I

1K 13 15
                                    

Nilanghap ko ang simoy ng hangin sa may kakahuyan. Bitbit ang mga gamit na aking kinakailangan para sa aking orasyon. Nilingon lingon ko ang paligid upang maikumpirma kung may tao ba ditto o wala. Mukhang positibo naman. Walang bahid ng ingay sa buong paligid. Tama nga talaga ang suhestiyon ni Kuya magandang magensayo rito ng mahika.

Sa pagkakataong ito. Ibubuhos ko na ang nararapat kong gawin. Determinado ako sa aking gusto. Sya ang aking minimithi. Sana ay magtagumpay ako.

Naglalakad lakad ako sa kakahuyan. Napakatahimik ditto. Tanging ang ingay lamang mula sa mga hayop ang naroroon pati ang aking yapak sa mga nakahulog na tuyong dahon.

Nakakita ako ng isang matandang puno sa may gilid ng lawa. Maganda ang aura ng lugar na iyon. Dooy, malamang ay sang-ayunan ako ng mga gabay. Sana nga! Sana ay di ako pumalpak sa pagkakataong ito. Desperada na nga ata talaga ako.

Inilapag ko ang gamit ko sa may lilim ng puno at doon ay nagsimulang iguhit ang mga simbolong kinakailangan. Kumuha ako ng matulis na bato para makaguhit… ngunit---

“ TSS, masyadong mabato..” lumingon lingon ako para makahanap ng patag ng lugar, ngunit puro damuhan na ang kasunod.

MALAS.

Ang malas ko naman talaga! Ngayon na nga lang ako nagkalakas ng loob para magamit ang angkin kong biyaya ay minamalas naman ako. Susmaryosep =__=

**WOOSHH**

Isang malakas at malamig na hipan nghangin ang nagpalipad sa aking buhok napatingin ako sa direksyon na pinatunguhan ng hangin.

Ang kabilang dako ng lawa.

Napakadilim at mukhang napakalamig roon..

Tss, kakatakot TT0TT

Oo, ako na ata ang Witch na duwag. Haay. Ano pa nga ba?

Napatitig na lang ako sa lugar na iyon nakakatakot ang tunog na nililikha ng mga puno sa tuwing ihihip ang hangin, mukhang walang..

Walang nabubuhay sa dakong iyon.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko, Badtrip talaga.

Nagpakahirap pa ako kunin ang mga libro itong sa templo ni Kuya. =__=

Mababalewala lang pala ang lahat. Inayos ko ang gamit ko .

Nakita ang larawan ng taong gagamitan ko ng orasyon. “Emmanuel. “

THE DEVIL MEETS THE WITCH.Where stories live. Discover now