Napatingin ako sa mga ka-office mate ko. Masyado na silang busy para makita yung katangahan ko kanikanina lang. Salamat naman! Nakakahiya! Binalik ko nalang ang atensiyon ko sa monitor ng computer ko at sa folder ng Custody Case. Haay. nakakahilo, I swear!

Biglang nag-vibrate ang phone ko. Binasa ko ang nag-messege.

From: France

Kinabahan ka ano? Hahaha. Nagde-daydream kase! Tanghali na uy!

Dinilete ko ang messege at tiningnan ang desk ni bakla sa di kalayuan at inirapan ko siya ng malupit! Gagang ito! Letche! Ngumiti lang siya sa akin. At nag-peace sign sa akin.

Bumalik ang atensiyon ko sa trabaho ko. And fortunately, my hours pass productively. Konti nalang at matatapos na ang case ko. I wonder kung kaninong abogado matatapat itong kaso na ito. Kasi isa sa mahirap na kaso ang Custody.

Lumipas ang mga oras at lunchbreak na rin sa wakas. Ang sabi ni France, may darating daw na bagong Abogadong na assign dito sa Clinton Law Firm. Pero hanggang ngayon, wala parin siya. Buti pa si Atty. Castellano. Yung dating abogado na nalipat na ngayon panigurado sa ibang Law Firm, pinapahalagahan niya ang oras at ni minsan, hindi pa iyon na late. Pero itong abogadong na-assign dito sa Clinton, pa-import! PAIMPORTANTE!

"Tara na day! Nagugutom na ako!" Reklamo ni France. Humawak pa siya sa sikmura niya para ipahayag na nagugutom na siya. Ako rin naman no!

"Hindi lang ikaw! Tara na nga!" Naglakad na kami papunta sa elevator. Si France ang nagpindot sa buton kung nasaan ang ground floor. May canteen dito sa firm pero ayaw niya doon. So, lumalabas pa kami just to have our lunch.

Sumakay kami sa kotse niya. Pang girl talaga. No doubt, bakla ang may ari.

"Ikaw ang mag-drive Nads. I broke a nail. Do you know how the girls hate when they got a broken nail?" Malanding sabi ni France. Hindi na ako sumagot at pumasok sa driver's seat. Ibinigay niya sa akin ang susi at pumunta na kami sa isang Seafood Restaurant na malapit lang sa Firm.

Bumaba na kami at siya na ang umorder. Alam naman niya ang gusto ko. Hindi naman kami first time na kumain dito.

"Here's your favorite. . . " Nilapag niya ang Crabs In White Sauce sa harap ko. ". . . and here's mine." Nialapag niya sa harap niya ang Stir Prawns.

Kumain kami. Kailangan busog kami dahil sandamak-mak naman ang trabaho namin pagbalik sa Firm.

"Akala ko ngayon darating yung bagong Attorney sa Firm." Sabi ni France na pinakita pa ang malungkot niyang face.

"Wala naman akong paki-alam eh." Sabi ko at sumubo pa.

"Sabi ko nga kailan nga ba naman nag-ka-interes sa lalaki? Minsan nga naiisip ko na tomboy ka at may gusto ka lang sa akin eh." Sabi niya na tumawa pa.

"Gusto mo isaksak ko itong alimasag sa mukha mo, for you to know how much I like you? Huh?"

"Hahaha. Ikaw naman hindi ka mabiro!"

Mula nun hindi na siya nag salita hanggang sa matapos ang lunch namin. Siya narin ang nag-drive pabalik sa Firm. Hay. Salamat kahit konting oras natahimik ang buhay ko.

Sumakay na kami ng elevator at wala paring nagsasalita sa amin. Alam kong nagbibisibishan lang siya sa pagkalikot sa phone niya pero ramdam kong pinipigilan lang niya ang bibig niyang magsalita.

Bumukas ang elevator sa 7th floor kung saan ang table namin ni France. Napansin rin namin na maraming tao sa glass door ng department namin. Nagkukumpulan ang mga ka-office mate namin. Sabay kaming nagkatinginan ni France. Mukhang iniisip rin niya ang inisip ko. Nagkibitbalikat lang siya. Tumakbo siya at nakipag-siksikan sa crowd ng mga tao. Ano bang meron?

Dumaan nalang ako sa gilid para makaiwas sa kaguluhan. Pupunta na ako sa desk ko para ipagpatuloy ang kasong na na-assign sa akin, nang biglang nagsalita si Mrs. Castfield na ikinatigil ng lahat.

"All of you! Go back to your desk! NOW!" Parang mga sisiw ang mga ka-officemate ko na bumalik sa mga desk nila.

Lumutang ang isang pigura ng lalaki na kanina ay natatakpan ng mga tao. Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa direksiyon ko.

Halos lahat ay kinikilig nang lumingon ako sa mga ka-trabaho ko most especially ay mga babae at pati narin si France. Haay.

"I would like you to meet Mr. Lex Mariano. The new In-charge Attorney here in Clinton Law Firm. " Pagpapakilala sa kanya ni Mrs. Castfield.

"Pleasure to meet all of you here." Sabi ng lalaki na hanggang ngayon ay nakatalikod parin sa direksyon ko. His voice are .... familiar? Nah! You must be kidding! Not this time!

Umikot siya at nakita ko ang kanyang mukha. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Biglang lumamig ang pakiramdam ko. Alam kong fully airconditioned ang firm pero nakaramdam ako ng kakaibang lamig.

Nagtama ang mga mata namin. Ang malaabong mata niyang iyon.

"Ikaw?" Mahina kong sabi. I almost said it to myself.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now