A 17 Year Old Bride (7)

825 13 0
                                    

Sumugod agad ako sa ospital. Sana naman okay lang ang daddy ko. Naiiyak na ko.

Pagkadating ko sa ospital niyakap ko agad ang dad ko.

"How are you dad?"

"Medyo okay na. Buti dumating ka."

Pumasok yung nurse.

"Excuse lang po. Kailangan na pong uminom ng gamot ng pasyente."

"Ah sige po. Dad labas muna kami ni yaya ha."

"Sige hija." tapos kiniss ko sya sa cheeks.

Lumabas kami ni yaya.

"Yaya ano bang nangyari ha?"

"Masyado kasing naistress ang dad mo. Madami kasing problema sa office eh."

"Pasaway talaga..."

"Pero sabi ng doctor okay na daw sya nga yun. Sa isang araw pwede na syang lumabas."

"Buti naman kung ganon."

"Alex..."

"Oh bakit yaya?"

Hinawakan nya ako sa kamay ko.

"Babalik ka na ba sa inyo?"

"Uhm... di ko pa alam yaya. Pag-iisipan ko pa po."

Lumabas na yung nurse.

"Ma'am okay na po. Pwede na kayong pumasok."

"Sige, salamat."

Pumasok na ulet kami ni yaya.

"Dad please naman magpahinga ka muna sa trabaho mo."

"Alam mo naman na malaki ang problema ng kompanya natin ngayon eh. Kung magpapakasal ka edi sana pwede na akong magpahinga."

"Bakit ba puro yang business mo nalang iniisip mo?!"

"Yan nalang inaatupag mo! Anak mo ako at hindi isang business asset na gagamitin mo once na kailanganin mo!!"

Nagwalk-out na ako. Ayoko ng pahabain pa ang walang kwentang usapang yun.

Pumunta ako sa puntod ni mama.

"Ma nahihirapan na ako. Sana nandito ka para hindi ganon si daddy."

Naiiyak ako. Pakiramdam ko mag-isa nalang ako. sarili kong ama ganon ako kung itrato. Bumalik na ako sa apartment ko at doon umiyak ng umiyak. haaay... ano ba namang buhay to.

Di ko na namalayan na nakatulog na ako. Di na ko nakakain ng hapunan.

Nagising ako sa tunog ng doorbell ko.

*Ding dong* *Ding dong* *Ding dong* *Ding dong* *Ding dong* *Ding dong* *Ding dong* *Ding dong* *Ding dong*

Antok na antok pa ko pero bumangon na din ako at mukang walang balak tantanan ang doorbell ko.

Pagbukas ko ng pinto si Alex lang pala.

"Ano ba?! Daig mo pa ang alarm clock ko ah!"

"Eh ang tagal mo... wuhahahahahahahahah!"

Tawa sya ng tawa, tinaasan ko nga ng kilay.

"Nice hahahahahah hair hahahahahahahah"

what the...

Tumakbo ako papunta sa CR at humarap sa salamin.

"Waaaah!!!!"

Mukha akong dinaanan ng super typhoon.

KAHIHIYAN!!!

"Ayos lang yan babe. Kunwari nalang hindi kita nakita hahahahahaha"

"Get out!!"

"Oh galit ka ba?"

"I said OUT!"

:Babe naman eh." nagpaawa effect pa.

"Lalabas ka ba o sisipain pa kita palabas?!!"

"Eto na nga di ba lalabas na. Paalala ko lang po yung breakfast ko pakiluto na."

Oo nga pala. Maid nya na ako. Hmm... bwisit naman oh.

"Oo na po senorito. Dito na po kayo kumaen"

Nagtoothbrush na din ako at naghilamos. Nagsuklay na din ako. Grabe after 10 years natapos din.

Lumabas na ako ng kwarto para magluto. Nakita ko naman si Alex na nanonood ng TV.

Nagluto lang ako ng pancakes.

"Senorito luto na po yung pagkain nyo."

"Masarap ba yan?"

"Hindi kaya wag ka ng kumain. Hmm!"

"Anong hindi eh luto yan ng babe ko. Akin na nga at kakain na ako."

Naupo a sya doon. Mukang nasarapan ang loko. Ubusin ba naman lahat.

Naghugas na ako ng pinagkainan namin. Ito ang pinaka ayokong gawin sa lahat eh. huhuhu...

"Shoooot!!" nabitawan ko yung plato.

Nabasag yung plato. Hindi ko alam kung bakit pero bigla kong naalala yung daddy ko. Hmmm... Oh well.

Pinulot ko na yung mga bubog.

"oh anong nangyari?" tanong ni Alex.

"Nadulas sa kamay ko eh... OUCH!!"

Nasugatan ako. Oh no! may Hemophobia (blood phobia) ako.

"Oh nasugatan ka? Akin na nga." kinuha nya yung kamay ko. Shoot nakita ko yung dugo. Nahihilo na talaga ako.

"May phobia ako sa dugo..."

*blockout*

"Babe?... Babe!!"

A 17 Year Old BrideWhere stories live. Discover now