WTRP 6:Problem Solved

Start from the beginning
                                        

Ang unfair nila..

Hindi nila iniisip ang mararamdaman ni Alleah.

Bwisit.

Nang madaanan ko ang kwarto ni Leah ay tinangka kong pumasok pero nakalock na ang pinto ng kwarto niya. Tulog na ata siya.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at saka naligo at natulog.

-

ALLEAH'S P.O.V.

UMAGA NA!

Kinusot kusot ko muna ang mata ko bago tuluyang tumayo. Pero antok parin ako ngayon.. Kinuha ko ang phone ko na nakacharge at tinanggal yun sa pagkakacharge.

7:30am na.

Tinatamad akong bumaba para tanungin sila Mom and Dad.

"Hello Baby?"

"Goodmorning Mom" Paos na sagot ko.

"Gising ka na pala, aalis tayo ha remember."

"Ye I know Mom... What time?"

"Mga 9... Bumaba ka na dito para sabay na tayong magbreakfast lahat"

"Okay Mom.. Mag-aayos lang po ako"

Pinatay ko na ang tawag at saka tinignan ang phone ko. Wala pang text maski isa.

*TING*

May nagtext.

Message from: Maxine
Magkita tayo ng 10:00 sa katabing coffee shop ng school
Sent.7:35

Luh.. Pano? Eh aalis kami ng 9 paano ko hahatiin ang katawan ko nun? Nakakainis naman toh. Wrong timing, ang aga aga.

Composed message
Pwede bang 8:00 nalang?
Sent. 7:35

*Ting*

Message from: Maxine
Fine... Be on time.
Sent. 7:36

Mabilis akong tumayo at naligo na.

Ilang minutes nalang at kailangan kong pumunta dun on time. Baka ano nanamang balak ng babaeng yun.

Nang makababa na ako ay kita kong kumakain na sila Mom, Dad, Ate at kasabay ang mga maids.

"Goodmorning po" Sabi ko

"Kumain ka na Leah"

"Di na po"

"Huh?" kunot noong tanong nila

"Aalis po muna ako, may kikitain lang po... Babalik din po ako agad bago mag 9" Paliwanag ko.

"Eh saan ka kakain?"

"Doon narin po"

"Oh s-sige basta aantayin ka namin ha?"

"Ofcourse Mom... Bye po Dad, Ate."

Naggoodbye kiss muna ako sakanila at saka na umalis.

Nagtaxi nalang ako.

8:05 na.

Nandito na ko.

Tanaw ko mula sa labas ng coffee shop si Maxine na may kasamang lalaki. Iba ang pakiramdam ko ngayon parang kinakabahan ako.

Nanag makapasok na ako ay malawak na ngiti ang sinalubong niya sakin.

"Have a seat Alleah"

Wrong To Right PathWhere stories live. Discover now