Chapter 13

20.5K 548 13
                                    

Chapter 13


NAGHILAMOS ako ng mukha habang naghahabol ng hininga. Napatingin ako sa salamin at nawala na ang pawis na kanina ay meron. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang init sa aking katawan dahil sa namagitan sa amin ni Edward sa elevator. Hindi ko alam na pinahinto niya ang elevator kaya malaya kaming gawin ang mapusok na pagtatalik sa loob mismo ng elevator. Halos inabot kami ng ilang oras sa loob ng elevator. Pagkatapos ng tagpong iyon ay nauna siyang umalis pagkatapos naming makapag-ayos ng sarili na walang imikan. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya. Ngunit pakiramdam ko ay pinagrausan niya lang ako. Wala siyang salitang sinabi bukod sa binantaan niya ako na oras na makita niya akong may kasamang lalake ay sisiguraduhin niyang pagsisisihan ko.

Napailing ako at tinapon ang tissue sa basurahan. Nag-ayos muna ako ng mukha para maging presentable ako sa meeting. Nang makapag-ayos ay lumabas na ako ng banyo.

Sa conference room na ako dumeretso dahil tiyak na nandoon na ang iba. Pagpasok ko ay napalingon sa akin ang mga taong nasa loob kabilang si Edward na napatingin sa akin at pinasadahan ang katawan ko bago siya ngumisi.

Hindi ko na siya pinansin at lumapit ako sa tabi ni Jonathan na ngumiti sa akin. Uupo palang ako ng malakas na gumalabog ang lamesa. Napatingin kami kay Edward na nakataas ang paa sa lamesa. At ginamit niya ang paa niya na binagsak sa lamesa kaya gumalabog.

"Dito. Secretary kita, kaya dito ka."

Nagbulungan ang mga ka-trabaho ko kaya napahinga ako ng malalim at hindi na natuloy ang pag-upo ko sa tabi ni Jonathan. Lumapit ako kay Edward at naupo sa tinuro nitong upuan.

"Let's start." aniya na prenteng-prente sa pag-upo.

Nagsimula namang magsalita ang presentor ngayon para simulan ang meeting namin. Hindi ko na lamang pinansin si Edward at tinuon ko nalang ang pansin sa nagsasalita.

"This is the new collection of bikini. Pero wala pa kaming model na maaaring magsuot nito."

Ang mga models na narito ngayon ay may kanya-kanya ng toka sa ilalabas na mga bagong design ng bra't panty at brief at boxers.

"What if mag-hire tayo ng new model?" suggest ni Ysa na isang event organizer namin.

"No, we don't have time for that." sabi ni Edward.

Tama siya. Wala na kaming time para maghanap dahil malapit na ang launch ng JaRa's Collection ngayon buwan.

"Well, I suggest, bakit hindi si Arwena ang gawin natin model? Tutal ay papasa siya bilang model." suggest ni Jonathan.

"I agree." sabi ng isang model.

Napatango sila kaya naman ay agad na umiling ako.

"Baka masira lang tayo kung ako.. Kung gusto niyo ay maghahanap agad ako. May kakilala naman ako."

"Arwena, papasa ka bilang model, lalo't kapag naglalakad ka ay para kang modelo. Ang ganda mo pa."

Nahiya naman ako sa papuri ni Say. Isang babaeng model din ng company.

"Salamat, pero nakakahiya naman.."

"No."

Napatingin ako kay Edward ng magsalita siya at pinutol ako sa pagsasalita.

"May kilala ako kaya hindi na kailangang maghanap pa ng iba."

Napatango naman ang mga kasama namin ngunit ako ay nakatingin sa kanya na nakatingin din sa akin ngunit hindi ko malaman kung ano ang pinapakita ng mga tingin niya.

"Okay, so clear. Ayos na tayo sa model.  Dapat ay makapagsimula na tayo ng shoot para sa poster na ilalagay sa ramp venue." sabi ng photographer na siyang kukuha ng mga litrato.

The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now