Chapter 27

20.5K 493 22
                                    

Chapter 27

NAGDADALAMHATI ang lahat habang narito sa isang memorial park. Matapos ang ilang araw na labi nila Senyor James at Senyora Gabriella ay ililibing na sila. Maraming tao ang pumunta noong labi nila, hanggang ngayong ililibing na sila. Halos puno ang buong espasyo na kinuha para sa mag-asawa. Parang bahay nga ang kanilang libingan. Hindi na rin nakakapagtaka dahil marami silang pera. Kahit sa libangan ay matanyag parin sila.

Nagpunas ako ng luha habang buhat ko si James. Si Edward naman ay kanina pa pinipigil si Shasha na ayaw ipapasok sa loob ng libingan ang kabaong nina Senyor James.

"No! I don't want them to go there. It's dark and no air!"

Napahinga ako ng malalim at naawa sa anak ko. Alam ko na talagang naging spoiled siya sa mag-asawa at napamahal ng lubos. Kaya siya ang nahihirapan ngayon dahil ayaw niyang masilid doon ang kabaong ng dalawa.

"Hey, Brat. Hindi din naman sila makakahinga doon dahil wala na silang hininga. At katawan lang nila ang nand'yan, pero I'm sure nasa langit na sila. Kaya please, tumigil ka na at nangangawit na ang mga nagbubuhat dahil ayaw mong ipapasok ang labi nila d'yan." si Kristen ang nagsalita na hindi na ata nakatiis.

"How you sure that Daddy and Mommy are going there? Nakapunta ka na doon?"

Hindi mapigilan na matawa ng iba pero napatikhim para pigilan ang tawa. Si Kristen naman ay tila nag-init ang pisngi sa sinabi ni Shasha.

"Tsk. Pilosopo. Oo naman, nakapunta na ako doon. Gusto mo isunod kita?" sarkastikong sabi ni Kristen tila napikon.

"Hey, Kristen. Huwag mong patulan ang anak ko. Bata ito."

Umirap naman si Kristen sa kuya niya, "Tsk. Palibhasa sa'yo nagmana." bulong-bulong ni Kristen bago umalis sa harap ng libingan.

"Enough, all of you. Shasha, don't be stubborn. You want me to get mad at you?" si Sir Jam ang nagsalita sa maawtoridad na tono na tila nasindak si Shasha kaya sumama kay Edward. Yumakap ito kay Edward at tsaka ngumawa.

"Iuwi na natin si Shasha." sabi ko kay Edward ng lapitan ko ang mga ito. Dahil bukod sa mainit ang ulo ng pamilya kay Shasha ay baka pagod na ito kakaiyak.

"Sige.. Mauunawaan naman nila Lolo kung aalis na tayo."

Tumango ako at tumingin pa muna sa puntod nila Senyor James na naipasok na. Lumakad na kami paalis nila Edward habang inaalo nito si Shasha na iyak ng iyak.

"I hate them! Hindi nila ako trinatratong mabuti. Mabuti pa sila Daddy Lakas at Mommy Gab.. Huhu I missed them."

Nagkatinginan kami ni Edward habang lulan na ng sasakyan.. Nasa likod si Shasha habang katabi si James.

"Ate Shasha, don't cry. I'm here."

Napahinga kami ng malalim at napailing si Edward.

"Don't say that, Shasha. They know how sad you are but you need to understand them also. Malungkot din sila sa pagkawala nila Lolo, kaya hindi nila sinasadyang pagalitan ka. Lahat ay pagod din mula sa lamay."

Hindi kumibo si Shasha at umirap lang. Napailing ako kay Edward ng magkatinginan kami.

"Tila mahihirapan tayo na kabisaduhin ang ugali ni Shasha." sabi ko kay Edward ng makauwi kami sa bahay. Narito kami sa kwarto para magpahinga.

"Well, Lolo spoiled her. Pero hindi uubra sa akin iyon. Kaya kapag narito siya ay ipapaalam ko sa kanya ang tama sa hindi."

Napahinga ako ng malalim at napatango. Ngumiti naman siya at hinaplos ang tiyan ko.

"Are you tired already, babe?"

"Oo, ano na naman iniisip mo?"

Ngumisi siya, "Matagal-tagal na rin mula ng huli.. Baka naman."

The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora