Hinding hindi mo matatalo ang isang tulad ko Maxine. Hindi mo ko kilala ng lubusan ..Hinding hindi.
-
MAXINE'S P.O.V.
"Matalino ang isang yun." Sambit pa niya habang pinupunasan ang labi niyang pumutok dahil sa sapak ni Alleah.
"Manahimik ka dyan."
"Hindi mo kaya ang isang yun Maxine"
"Gusto mong dagdagan ko ang sugat mo ha!" sigaw ko sakanya kaya nanahimik ito.
Matalino nga talaga ang babaeng yun, bwisit siya. Nakakatakot ka kung magbanta pero hindi pwedeng ikaw nalang ang laging panalo sa huli. Umpisa palang toh Alleah, magpahinga ka muna dahil hindi ako susuko hanggang hindi kita masisira at mabubura sa mundo ko.
Isa kang malaking salot, salot na kahit kailan ay kinaiinisan ko.
Dumating ka lang, nabago na ang lahat dahil kakaiba man ang ugali mo..mas ginusto ka parin ng mundo.
Gago ka.
Maghanda ka.
Hindi pa ako tapos sayo.
"Pano ba yan? Kailan ang plano mong sirain ulit ang buhay niya?"
"Mahirap masira ang buhay ng isang Alleah"
"Sabi ko sayo eh"
"Pero hinding hindi ko susukuan ang tulad niya."
Kinuha ko ang phone ko at saka tinignan ang picture niya kasama ang kapatid niyang si Freya.
'Isa ka pang Freya ka, kung hindi dahil sayo ay hindi naputol ang relasyon namin ng boyfriend ko..naging kayo man pero bumalik parin sakin.'
Ang sayang sirain ng buhay niyong dalawang magkapatid.
'Kaso iba talaga ang isang Alleah. Maamo man ang pangalan maangas naman kung makalaban'
-
FREYA'S P.O.V.
Mag-aalas nwebe na at wala parin si Alleah. Sino naman maya ang kinita niya? Wala akong matandaang may kaibigan siyang bago. Hindi naman niya ugali ang makipagkita ng hindi importante
Kaya masasabi kong importante nga ang pinuntahan niya. Maybe about her graduation? Ewan ko.. Malay ko ba.
Medyo madilim na rin at parang uulan. Aalis pa naman kami. Namimiss ko na rin si Fraya. Sobrang lapit ng name namin nuh? Sabay kasi daw kaming pinanganak pero hindi ng taon mas matanda ako sakanya.
Close kaming dalawa, kaso simula ng malaman niyang ampon lang siya ay may unting tampo siya sa akin. Hindi ko siya masisisi.
"Alleah! Kala ko hindi ka na uuwi eh"
Salubong ni Mom kay Alleah na ngayon ay nakauwi na. Parang iba ang mood ni Leah kumpara kanina. Parang pilit na ang ngiti niya.
May problema siya. At hindi niya man lang nasabi sakin.
"Mom alis na po tayo" Sabi pa niya.
"Okay let's go."
May mali talaga eh. Parang may problema talaga itong kapatid ko, hindi man lang siya nagsabi sakin. Ganun ba talaga kasama ang tingin niya sakin para hindi pagkatiwalaan? Langyah toh!
"Freya?"
"Ayyy opo... Andyan na"
Sumakay na ako sa kotse, si Dad ang nagdadrive si Mommy naman ang nasa passenger seat at kaming dalawa ni Alleah sa likod.
YOU ARE READING
Wrong To Right Path
Teen FictionWe don't meet people by accident but there's a reason, happiness, success, pain, lessons, and blessings after all. Once destiny guides us, we're the one who will decide if we should hold on or just accept the matter that its really our fate to be wi...
WTRP 6:Problem Solved
Start from the beginning
