Prologue:

34.2K 506 13
                                    

Nagmamagandang Note:

This is it! Ito na ang official kong gagawin sa sembreak. Bagong kwento, bagong buhay. Joke lang hahahaha, sana magtagumpay ako sa gusto kong mangyari at mailahad ko nang maayos sa inyo ang aral na gusto kong inilagay dito.


Prologue:


Pagkatapos ng ilang buwan. Ayun mahal ko pa 'din. Kahit naman papano masaya ang mga nangyari sa'min. Lagi kaming nago-open nang mga nangyari sa buong araw, kung ano yung kinain ko at kung saan ako pupunta.


Masasabi kong masaya ang mga araw na magkasama kami. Yung kaming dalawa lang, sa una ay mag-uusap pero nang lalaon ay magkakaroon ng kakaibang kiliti at init ang paligid naming dalawa. Yes, I think he deserves everything na meron ako at kung hanggang saan ang kaya.


Mr. Wrong, pero siya ang Mr. Right nang buhay ko. Natatandaan ko pa nga yung mga sinabi niya..


"Alam ko naman na mahal mo 'ko eh.."


"Oh talaga? Paano ka nakakasigurado?" Taas kilay kong tugon.


"Ito oh.."


Our lips met. Kakaiba sa pakiramdam, parang may sumabog na fireworks sa likod ko. Tingling. Parang errr, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.


"Ano okay na ba 'to?" Tanong niya.


Ngumiti siya pagkatapos ay tumingin ito sa mata ko.


"Speechless ka ah? Masarap ba?" Tanong ulit niya..


Nawala na lang ang pagbabalik tanaw ko ng bigla akong tapikin ng bestfriend kong si Kyle. Napawi ang ngiti ko sa aking labi at tumingin sa kanya ng seryoso.


"Handa ka na ba?" tanong niya.


"Handa na." Sagot ko.


"Paano nagsimula.."


Napangiti ako at inalala kung saan ito unang nagsimula, sa coffee shop... 


//COMMENTS//


My Mr. Wrong (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon