sa wallet nya.

Binalik nya sa akin ang nakaka-sugat nyang tingin at matalim na ini-abot ang pera nya.

Isang libo?
For real , kapeng tig- sesebenti lang yung bibilhin 1k pa ang nilabas?
Tss.
Tsaka akala ko ba credit card ang uso sa mayayaman.
Tss.

RadishWhere stories live. Discover now