"Huh? Kaka-check ko lang kagabi nito. At tsaka bakit basag?"

Hindi na ako sumagot at napahinga ng malalim.

Hindi ko maintindihan ngayon si Edward. Tila hindi parin siya nagma-matured. Lumapit ako sa table ko at naupo sa swivel chair.

Hindi ko na nais pang isipin at pansinin ang lahat ng kinikilos niya. Siguro kailangan kong tanggapin na iba na siya. Hindi na siya ang dating 'Edward' na patay na patay sa akin at susunod at maniniwala sa lahat ng sinasabi ko.

Inayos ko nalang ang mga dapat kong gawin ngayon. Tumayo ako para sana kumuha ng maiinom na mainit na tea. Pero hindi pa ako nakakahakbang ng marahas na bumukas ang pinto at niluwa si Edward na seryoso ang tabas ng mukha.

"Move your table in my office now!"

Nabigla ako at hindi nakapag-react. Agaran rin niyang binagsak pasara ang pinto pagkasabi niya no'n..

Binaba ko ang baso ko sa table at pumasok ako sa office niya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya at agad-agad na pinapalipat ang table ko sa loob ng office niya.

Pagkapasok ko ay napatingin ako sa kanya na kakaupo lang sa recliner niya. Tumingin siya sa akin.

"What?!"

Napahinga ako ng malalim, "Sir, hindi puwedeng basta ko nalang ipasok ang table ko rito. At mas mainam na nasa labas ako para malaman ko rin kung sino ang gustong bumisita at pumasok ng office niyo."

"Tsk. Do what I want. Secretary lang kita kaya wala kang karapatang mag-complain."

Hindi na ako nakasagot doon. Tango nalang ang naging tugon ko bago ako tumalikod.

Yeah. I'm his secretary. Secretary lang.

Lumabas ako ng office at nanghihina na napaupo sa upuan ko. Saglit na ninamnam ko ang sakit ng salitang binitawan niya. Kay aga-aga ay ang init ng ulo niya na never niya ginawa noon. Ganun siguro ang nagagawa kapag sa ibang bansa ka nag-aral. Ibang values ang makukuha mo.

Inayos ko nalang ang gamit ko imbes na kumuha ng tsaa. Kakaayos ko lang nito nung first day ko tapos ay mag-aayos na naman ako.

"Oh, Arwena, bakit ka nagliligpit? Tanggal ka agad?"

Napatingin ako kay Jonathan. Isang heartrob ng office. Balita ko nga maraming nagkaka-crush rito. At siya din ang dahilan kaya merong kapwa empleyado ko na inis sa akin. Wala namang malisya pareho sa amin ang pagtulong niya at pakikipaglapit. Masyadong madumi lang ang isip ng iba na hindi ko na kasalanan.

Umiling ako sa sinabi niya at napangiti.

"Hindi. Ililipat ko lang sa office ni Ed--I mean ni Sir Edward."

Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"Huh? Bakit raw? Hindi naman ganun ang nais ni Sir Jam noon."

Nakiba't balikat ako, "Ewan. Baka gusto niya lang na mas madali akong utusan kesa lalabas pa siya para tawagin ako."

Napatango siya ng marahan at humawak sa table ko.

"Tulungan na kita. Mabigat din ito para buhatin ng magandang katulad mo."

Nginitian ko nalang siya sa pagpapalipad hangin niya. Nagpasalamat rin ako at pinagbuksan siya ng pinto para madaling maipasok niya ang table ko.

"Dito nalang, Jonathan." turo ko malapit sa pinto.

"What are you doing?"

Napatingin kami kay Edward. At nakatingin siya kay Jonathan ng masama.

The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now