"Hindi ako magtatagal kaya sabihin niyo na ang dapat niyong sabihin." Seryosong sambit ko.. Samantalang ang lalaki namang kaharap ko ay ang lalaking kasama ko nung gabing nahilo ako.
Matalim na tinignan ko lang siya habang umiinom ng kape.
"I am the boy on the video" Panimula pa niya.
"At syempre ikaw ang kasama ko dun"
Nag-init ang mukha ko at nakaramdam ako ng galit sakanya. Pero this is not the right time para makasapak ng lalaki.
"Hindi ako naniniwala sayo!"
"Oh bakit niyo pa ko pinapunta dito?" Nakangising tanong niya pa.
"Bakit mo ginawa yun sakin?" Pagpipigil ko
"Ang alin? Yung vinideo ko?"
"Bakit mo ko pinagsamantalahan?" Inis na sambit ko pa.
"Ops.. Nagkakamali ka, ikaw ang may gusto nun" Mahinahon pa niyang sambit habang nakatitig sa mata ko.
"Hindi ko gagawin ang bagay na yun. Hindi ako ang nasa video na yun"
"Paano mo nalaman eh hilo ka nun?"
"Kaya ginawa mo ang gusto mo??"
" Ofcourse... Sinong lalaki ang hindi makakapagpigil sayo!?" Natatawang sambit niya pa.
*PAAAAAAAAAAAAAAK!*
Sinapak ko siya.
Walang masyadong tao ngayon dito at hindi ko na kaya ang galit ko.
Nagulat silang dalawa sa ginawa ko. Nakahawak parin ang lalaking yun sa panga niyang pumutok at dumudugo.
"Ano bang ginagawa mo Alleah? Huminahon ka nga!" Inis na sabi ni Maxine.
"Gago ang tulad mo! Hinding hindi ako maniniwala sa kasinungalingan mo! Ipapapulis kita tandaan mo yan." Nanginginig sa galit ako dahil sa sobrang inis.
"Hoy Ano ba! Yung deal natin? Bakit kailangang mapapulis pa?" Si Maxine.
"Isa ka pa! Pag nalaman kong pinlano niyong dalawa toh, hindi lang yan ang makukuha niyo... Kung ako sainyo itigil niyo na to dahil kayong dalawa ang lugi sa huli pag sa kulungan na ang punta niyo" Banta ko pa.
"Alleah! Anong sinasabi mo dyan! Wala akong alam!"
"Manahimik ka! Imposibleng saiyo niya ibigay ang video nayan kung di kayo magkakilala, alam ko ang pinlano sa hindi sinadya.. Hindi niyo mabibilog ang utak ko!"
"Deal? Gusto mong mangyari ang deal? Pwes bumalik ka ng Grade 10 at dun wala kang makakakompetensya na mas matalino sayo katulad ko!"
Nakakunot lang ang noo nito at nagulat.
"H-how dare you!"
"Magpasalamat ka Maxine dahil wala akong balak na sirain pa ang pagkatao mo, pagbibigyan kita ngayon dahil alam kong hindi ka pa sapat sa kung anong meron ka."
"Bwisit ka!"
"Ipagkalat niyo ang video nayan dahil pag nakarating sakin ang pagkalat niyan.. Pati utak niyo kakalat... Kahit na hindi ako ang nasa video na yan pangalan ko ang dala niyan..Kilala mo ko Maxine, kung sino mang kumalaban sakin hindi ako magdadalawang isip na patayin lalo na kung IKAW pa yun." Muli ko pangbanta at saka na lumabas sa coffee shop na yun.
Alam kong hindi ako ang nasa video na yun. Iba ang hubog ng katawan nun sa katawan ko. At lalo na wala akong maramdaman na ginalaw ang katawan ko.
Gawin na nila ang lahat ng gusto nilang gawin..talo parin sila dahil bobo sila kung mag-isip.
YOU ARE READING
Wrong To Right Path
Teen FictionWe don't meet people by accident but there's a reason, happiness, success, pain, lessons, and blessings after all. Once destiny guides us, we're the one who will decide if we should hold on or just accept the matter that its really our fate to be wi...
WTRP 6:Problem Solved
Start from the beginning
