PROLOGUE

6.1K 77 6
                                    

Warning

This story is un edited so expect typo wrong grammar wrong spelling etc..

Aasahan niyong may spg..

Salamat

-----))))

"You can take the tray back,hindi ako nagugutom."seryosong sabi nito sa kanya..

Hindi niya alam kong bakit ito na aksidente. Sabi naman ni sir thorn may ginawa itong mission pero anong mission iyun.

Nasasaktan siya sa nakikita niya....

"And i told you i dont want you hare! Hindi kita kailangan kaya bumalik kana kay thorn."malamig na sabi nito..

Hindi niya pinansin ito at binaba ang tray saka siya nagtungo sa kurtina at hinawi niya iyun. Sobrang dilim kasi ang kwarto nito..

"Fuck!!! Closed that damn curtain..!"utos nito sa kanya..

"Kailangan mo ng kumain para makainom kana ng gamot. Ipapasyal din kita sa garden mo kong gusto mo."mainahon na sabi niya dito saka pumunta ulit siya kong nasaan ang tray saka lumapit siya dito.

"Xander.."sabi niya pero nagulat siya ng tabigin nito ang kutsara na isusubo niya sana dito.

"Ano ba ang mahirap sa sinabi kong ayaw kita dito. Umalis kana penishale."malamig na sabi nito.

"Gusto lang kitang alagaan xander. Please payagan mo naman ako.."mahinang sabi niya. Hindi naman siya nag resign kay sir thorn. Humingi lang siya ng leave para maalagaan si xander ng malaman niya ang nangyari dito.

"Bakit?? Dahil naawa ka sa kalagayan ko?? Dahil bulag na ako.."seryosong sabi nito.

Umiling iling siya kahit hindi naman nito nakita..

"Hindi awa ang nararamdaman ko sa iyo xander. Alam ko malaki ang kasalanan ko sa iyo. Pero sana hayaan mo akong tulungan kita.. Saka hindi ka naman totally bulag makakakita ka pa yun ang sabi ni doc trevor. Basta pumayag kang magpa treatment."sabi niya dito.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ayoko. Umalis kana dito penishale!!"sigaw nito kaya nagulat siya.

"Hindi xander. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo pinapagamot yang mga mata mo. Aalagaan kita.."matapang sabi niya dito..

"Ang tigas ng ulo mo!!!"seryosong sabi nito.

"Hindi matigas ang ulo ko xander. Ikaw yun. Ayaw mong tanggapin ang tulong ko,tulong ng mga kaibigan mo. Pinagtatabuyan mo sila kapag pumupunta sila dito. Xander nag aalala sila sa iyo.."sabi niya at hindi niya namalayan may luha sa mata niya..

Pinunasan niya agad iyun..

"Hindi ko kailangam ng tulong mo o kahit na sino. Leave me alone!!"sigaw nito kaya napatayo siya.

Binaba niya sa maliit na mesa ang pagkain nito.

"Iiwan muna kita dito. Pero kapag may kailangan ka pindutin mo lang ang nasa gilid mo. Dadating ako.."sabi niya bago siya tumalikod at lumabas.

Napaiyak nalang siya ng tuluyan.. Bakit ba ang tigas ng puso nito..

------))))

Dated started:July 17 2020
Dated finish:

FUCKING WOMEN 09: ALEXANDER URIEL ADAMSONWhere stories live. Discover now