A 17 Year Old bride (12)

835 10 1
                                    

Pumasok kami sa isang fast food. Nakaramdam ako ng gutom nung maamoy ko yung mga pagkain dito. Mukang mapaparami ako ng kain. Si Rye ang umorder at ako naman ang naghanap ng upuan. Nakita kong ang daming nakatingin sa kanyang babae. Pati yung babae sa counter todo pacute sa kanya. Lakas pala ng dating ng lalaking ito. Pagkaorder nya ay binigyan lang sya ng number at naglakad na palapit sakin. Madami akong narinig na nagbulungan. Haynaku nagbulungan pa e dinig din naman.

"Ay sya pala yung girlfriend"

"In fairness bagay sila."

Umupo naman sya sa harapan ko. As always nakasimangot pa din.

"Oh bakit ganyan ka makatingin?"

Kumunot pa yung noo nya. Sungit talaga nito pero nasasanay na naman ako.

"Oh bakit anong masama sa tingin ko?"

Bigla namang sumulpot yung waiter.

"Sir, mam, ito na po yung order nyo." tapos nilagay nya sa table namin yung mga pagkain.

"Enjoy your meal" tapos umalis na din sya.

Wala ng nagsalita sa aming dalawa. Kumain kami ng hindi man lang nagtitinginan. Actually pasimple akong tumitingin sa kanya. Ang hinhin nyang kumain samantalang ako punong puno yung bibig ko. Pero ayos lang ganito ako nageenjoy kumain eh.

Nung natapos na kami ay hinatid nya ako sa bahay namin.

A 17 Year Old BrideWhere stories live. Discover now