"E-Ed.."

Tumingin ako sa kanya at lumingon siya. Napahinga siya ng malalim at lumapit sa akin bago muling maupo sa tabi ko.

"S-Sabi rito ng Lolo mo.. 15 ka talaga noon? Paano? At bakit nagsinungaling ka sa edad mo?"

"Kung nabasa mo ang sulat ni Lolo, nagkaroon ako ng temporary amnesia. Hindi ko matandaan ang ilang bahagi sa buhay ko. At yung nangyari sa atin. Si Dad ang nagsabi na umakto akong sampung taong gulang. Hindi din kasi halata noon na 15 ako kaya napaniwalaan ko iyon. Sabi ni Dad ay pinoprotektahan niya ako dahil sa aking nagawa. Nung una ay naguguluhan ako para saan iyong sinasabi niyang nagawa ko at bakit niya ako pinoprotektahan. Hanggang nung una tayong magkita sa bar ay akala mo highschool ako. Oo, high school lang talaga ako pero noon ay nagtataka ako kung bakit sila Jace at Hammer ay nasa kolehiyo na. Ang sabi ni Dad ay bagsak daw ako ng ilang beses kaya ganun. Pinaniwalaan ko iyon kahit hindi ko napi-feel ang highschool.. Nito ko lang din unti-unting nakikita ang bawat pangyayari. At halos magsisisi ako kung bakit ako nagpauto sa gag*ng Max na iyon! Hindi ko sana magagawa sa'yo iyon. Wala din akong maalala sa nangyari sa atin. Basta ang palaging gumugulo sa akin ang panaginip ko nung may mangyari sa atin dahil kela Max."

Suminghap ako habang hindi makahinga sa pag-iyak. Napailing ako dahil hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari.

"N-Nasira ang lahat sa atin dahil lamang kay Mr. Abenson at kela Max."

Hinarap ako ni Edward sa kanya at niyakap kaya sumubsob ako sa dibdib niya at doon umiyak ng umiyak.

"Huwag ka nang mag-alala, si Max ay nakakulong na may sintesya na habang buhay na pagkakakulong. At ang tatlong kasama niya ay sinabi sa akin ni Daddy na pinapatay niya."

Kumapit ako sa damit niya. Hindi kailanman ako humihiling ng masama sa ibang tao pero para sa akin ay deserved nila iyon. Mga walanghiya sila!

"Kay Shasha, paano ang gagawin natin?" tanong ko at umayos ako ng upo kaya napabitaw siya sa akin. Pinunasan niya ang luha ko at tinignan ako ng mabuti.

"We need to tell her the truth."

"Paano kung hindi siya maniwala at hindi siya sumama sa atin?"

Napahinga siya ng malalim, "We don't have a choice but to forced her to live with us."

Hindi ko alam kung sasama sa amin si Shasha. Dahil nang ma-encounter ko ito ay may pagkamaldita. Baka hindi din siya maniwala na kami ang parents niya. Diyos ko, parang nasasabik akong makita siya.

"Tara, lumabas na tayo para hanapin si Shasha."

Tumango ako at inalalayan niya akong tumayo. Inaya namin si James bago kami lumabas ng opisina. Bumalik kami kung nasaan ang pamilya at hinanap talaga ng mata ko si Shasha.

"Excuse me, Mayordoma. Nakita ko niyo ba si Shasha?"

Nakasalubong kasi namin ito na naghatid ng maiinom sa naghihintay na pamilya. Wala pa ang labi nila Lola Gabriella.

"Naroon ho siya sa kaniyang kwarto, Senyorito. Mula ng malaman niyang namatay sila Lord James at Senyora Gabriella ay hindi na siya lumabas ng silid niya mula pa kanina."

Nagkatinginan naman kami ni Edward. Nakaramdam ng konting alangan na puntahan ito dahil alam naming pati ito ay lubos na nalungkot sa pagkawala ng dalawang matanda.

Pero sinubukan naming puntahan ito. Dahil kami lamang ang makakatulong rito ngayon. Kinakabahan akong napahawak sa braso ni Edward. Tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Relax. Ano mang mangyari ay alam kong tatanggapin niya tayo. Nakakasiguro akong pinalaki siya ng maayos ni Lolo at Lola."

Tumango ako dahil tama siya. Nang huminto na si Edward sa isang double door room ay mas lalo akong kinabahan. Kumatok si Edward.

The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now