3. Beasts of Drums (Shohei Sasaki)

17 2 8
                                    

    "Anak ng– " Bago pa man ako mapamura ay natutop ko na agad ang aking bibig dahil sa nakita. Napalingon tuloy sa akin si Riri saka napakunot-noo.

    "R-riri... Nakikita mo ba ang nakikita ko?" Sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Tiningnan tuloy ni Riri ang screen ng cellphone ko at nakita ang hindi dapat makita. Pero hindi ko aakalain ang magiging reaksiyon niya.

    "Anak ng tupang ina! 'Yong leeg ng dragooon!!" Natutop niya ang bibig pero ang lakas ng boses! Akala ko hanggang doon lang ang lahat pero inalis rin niya ang kamay sa bibig saka muling nagsalita.

    "Susmaryosep, Aura! Ang laki ng pututuy ni Kid'z! Ang laki ng mga itlog niya! As in ang laki!" Napahilamos ako ng mukha at hindi ko na alam kung gusto ko na lang bang lumubog sa upuan o tumakbo palabas dahil kay Rianne. Not to mention, nasa food court kami at sandaling kumain matapos naming mag-ikot-ikot sa beach na matatagpuan sa dulo ng Japan.

    "Ri-rianne!"

    "Aura, kaya mo bang i-blo–" Buti na lang, cute ninja ako at nabusalan ko agad ang bibig niya ng hotdog sandwich.

    "Ayan! Isubo mo 'yan! Buti na lang hindi mga Pilipino ang mga kasama natin dito, lintik ka!"

    "Hmmm."  

    Ikaw ba naman ang lapatan ng giant hotdog sandwich sa bibig, ewan ko na lang kung 'di ka matahimik.

    "Pero Aura..." Saglit itong huminto kaya nagtaka ako. Lumapit siya sa tainga ko at bumulong. Akala ko kung ano iyong ibubulong. Napapikit na lang tuloy ako.

    "... ang laki. Kasya ba 'yan sa bibig mo?" Sabay tawa niya nang malakas.

    Nagtinginan sa amin ang mga lokal na kapwa naming kumakain. Hindi ko kinaya ang saltik ng kaibigan ko. Kaya agad kaming tumayo at lumabas na lang ng food court.

***

    Suot ko ang isang two-piece bikini na si Rianne ang namili. Isa itong dark red bikini. Ito ang napili niya sa akin para magmukha raw akong fierce kahit na maliit. Muntik ko pa nga siyang mahagisan ng magazine na hawak ko noong pinapakita  niya sa akin ito.

    "O, bakla o, bagay sa'yo to! Mukha kang fierce and daring. Kaysa naman dito sa isa..." Pinakita niya ang isang blue na may stripes at floral prints, "baka mapagkamalan kang bata ni Kid'z. Hindi ka pa ata umabot sa balikat niya." Napa-facepalm na lang ako.

    "Grabe, mahal na mahal mo ako, bruha ka."

    "Oo naman! Suportado kita! Buti na lang na-inlababu ako kay Hiro, kundi baka threesome tayo with Kid'z!"

    "Punyeta, 'yang bibig mo!" Bulong ko sa kaniya pero sumisigaw ako.

    "Ano ka ba?! Wala namang nakakaintindi ng tagalog dito ah? Iilan lang tayo sa Dept. Store, puro Hapon pa. O 'di ba?" Saka matamis siyang ngumiti sa akin. "Kaya tara na!"

    Chubby pero sexy ang dating ni Rianne dahil itinago ang malaki niyang tiyan sa navy blue nitong one piece swimsuit. Nagkaroon siya ng kaunting curve dahil hindi nakikita ng naked eye ang mga nag-aalunan niyang bilbil dahil sa dark na kulay nito. Akala ko magto-thong ang bruha. Sabi niya noong nakaraan, muntik na raw. Pero nagbago raw ang isip niya dahil ayaw niyang nakikita iyon ng ibang lalaki. Baka bigla raw kasing hiwalayan nila ang kanilang mga jowa at misis kapag nakita na ang pinakatago-tago niya. Hindi malaki ang boobs niya at puro taba lang, nganga kapag pumayat siya, baka wala nang matira. Pero bumawi naman daw sa baba, matambok daw kasi at pak na pak. All in all, may ibubuga si Rianne. Ang lakas kasi maka-red lipstick, eye liner saka naka-messy curls ang buhok.Isa pa, maputi rin. Para nang sa gayon magmukha naman raw umaariba kahit mataba. Hahaha.

Deep Kisses on a Pale SkinNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ