And by that naglabasan na sila ng sama ng loob sa isa't isa.

Tahimik ko lang silang pinapanood habang nakataas ang kilay.

"Yaaaaaa!" sigaw na pasugod ni Gabby kay Jenica.

Nakacross-arm lang na nakatayo si Jenica na parang di siya natatakot sa pagsugod ni Gabby.

Ng itatama na ni Gabby ang espada kay Jenica. Humakbang lamang ito pagilid upang makaiwas habang nakacross-arm pa din ang dalawang braso at seryosong nakatingin kay Gabby na tagaktak ang pawis.

"Yan lang ba kaya mo. Ang duling mo naman." nakangising pang-aasar ni Jenica kay Gabby.

Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Gabby at ang pagkainis na namumuo sa mukha niya.

"Di man lang ako nakaramdam ng pagod." mataray na sabi ni Jenica habang nakatingin kay Gabby.

I know what Jenica's doing. It is her technique para maging matapang si Gabby at maging palaban. Dahil oras na pakitaan mo siya na ayos lang na nagkakamali siya ay lalong di siya matuto. Kaya di ko sila inaawat. Dahil alam kong tama ang ginagawa ng kapatid ko.

Dahil kanina rin ay ganun ay ginawa ko sakanya...

"Wag mo kong subukan." inis na sigaw ni Gabby at tsaka sinugod muli si Jenica na halos katabi na niya.

Ngunit nakaiwas pa rin ito.

"Ohmyghad di ko akalaing magsasayang lang ako ng oras para sa tulad mong mahina." sarkastikong sabi ni Jenica kay Gabby.

Agad na tumalikod si Jenica at naglakad paalis na sana ng biglang...

Kaya napatayo ako sa kinauupuan ko. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. At di ko na nasundan pa..

Nanlalaki ang mga mata ko ng makita ko si Jenica na nakaamba ang espada sa leeg niya. At nasa likod niya si Gabby.

Napangisi ako.

She know now!

Nakita kong napangiti ang kapatid ko. At dahan-dahang tinanggal ang espada sa leeg niya na nakaamba. Tsaka hinarap si Gabby.

"Mabuti naman natuto ka na." maikling sabi ni Jenica. At tsaka ngumiti kay Gabby.

"What do you mean?" nagtatakang tanong ni Gabby.

"Di mo ba napapansin na sinusubukan ni Jenica ang katatagan ng emosyon mo? Sinusubukan niyang galitin ka? Dahil pinipigilan mo ang sarili mo ilabas ang nararamdaman mo." sabat ko habang nakacross-arm na nakatingin sa kanila. Kaya napatingin sakin ni Gabby.

"Tama si Ate." nakangiting sang-ayon ni Jenica.

"Btw congrats. Marunong ka na maglabas ng nararamdaman." sabi ko tsaka tumalikod. Babalikan ko na kasi si Cheena. Pero bago ako tuluyang umalis..

"Jenica turuan mo siya ng iba't ibang technique sa paggamit ng espada." sabi ko tsaka tumalikod na.

Pagbalik ko sa sulok ng Training room nakita kong tulala pa din si Cheena na tila malalim pa din ang iniisip. Di niya nga napansin na nasa harap na niya ko.

"Cheena. Magsisimula na tayo." I said tsaka kinulbit siya.

Ng mapansin ako. Dali-dali siyang tumayo at ngumiti.

"Handa na ko?" nakangiting sabi niya sakin.

"So tara na." yaya ko sakanya.

Tumango naman siya bilang sagot. Sinenyasan ko siyang sumunod sakin papunta sa bandang gitna.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon