"No"

"Kuya naman please! mag bakasyon ka na muna?" binigay niya naman saakin ang dalawang envelop, ang isa ay isang plane ticket at mamayang gabi ang schedule nito! tapos ang isang envelop naman ay dalawang piraso ng papel na nakalagay Summer frolic.

"Bakit ngayon ang schedule ng pag nitong ticket?" kunot noo kong sabi.

"Basta, tapos pag dating mo sa davao, sumakay ka ng taxi at sabihin mong sa bus terminal ka, at hanapin mo doon ang Mati! doon tapos gamiton mo na Google Map mo pag dating mo don"

"Now tell me Jassie Vianca Flix nakapunta ka na ba sa lugar na yun ng hindi ko nalalaman?" taas kilay kong tanong sakanya.

"No of course! research! sige na, kunin mo na lamang ang maleta mo, inimpake ko na ang lahat ikaw nalang ang hinintay"

Palang lahat ng ito ay planado niya, I don't know how she do it pero shit talagang mapapahanga nalang ako sa kabaliwan ng kapatid ko.

"Dapat talaga hindi kita binigyan ng atm" komento ko nalang at sinunod nalng ang sinabi niya.

Pumasok ako ng kwarto at naligo lamang.

Niligpit ko na din ang laptop ko at lahat ng kailangan ko don dahil mga damit lamang ang nakalagay sa maleta ko.

Alas sais naman ay hinatid ako ni Frank at ni Jassie sa airport, puro lang ako habilin sakanilang dalawa lalo na sa kapatid ko, tango lamang ito ng tango habang nakangiti.

"Masaya akong makabakasyon ka Kuya"

"Tsk" narinig ko naman ang pag tawag sa eroplano ko kaya nag paalam na ako sakanila.

Nakarating naman ako sa isang mala paraisong lugar, nakapag check in na ako for a week, okay na din ito, mabuti nalang talaga at hindi polluted ang siyudad nato, kaya kahit saan ako mag pupunta okay lang, preskong hangin ang natatanggap ko, pero hindi padin ito natatakasan sa init ng Pilipinas!

Kahit saan ka lumingon may mga puno kang makikita well except sa downtown nila dahil puro building ang nakikita ko, pero mas lamang padin ang mga puno at bulaklak dito sakanila.

Suminghap naman ako ng hangin, ngumiti naman ako dahil naamoy ko ang amoy ng dagat dito, hindi siya mabaho, kundi amoy dagat talaga siya.

Tinitigan ko naman ang asul na dapat, at sa pag hampas ng alon sa mala gintong buhangin.

Nag ring naman ang phone ko kaya kinuha ko ito sa loob ng bulsa ko.

"Grey"

"di mo man lang ako inayang mag bakasyon"

"Wala akong magawa Grey, hindi sakin ang planong to"

"Pero it's good to hear na nag babakasyon ko, siguro susunod ako diyan kung matatapos ko ang trabaho ko"

"Isang linggo lang ako dito Grey"

"kahit na, nga pala pinuntahan ako ni Nicole kanina sa opisina, hinahanap ka"

"wag mong sabihing sinabi mo kung saan ako?"

"Wala syempre bakasyon mo eh!"

Napatingin naman ako sa dumaan sa harap ko, kumunot naman ang noo ko dahil sa isang staff ng resort nato ang dala niya puro paper bag ng kahit anong sikat na clothing brand!, nakasunod naman sa staff ang isang sobrang puting babaeng mula sa pang taas na damit hanggang sa sapatos ay naka adidas, napailing naman ako.

Masyado naman niya atang pinagsisigawan sa lugar nato ang kayamanan niya and it's not a good thing

"Hey JM still there?"

Pero mas sumisigaw ang pagiging isang dyosa niya, kahit nakasuot ito ng sunglasses ay hindi padin natatabunan ang pagiging maganda niya.

May maganda itong pangangatawan, even her skin, white as milk! hindi siguro ito taga dito, siguro isa itong turista.

Pumasok naman ito sa katabi kong cabin

"Justin Mark Flix!" napabalik naman ang atensyon ko sa kausap ko.

"Huh?"

"Okay ka lang? madami bang chicks diyan?"

"Wala, ngayong Wednesday pa siguro o bukas madami ng tao dito" nilingon ko ulit ang cabin na katabi ko, lumabas naman ang staff.

"Excuse me"

"Sir? naa moy kinaha-- may kailangan po ba kayo?"

"Sino yung hinatid mo?"

"Hindi ko po kilala pero sure akong hindi taga dito sa bansa natin, matigas mag english eh, lalo na po mag tagalog" lumingon ulit ito sa cabin ng babaeng hinatid niya, parang na starstruck ito.

"Ah sige salamat"

"Way problema sir" ngumiti ito saakin at umalis na.

Sa pag lingon ko sa katabi kong cabin, niluwa naman siya nito, at tama nga ang sinabi ko kanina, may mala dyosa itong pagmumukha.

Nag ring naman ang cellphone niya at may kinausap naman ito, tama nga ang sinabi ng staff ibang iba ito kung mag tagalog kahit na mag english, ibang iba din.

"May nakita ka atang babae eh! kaya hindi mo na ako pinapansin"

"shut the fvck up Grey I have to go" di ko na siya hinintay pa, binabaan ko na siya ng tawag.

"whatever mommy!" rinig kong sabi niya, tulad ko binaba na din niya ang kanyang telepono, natulala pa ito habang kaharap ang karagatan.

Tinitigan ko lamang siya, hindi naman ako ignorante sa mga foreigner pero talagang kakaiba siya, yung mapapatingin ka talaga sakanya at magiging bato ka kung ititigil mo na ang pag tingin sakanya.

Ngumiti naman ito na mas lalong nag pa ganda sa kanya, napangiti nalang din ako.

"You are pretty when you're smilling"

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now