Kahit kailan talaga hindi nauubusan si Lord ng mga ibibigay na kakainisan ko. Pero syempre, mga pagsubok ko lang ito. Pero Lord, sobra na ata ito. Haaaaay.

Tumayo na ako at pumasok sa kwarto ko at hinagis ang cellphone ko sa kama. Haay. Gusto kong mabaliw sa tuwing naiisip ko yung kanina. Gusto kong mandiri sa sarili ko. Naiinis talaga ako sa sarili ko.. Hindi ba dapat nasa police station na ako ngayon at niri-report na may nang-rape sa akin? Pero anong ginagawa ko dito? Urgh!!! Gusto kong sabunutan ang sarili ko.

Naghubad ako at pumasok sa banyo.

Teka, parang may mali. Oo, may mali talaga eh. Nasan. . . Waaaaah??????

Nasaan yung bra ko?

Wait!!!! don't tell me, naiwan ko yung waaaaaahh????? NAIWAN KO YUNG BRA KO SA DEMONYONG YUN???!!!!

***

"Eto yung next na kaso. Yung tungkol doon sa custody ng mag-asawang Lopez sa anak nila. Paki include narin yung doon sa conjugal properties. Thanks." Nakangiting wika ni France at nilapag ang isang folder sa desk ko. I sigh. Another work. Nakakahilo pa naman kapag custodies and properties!

Kinuha ko iyon at binasa. Another annulment, syempre. Wala naman kasing forever. Sa ilang buwan ko nang pagtatrabaho dito, ilang beses na ba ako naka saksi ng annulment? May magpapakasal tapos maghihiwalay rin naman So, what's the purpose of marriage? Props? Hahaha.

Kaya ako? Hindi ako naniniwala sa habang buhay na pag-iibigan. Kasi naniniwala ako na may darating at darating para mag-wakas ang isang relasyon. Hindi man ngayon pero darating ang panahon, magigising ka nalang at wala na ang taong mahal mo...

"Mommy, bakit po kayo umiiyak? Hindi po ba masama ang umiyak?" Tanong ko kay Mommy. She was crying in front of the door.

"Come here Nadine..." She offered me her arms.

Lumapit ako kanya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya umiiyak. "I tell Daddy kung sino ang nagpaiyak sa inyo. Tapos he will protect us from that monsters!"

Sa sinabi ko lalong umiyak si Mommy. Hindi ko alam kung may nasabi ba akong mali. Pero lalo ring humigpit ang yakap niya.

"I love you Nadine, Always remember that. Mommy will never leave you."

Lumipas pa ang mga araw. . .

"Mommy, gusto ko pong magpahatid kay Daddy sa school right now. Siguro naman po umuwi na siya from that very far far place, hindi po ba?" Tanong ko kay Mommy.

She was preparing me for school. She comb my long hair and said,b "Nadine," Pinaharap niya ako sa kanya. "Makinig ka kay mommy ha? Daddy will never go home. I really don't know how to explain it to you my baby. But the fact is just here. Daddy will never go home, for you, for us."

"Nadine, are you even listening to me?"

Nabalik ang katawang tao ko sa isang malakas na boses na iyon. Napatingin ako sa babaeng nasa harap ng desk ko. Si Ma'am Castfield. OMG! I'm dead!

"I'm sorry ma'am, ano po yung sabi niyo?" Inosente at kinakabahang tanong ko sa kanya.

Nakita kong nagsalubong ang kilay niya. Haay. Ganito ba kapag menupause na? "I said can I get the report papers I've given to you last week!"

"O-of course Mrs. Castfield. H-here." Inabot ko sa kanya ang folder. Ngumiti naman siya sa akin. Haay. Nakahinga ako ng maluwag nang umalis na siya sa desk ko.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now