Chapter 5

5.3K 143 3
                                    

"DYARAN! Ang sabi mo, matagal-tagal na simula nang makakain ka ng lutong-bahay kaya nagluto ako ng marami."

Nanatili lang nakatayo si Dean hindi kalayuan kay Selena habang pinagmamasdan ang dalaga na maglabas ng mga pagkain sa picnic basket na dala nito matapos niyang maglatag ng kumot sa Bermuda grass malapit sa puntod ng kanyang ina. Ilang beses niya na bang pinangarap na makasama si Selena? Ah, hindi niya na mabilang. Pero kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya ang ganitong tagpo sa pagitan nila.

Hindi mahulaan ni Dean kung ano ang eksaktong nangyayari, kung anong dahilan at nagkakaganoon bigla si Selena. Pero sa ngayon, hindi na iyon mahalaga. Matagal niya nang alam na maalalahanin at malambing ang dalaga. But he never imagined her being this thoughtful towards him. Behind Selena's woman of the world image lies a very passionate woman, na makikita lang ng husto kung paano nito ituring si Adam. Ilang ulit niya nang nasaksihan iyon. Kahit na nasasaktan ang dalaga ay nagmamahal pa rin ito nang sobra-sobra sa kapatid niya. Kaya ilang ulit na rin siyang lihim na naiinggit at nasasaktan.

Pero sa mga ganoong panahon ay ilang ulit ring lihim na nahihiling ni Dean na sana isang araw ay maibalik rin ni Adam ang pagmamahal ni Selena. Kahit masakit, tatanggapin niya iyon. Huwag lang niyang makita ang muling pagluha ng dalaga.

"Let's eat?" Nakangiti pa ring sinabi ni Selena mayamaya nang matapos na ito sa ginagawa nito.

And once again, she took his breath away. Her beautiful gray eyes smiles with her everytime she smiles. Sadyang napakaganda nito. At ang mukha nito ang pinakamaamong mukhang nakita niya. Malaporselana ang balat nito na takaw-pansin anumang isuot nito. Gaya nang mga sandaling iyon. Nakasuot lang ito ng simpleng sleeveless na kulay lila na bestida na hanggang mga tuhod nito ang haba pero litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito.

"Don't do this again, Selena." Sa halip ay pigil ang emosyong sinabi ni Dean. "Ayokong masanay sa mga bagay na alam kong hindi magtatagal."

"Hindi ako nakikipagkaibigan ng hindi pangmatagalan, Dean. Seryoso ako sa mga taong pinapapasok ko sa buhay ko." Gaya kanina ay inabot ni Selena ang palad ni Dean. Marahan siya nitong hinila paupo sa tabi nito. "Kaya masanay ka na." Kinindatan siya nito. "Like any friendships I have, I intend to make this last."

Sinulyapan ni Selena ang puntod ng kanyang ina. "Hello there, ma'am. Ako po si Selena. Kaka-promote ko pa lang po bilang bagong kaibigan ng anak nyo. May kaibigan na po siya, finally." Napailing ang dalaga. "I found out that he's always alone. And that's a surprise, ma'am. Kasi mabait naman po sa pagkakatanda ko ang anak ninyo. Pero 'wag na po kayong mag-alala. Simula ngayon, ako na po ang bahala sa kanya. Pakigabayan po kami, ha?" Lumawak ang pagkakangiti nito. "Thank you, ma'am."

Hindi na nakaimik si Dean. Napatitig siya sa lapida ng ina. Here is the woman I love, 'nay, claiming to be my friend. Ni minsan, hindi ko inakala na magpapakilala siya sa inyo sa ganitong paraan. Dahil hindi ko naman inisip na magiging posible 'to. She's Selena and I love her. At hindi iyon pwede. That's why I need your guidance now more than ever, 'nay. I need you to tell the gods to at least show sympathy towards my heart.

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon